CHAPTER 20- Getting close

533 17 0
                                    

SUMMER~

Hindi ko alam kung bakit napaupo ako ngayon dito sa harap ni papa. Hindi ko kaya ang ganito, na kami lang dalawa dito. Tinignan ko yung pagkain, mga paborito ko to ah. Baka si papa ang nagset-up nito lahat

"J, gusto mo bang kumain?" tanong ni papa

Napatingin ako sa kanya "No, hindi pa naman ako gutom"

Tumango si papa at napapansin ko na para bang hindi niya alam kung ano ang paguusapan namin dito kaya ako nalang ang nagsimula "Ikaw ba ang nagplano nito lahat?"

"Hindi, uh...siguro si Rocky nagplano nito lahat"

Si Rocky?! Kaya pala pinapunta niya ako dito kasi gusto niyang magkausap na kami ni papa? Disappointed pa rin ako dahil kung gusto niyang magkaayos kami ni papa, hinding hindi talaga yon mangyayari

"Okay na pala kayo ni Rocky ngayon. Kahapon kasi, kinausap niya ako na gusto niyang---"

Hindi ko pinatapos si papa dahil naiinis na talaga ako. Tumayo ako "Aalis na po ako"

"Ha? Saan ka pupunta? Magusap muna tayo"

"Magusap?! Ano naman yung paguusapan natin? Yung tungkol sa kung paano mo kami iniwan ni mama? Hindi na kailangan, alam naman natin na hindi na yon maibabalik pa. Nangyari na ang nangyari. Para sa ano pa ba tong paguusapan natin?"

Napatayo na rin si papa "J..."

"Pupunta na po ako" sabi ko bago ako umalis sa rooftop. Pagbaba ko galing sa rooftop, nakita ko si Rocky nakatayo

"Summer..."

Hindi ko siya pinansin at naglakad palayo sa kanya. Habang naglalakad ako palayo sa kanya, hinawakan ako ni Rocky para matigil ako sa paglalakad. Napatingin ako sa kanya "Ano ba?!"

"Gusto ko lang naman magkaayos na kayo ng papa mo"

"Maayos?! Hindi na maayos ang lahat, Rocky! Hindi na! Hindi mo ba naiintindihan?!" hindi ko namalalayan na sumisigaw na ako

"Alam kong maaayos pa rin yung tungkol sa papa mo. Alisin mo nga yung sakit na nararamdaman mo at mapapatawad mo rin yung papa mo"

"Sana nga ganon kadali, Rocky. Sana nga. Hindi mo kasi ako naiintindihan"

"Hindi naiintindihan? Siguro, oo hindi kita naiintindihan kasi hindi ko alam kung gaano ka kaswerte na kompleto pa rin yung pamilya mo na kahit anong gusto mong gawin, makakasama mo pa rin sila. Sana nga makita mo kung gaano ka kaswerte kasi sa tingin ko, mas inuuna mo pang pansinin yung nararamdaman mo kesa sa nararamdaman ng ibang tao. Hindi mo alam kung ano yung nararamdaman ng papa mo na araw araw mo nga siyang pinapansin pero halata naman sa mukha mo na parang napipilitan ka lang, tandaan mo yan" sabi niya bago siya umalis

Naiwan akong umiiyak sa may hallway. Nakita ako ni Bonita na umiiyak kaya nilapitan niya ako "Summer, okay ka lang?"

Pinunasan ko yung mga luha ko "Uuwi muna ako"

"Gusto mo bang ihatid muna kita?"

"Huwag na. Kaya ko"

Nung naglalakad ako pauwi na sana nang bahay, napagisipan kong hindi muna umuwi. Napagisipan kong maglibot libot muna dito sa isla. Napunta ako sa isang lugar kung saan walang tao. Napagisipan ko na dito muna ako. Ito ang kailangan ko, ang katahimikan. Nakikita ko yung view ng dagat at may nakita akong cliff. Pumunta ako sa cliff at umupo. Niramdam ko ang presko ng hangin. Sobrang presko na hindi ko namalayan na gabi na pala. Ang daming lamok dito kaya napagisipan ko na pumunta malapit sa dagat at dito na pumwesto

Wala pa rin akong planong umuwi. Ayaw ko muna kasi makita sina Rocky at papa. Kung pwede lang siguro lumayo muna sa kanila, lalayo talaga ako pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Wala akong ibang kilala dito. Habang tumitingin ako sa buhangin, may narinig akong boses. Napatingin ako kaagad sa likuran ko, si Ailyn lang pala. Umupo siya sa tabi ko

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon