Hello Readers!!!
Sorry natagalan ako sa pagupdate :( Kakauwi ko lang galing bakasyon
Eto na rin ang hinihintay ninyong update! Salamat sa pahintay. Sana magustuhan nyo to! ;)
SUMMER~
Matapos ang ilang minutong paghihintay, lumabas na rin yung kumadrona. Ang dami niyang pawis at halata pa rin yung dugo sa kanyang damit. Napapikit kaagad si Rocky kaya hinawakan ko yung kamay niya. Hinawakan na rin niya yung kamay ko kaya para na rin kaming nagholding hands. Napangiti ako kaya tumingin ako ulit sa kumadrona
"Kambal yung anak niya. Isang babae at isang lalake"
Sabi ko nga! Kambal talaga yung anak ni ate Ligaya kasi ang laki ng tiyan niya! Nakahinga rin kami ng maluwag pagkatapos namin yon malaman
"Pwede na po ba kaming pumasok?" tanong ni papa sa kumadrona
"Oo"
Papasok na sana ako ng biglang hinigpitan ni Rocky yung pagkakapit niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakadilat na yung mga mata niya kasi umalis na yung kumadrona "Hindi ka ba papasok?" tanong ko
"Hindi na. Baka may dugo pa. Doon nalang ako sa sala maghihintay" at dahan dahan kaming nagbitaw ng kamay. Ayaw ko pa sanang bitawan yung kamay niya pero matakutin kasi siya. Nakangiti ako habang pumasok sa kwarto ni ate Ligaya. Unang una kasi successful yung pagkalabas ng anak niya, pangalawa, nagholding hands kami ni Rocky. First time kaya yon na magkaholding hands kami
Nakahiga pa rin si ate Ligaya habang si ate Doris naman ay nakaupo sa kama niya habang tinitignan yung kambal na nakahiga sa tabi ni ate Ligaya
"Tama ka nga, Summer. Kambal yung anak ko" sabi ni ate Ligaya
"Tsaka, babae at lalake pa ha!" sabi ni ate Doris
"Ano yung ipapangalan mo sa mga anak mo?" tanong ni papa
"Gusto kong ipangalan sila kay Summer at Rocky kasi sila yung nakasaksi bago ako nanganak. Sami Pauline yung babae at Robi Paulino naman yung lalake" sabay ngiti ni ate Ligaya
Napangiti ako sa sinabi ni ate Ligaya. Ang ganda pala sa feeling na ipinangalan galing sayo yung bagong isinilang na bata
"Ang cute talaga nilang dalawa" sabi ni Bonita
Dahan dahan naman kinarga ni papa si Robi. Tinitignan ko si papa habang kinakarga niya si Robi. Nakangiti siya habang kinakarga niya ito hanggang sa biglang may tumulong luha galing sa kanyang mga mata. Siguro naaalala ni papa si kuya. Syempre, hindi pa rin sila in good terms ni kuya hanggang ngayon. Ipinalalayo kasi ni kuya yung sarili niya kay papa. Kung alam lang siguro ni kuya yung totoo tungkol sa nangyari kina mama at papa, alam kong hindi niya ito gagawin. Naniniwala pa rin ako na magkakaayos din sina kuya at papa
Pagbalik namin sa loob ng bahay ay nakatulog na pala si Rocky sa sala habang naka-on yung tv. Nagulat si papa kung bakit hindi pumasok si Rocky kanina sa kwarto nila ate Ligaya
"Bakit siya nandito? Hindi ba siya pumasok don sa loob?" tanong ni papa
"Matakutin kasi siya sa dugo. Nahihimatay yan kapag may nakikitang dugo" sabi ko kay papa
"Ah, huwag na ninyo yang gisingin parang mahimbing na kasi yung tulog niya. Aakyat na ako sa itaas ha" sabi ni papa
"Ikaw, Summer? Hindi ka pa ba aakyat?" tanong ni Bonita sa akin
"Tutulungan ko muna si ate Doris magsara ng mga pintuan dito"
"Sige, good night" tapos umakyat na rin si Bonita
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
Fiksi PenggemarSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...