SUMMER~
Pagdating namin sa resort, agad kami pumunta sa restaurant para kumain. Nakita kong kumakain si Bonita mag isa sa isang table kaya nilapitan namin siya
"Bes" napatingin siya sa akin "Kumain ka na?"
"Hindi pa" sagot ko
"Kain na kayo. Dito na kayo umupo" tumingin siya kay Fabio "Baby Fabs, you can seat beside me" sabay ngiti niya
"Sure" sabi ni Fabio
Napatingin ako sa paligid. Hinahanap ko si Rocky kasi nakakapanibago lang na hindi sila magkasama ni Bonita habang kumakain
"Umupo ka na bes" sabi ni Bonita
Tumingin ako sa kanya "Saan ba si Rocky?"
"Hindi ko alam. Baka andon pa sa mini bar. Wala pa rin kasi si Ailyn"
"Sige, pupuntahan ko muna siya"
Habang naglalakad ako papunta sa mini bar, hindi na si Rocky yung barista at wala na rin si Ailyn. Ibig sabihin, tapos na yung shift nila. Asan ba sila? Nung malapit na ako sa mini bar, nakita ko si Rocky nakaupo. Napangiti ako nung nakita ko siya. Lalapitan ko na sana siya nang biglang nakita kong kausap niya si Ailyn. Nagtatawanan silang dalawa at halatang masaya sila habang naguusap. Hindi ko nalang sila gugoluhin. Ayaw kong disturbohin sila. Masaya na rin ako kasi nagkakaintindihan na sila. Siguro ngayon, hindi na sila magaaway. Bumalik ako kung saan kumakain sina Fabio at Bonita
"Bes, uuwi na ako" sabi ko
"Ha? Hindi ka ba kakain?"
"Doon nalang ako sa bahay kakain" tumingin ako kay Fabio "I'll go now. See you tomorrow"
Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko. Pumunta ako sa balcony at nagisip. Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Fabio sa akin kanina once a person can't answer directly to a question, it means there's something tapos nakita ko pa siya kasama si Ailyn. Mabuti na rin yon para hindi na sila magaway. Inaasar kasi nila ang isa't isa palagi
Hay! Ano ba naman to?! Bakit ba ako nagiisip ng ganito? "Aish! Hindi ka ba napapagod sa kaka overthink, J?!"
"Ano ba yang iniisip mo?"
Nabigla ako sa boses na narinig ko. Tumingin ako sa tabi ko at nakita kong nakatayo si Rocky "Pumasok ka na nga sa kwarto ko, nang gugulat ka pa"
"Sabi kasi ni Bonita na hindi ka kumain kanina sa resort at dito ka nalang daw kakain. Tinanong ko yung mga kasambahay kung kumain ka na ba at ang sabi nila ay hindi pa kaya pumunta na ako dito sa kwarto mo"
Inirapan ko siya "Paki alam mo? Kakain naman ako mamaya"
Umupo siya sa tabi ko "Ano ba kasi yang iniisip mo? Iniisip mo ba kung sasagutin mo si Fabio o hindi?"
"Hay nako! Ang daming manghuhula dito. Kanina lang, hinuhula ni Fabio yung sagot ko sa tanong kung gusto ba kita at ang sabi niya na gusto daw kita kahit hindi pa ako sumasagot"
"Bakit? Hindi ba?"
Napatingin ako kay Rocky. Napatulala ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung saan patungo tong paguusap namin. Biglang may kumatok sa pintuan "Summer, Rocky, andito na ang pagkain"
Tumayo si Rocky "Ako na ang bubukas" at umalis siya. Nakahinga rin ako ng maluwag sa pagalis niya. Grabe! Di ko kinaya yon!
"Bes! Ang ganda pala dito sa kwarto mo!" biglang dumating si Bonita at umupo sa tabi ko
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...