AILYN~
Hinahanap ko yung dalawa kong kapatid, sina Sandro at Ivan. Naglalaro na naman yong dalawa. Magaa-ala una na sa hapon at hindi pa sila kumakain ng kanilang tanghalian. Ano bang klaseng tiyan ang merong yung mga kapatid ko at hindi sila madaling nagugutom?
"Saan ka pupunta?" biglang nakita ko si Rita sa kanilang tindahan
"Nakita mo ba sina Sandro at Ivan?"
"Hindi eh"
"Hahanapin ko muna sila. Hindi pa kasi sila kumakain"
Lumabas si Rita mula sa tindahan nila at lumapit sa akin "Sasamahan na kitang maghanap"
"Nako, huwag na. Bantayan mo nalang yung mga paninda mo"
"Andyan naman si mama. Halika na, maghanap na tayo" sabay hawak ni Rita sa kamay ko
Si Rita na yung naging best friend ko simula nung mga bata pa kami. Una ko siyang nakilala nung sinagip ko siya habang nalulunod. Hindi kasi siya marunong lumangoy kaya simula nung araw na yon, tinuruan ko siyang lumangoy. Ngayon, sobrang galing na niya. Wala na siyang takot sa dagat
"Pumunta tayo sa simabahan. Naalala ko doon naglalaro sina Sandro kasama si Livia" sabi ni Rita
Si Livia ang nakakabatang kapatid ni Rita. Magkaparehas kami ni Rita, kami yung panganay. Pareho din kaming kinuhang kurso kasi gusto namin na palagi kaming magkasama. Clingy namin sa isa't isa nu?
Malapit na kami sa simbahan nang makita namin si Livia na nakatayo sa tapat ng gate ng simbahan
"Ate!" sabay kaway ni Livia "Tulungan niyo kami!"
Agad kaming tumakbo ni Rita nung sumigaw si Livia para kasing may nangyaring masama. Tumakbo kami hanggang sa tapat ng simbahan. Nagulat kami sa nakita namin. At eto naman si Rita, biglang naiyak. Maiyakin kasi tong best friend ko
"Anong nangyari sa kanila? Anong ginawa niyo sa kanila? Kayo ang nagpatay sa kanila?! Ano ba kayo? Ang babata pa ninyo!" sabi ni Rita habang umiiyak
Parang pamilyar yung babae ah. Yung babae may sugat sa noo niya habang yung isang lalake, omg! Wait, eto yon! Eto yung lalake na pinagtrippan ko nung isang araw
"Grabe ka naman ate Rita. Hindi namin sila pinatay!" sabi ni Ivan
"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Rita habang pinapahid niya yung mga luha niya
"Naglalaro kami ng piko tapos nung si Ivan na yung tumira, napunta yung bato sa noo ng babae" sabi ni Sandro
"Eh, etong lalake?" bigla kong natanong
Nakita kong nagulat si Rita nung tumingin siya sa lalake. Inalog niya ako at tumingin sa akin "Di ba, eto yung lalake?"
"Oo" tipid kong sagot
"Nagpatulong kami sa lalake tapos nung nakita niya yung babae, bigla lang siyang nahimatay" sabi ni Livia
"Tawagin niyo sina kuya don sa may dagat. Sabihin niyo magpapatulong tayo sa kanila" utos ko sa kanila
"Saan natin sila dadalhin?" tanong ni Rita
Walang ospital dito kasi isla to. Meron lang kaming maliit na health center dito at dahil naranasan ko nang gumamot noon kasi nagvolunteer ako non sa aming health center, napagisipan ko na ako nalang ang gagamot sa babae "Sa bahay namin"
Pinahiga ko ang babae sa maliit na kwarto nila mama at papa. Nilagyan ko nang gamot yung noo niya at ibinalot sa isang panyo. Pinahiga ko yung lalake sa kwarto namin ng mga kapatid ko. Maliit lang yung bahay namin at gawa ito sa kahoy. Pamilyar talaga yung babae habang tinitignan ko siya
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
Fiksi PenggemarSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...