CHAPTER 29- Curiosity

471 13 0
                                    



ANNIKA~

"Oo, nakita na kita noon pa" sobrang nagulat ako nung narinig ko yung sinabi ni Gabe. Ibig sabihin, kilala na niya ako noon pa?

"Wait, totoo ba to?" hindi pa rin kasi ako makapaniwala hanggang ngayon

Biglang napatawa si Gabe "Oo. Alam kong mahirap paniwalaan pero totoo talaga na nakita na kita noon pa. Miyembro ka nga ng Theaters Arts Club non at ang sobrang galing mong umarte"

Mas nagulat ako, totoo nga yon! Hindi nga siya nagsisinungaling! "Ba...bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Napangiti si Gabe "Wala lang. Gusto ko lang kasi kilalanin ka pa since hindi ako nabigyan ng chance na kilalanin ka noon. Dahil sayo, nagustuhan kong umarte. Ang galing mo kasi"

Flattered ako nung narinig ko yon "Ibig sabihin, dahil sa akin naging artista ka?"

"Siguro. Una kasi kitang nakita sa auditorium. Nagprapractice kayo non sa play na Les Miserables. Ikaw pa nga si Eponine non! Tamang tama sa pagdating ko, kinanta mo yung On My Own. Magaling ka na ngang umarte, maganda pa yung boses mo"

Sobrang sobra na ang papuri ang natatanggap ko sa kanya. Nahihiya na talaga ako

"Hindi rin ako nakapagtapos ng pagaaral ko dito sa Cebu kasi bumalik kami sa Manila after two years ng pagstay namin dito. Pagbalik ko sa Manila, tinapos ko yung high school. Napagod akong kakasama kay papa every time ma-assign siya sa ibang lugar kaya napagisipan kong mag artista para may rason akong hindi sumama sa kanya. Ikaw kaya ang naging inspirasyon ko"

Hindi na ako makapagsalita. Hindi ko na kasi alam kung ano yung sasabihin ko

"Kaya nung nalaman ko na dito kami sa Cebu magshoshooting, agad kitang hinanap sa social medias. Mabuti na rin at madali kang hanapin. Yung iba kasi iniiba yung mga pangalan nila sa mga social medias. Kaya nung nahanap kita kaagad, ni-refer kita kay direk kasi sabi niya na may isang character na sa Cebu namin kukunin. Kaya nagtataka ka kung bakit kinuha ka nila direk, eh naglalakad ka lang non. At yung tungkol sa pagswap ng phones natin, sinadya ko talaga yon"

Ay oo nga pala, nagswap kami ng phones non nung araw na kinuha ako nila direk maging parte ng teleserye

"Maliwanag na ba lahat sayo, Annika?"

Tumingin ako kay Gabe "Oo. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Nakakaflatter na ginawa mo akong inspirasyon sa pagiging artista mo. Salamat talaga"

"Bakit ka nagpapasalamat? Ako nga yung dapat magpasalamat kasi dahil sayo, naging artista ako at malayo layo na rin ang narating ko"


SUMMER~

Pagdating ko sa dining area, nagulat ako nung nakita kong kumakain si Fabio kasama nila papa, Bonita at Rocky. Anong ginagawa niya dito?

"Good Morning, Summer" sabay ngiti ni Fabio sa akin. Tumayo siya at pinaupo ako sa tabi niya "Have a seat"

Umupo ako sa tabi niya at hinandaan niya ako ng mga pagkain "You should eat a lot"

Napatingin ako sa kanya. Napaka gentleman naman niya

"Because, we are going to do scuba diving" sabay ngiti niya sa akin

"Anak, samahan mo muna si Fabio maglibot dito sa isla" sabi ni papa

Napatingin ako kay Bonita. Ngumingiti siya habang tinitignan si Fabio na nilalagyan niya ng mga pagkain yung plato ko. Nung tumingin ako kay Rocky, agad siyang umiwas ng tingin sa akin

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon