SUMMER~
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalake, which is yung totoo kong papa. Dito kasi nakatira sa Cebu yung papa ko. Siya yung ama namin ng kuya ko. Iniwan niya kami nung two years old pa lang ako at nung 10 years old pa lang yung kuya ko. Ang kapal din ng mukha niya para makipagkita sa akin. Eto yung unang beses na nagpakita siya sa akin. Nakita ko na siya noon sa Facebook, in-add kasi niya ako. Hindi ko akalain na magkikita kami ngayon
"Anak, miss na kita"
"Pagod ako. Galing ako sa mall show at kailangan kong magpahinga"
"Ang ganda mo na ngayon, anak. Pwede bang yakapin kita?"
Ang kapal talaga ng mukha! Hindi man lang siya nahiya na kailanman ay hind siya nagpakita na sa amin ulit? Hindi ko inaasahan na mangyayari to ngayon. Pagkatapos ng ilang taon na pinabayaan niya kami, magpapakita siya sa akin ngayon na parang walang nangyari?
"Kung gusto mong magkita pa ulit tayo. Punta ka nalang bukas dito 7 am. Flight schedule ko kasi bukas ay 8 am. Hindi talaga ako pwede ngayon" sabi ko sa kanya bago ako pumasok sa elevator. Yung mukha niya yung huli kong nakita bago sumira yung elevator. Mabuti nalang at ako lang mag-isa dito sa elevator kaya napaiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak dapat nga hindi ako umiiyak ngayon, dapat galit ako. Galit sana ako ngayon dahil after what we've been through, may mukha pa siyang kayang iharap sa amin
Pumasok ako kaagad sa kwarto ko at tinawagan si mama "Ma, nagpakita si papa sa akin ngayon dito sa hotel"
"I'm sorry, J"
"Bakit ka nagsosorry ma?"
"Ako ang dahilan kung bakit alam ng papa mo kung saan ka ngayon. Sinabihan ko siya na andyan ka sa Cebu. Sa tingin ko kasi panahon na rin para makilala mo yung papa mo at makasama mo siya"
"I don't get you, ma. Tayo na nga yung iniwan ni papa, ikaw pa ang naghahanap ng paraan para maipalapit siya ulit sa pamilya natin"
"J, papa mo pa rin siya"
"Hindi ko na siya papa simula nung iniwan niya tayo. I need to go na, ma. Pagod ako ngayon. See you tomorrow"
"J!"
Then I ended up the call. Hindi ko maintindihan si mama ngayon. Did she already forgive my dad? Dahil ako, hindi pa at wala akong plano na patawarin siya. Masyadong masakit ang ginawa niya sa amin. Kung nagpakita man siya sa akin habang lumalaki ako, kung nagpakita man siya sa akin noong panahon na kailangan ko ang isang pagmamahal na galing sa isang ama, baka may chance pa na patawarin ko siya pero wala eh, hindi niya yon ginawa. Hindi man lang siya nagpakita sa akin at nagpakilala na ama ko siya. Hindi ko pa sana siya kilala hanggang ngayon kung hindi niya ako in-add sa Facebook. Paano kung hindi na-imbento yung Facebook? Hindi ba siya eeffort na pumunta ng Manila at tignan kung ano na ba ang hitsura ko? Walang tigil pa rin yung iyak ko hanggang sa nakatulog nalang ako
"J! Gumising ka na! Maligo ka na! Baka ma-late pa tayo sa flight natin" sabi ni Flora habang inaalog-alog ako
Binuksan ko yung mga mata ko at bumangon
"Umiiyak ka ba kagabi?"
"Ha? Hindi"
"Sus, deny ka pa. Kitang kita naman sa mata mo" sabay bigay ni Flora ng towel sa akin
Pagpasok ko sa CR, totoo nga ang sabi ni Flora. Kitang kita sa mata ko na galing ako sa kakaiyak kagabi
Pagkatapos kong magbihis ay may kumatok sa pintuan. Si Flora na ang nagbukas kasi inaayos ko pa yung sarili ko. Pumasok si Gabe sa kwarto ko at tumingin ako sa kanya
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanficSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...