SUMMER~
"Sabi ko nga ba, hindi mo ako matitiis"
Napatayo ako nung nakita kong nakangiti si Rocky. Sinadya ba niya talaga na malunod siya para sagipin ko siya? O baka nagaacting lang siyang kunwaring nalulunod? Pinagbibiruan ba niya ako? Dahil sa laki ng galit ko, umalis ako. Nung malapit na ako sa lifeguard's area, hinawakan niya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya sabay kuha sa kamay ko mula sa pagkakapit niya
"Ano ba?!"
"Bakit ka nagagalit?" tanong niya
"Sino ba ang hindi magagalit kapag pinagbibiruan ka?" sabay cross ng arms ko
"Hindi ako nagbibiro, Summer. Hindi talaga ako marunong lumangoy"
"Inis na inis na talaga ako sayo. Wala kang ibang ginawa kundi asarin ako. Hindi ka ba napapagod? Kasi ako, napapagod na ako sa kakaasar mo kaya pwede ba, tigilan mo na to"
Hindi nakapagsalita si Rocky kaya umalis na ako kaagad. Pumwesto na ako sa station ko at umupo. Nakita kong bumalik si Rocky sa mini bar at guminhawa ng malalim. Totoo naman talaga eh, simula nung dumating ako dito, lagi nalang niya akong inaasar. Hindi ba niya nahahalata na iniiwasan ko siya? Kailangan ba talaga na sabihin ko pa sa kanya para malaman niya?
ANNIKA~
Pagkatapos ng shoot ay agad akong pumasok sa tent. Sa wakas, makakatulog na rin ako. Ang aga kasi ng call time ko. 6am andito na ako tapos nagsimula kaming magshoot, 7am. May lunch break kami then pagkatapos ng lunch break, balik trabaho na naman ulit. Natapos namin yung shoot 8pm kaya sa wakas, makakatulog na rin ako
Sobrang napagod talaga ako ngayon. Di ko akalain na mas nakakapagod pala ang maging artista kesa maging medical technologist. Sana hindi nalang ako pumayag sa trabaho na to kasi feeling ko hindi ako makakasurvive nito. Umupo ako sa folding bed at inayos na ang sarili ko para matulog na. Ako lang mag-isa dito sa tent kasi yung iba, nagtratrabaho pa kaya solo ko ang tent ngayon
Nakahiga na ako nung biglang may pumasok sa tent ko
"Annika?"
Napaupo ako kaagad nung nakita ko si Gabe "Gabe? Anong ginagawa mo dito?" may rules kasi kami dito, hindi pwedeng pumasok yung mga lalake sa tent ng mga babae
"Ah, may ibibigay lang ako sayo" sabay ngiti niya
Inabotan niya ako ng isang mainit na gatas. Kinuha ko yung gatas "Thank you"
"Magpapanhiga ka na?" tanong niya
"Oo. Bakit? Hindi ka pa tapos?" tanong ko habang inilagay yung gatas sa mesa
"Oo, may dalawang scenes pa kami ni Yassi eh. Huwag mong kalimutan uminom ng gatas ha para iwas sakit ng ulo. Hindi ka kasi sanay sa trabaho na ganito"
Napangiti ako sa pagiging thoughtful at caring niya "Walang problema. Salamat ulit pala nito"
"Walang anuman" huminga siya ng malalim "Ay teka pala, nakalimutan ko. Magpapaturo ako sayo bukas kung paano mag extract ng dugo"
Napatawa ako "Seryoso talaga yan?"
"Oo naman kaya nga tinanggap ko tong role na to kasi gusto kong malaman kung paano mag extract ng dugo"
"Ah, okay. Sige, tuturuan kita bukas" sabay ngiti ko
"Yes! Thank you! Sige, magpahinga ka na" ngumiti siya bago siya lumabas
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...