SUMMER~
Inis na inis pa rin ako kay Rocky hanggang ngayon. Hindi pa rin mawala sa isipan ko na wala siyang tiwala sa akin. Buong araw hindi kami nagpapansinan sa resort. Magkasabay nga kaming kumakain pero hindi ko siya pinapansin. May instances na nagkakatinginan kami pero ako yung unang umiiwas ng tingin. Ang hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay nagseselos pa rin siya kay Gabe eh may closure na kami
Nagmamadaling umuwi si Bonita kasi hinihintay niya yung teleserye na palagi niyang pinapanood. Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin sina ninang Sally at Annika na nakatutok sa tv. Umupo naman sa tabi nila si Bonita
"Hinihintay mo rin yung teleserye mo ate Annika?" tanong ni Bonita
"Oo naman!" sabay ngiti ni Annika
"Ano pala ang feeling na tinitignan mo yung sarili mo sa tv?"
"Syempre, awkward minsan pero okay lang din"
Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso kaagad sa kwarto ko. Pumunta ako sa balcony at umupo sa couch. Ang kapal ng mukha niya! Hindi pa talaga siya nagsorry sa akin ha?! Nagcross ako ng arms. Hay! Bahala siya sa buhay niya! Kasalanan naman din niya to eh! Tumayo ako at papasok na sana sa loob ng biglang nasa harapan ko na si Rocky. Nagulat ako na andito siya sa loob ng kwarto ko
"A...a..ano..."
Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit "Sorry na. Hindi na mauulit"
Inilayo ko siya sa akin at bigla siyang sumimangot
"Hindi ako madadala sa mga ganyan" nagcross ako ng arms at umiwas kaagad ng tingin
"Ang taray naman ng amaw ko"
Hindi ko pa rin siya tinignan. Bahala siya sa buhay niya! Huminga ako ng malalim at tumingin sa isla na sinasabi niya sa akin non na may multo. Nabigla nalang ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako habang ako ay nakatalikod. Napangiti ako sa ginawa niya. Gusto ko talaga kasi yung mga back hug eh pero hindi dapat ako kiligin! Dapat hindi ko ipapahalata sa kanya na kinikilig ako. Teka lang, parang hindi ko talaga kaya! Hindi ko maalis yung mga ngiti ko!
"Gusto mo bang puntahan natin yang isla na yan?" tanong niya
Dapat taray pa rin yung sagot ko para hindi niya mahahalata na kinikilig ako "Pumunta kang mag-isa dyan"
Mas lalo niyang hinigpitan yung yakap "Pero gusto ko kasama ka"
"Huwag mo na akong isama"
"Kulang kasi kapag wala ka"
I can't help it! Kinikilig talaga ako! Mabuti na rin at nakatalikod ako, hindi niya nakikita na kinikilig ako. Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. Napabitaw na rin siya sa yakap at tinitignan ako sa mga mata. Nabigla na naman ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako! First time talaga tong hinalikan niya ako! Biglang lumakas na naman yung tibok ng puso ko
Ngumiti siya "Kapag tinatarayan mo pa ako, hahalikan talaga kita ulit"
What?! Anong sabi niya?! At nagustuhan pa niya yung paghalik sa akin ha?! "Ang daya mo naman"
"Ikaw kasi, tinatarayan mo ako palagi"
"Dahil naman to sayo. Ikaw kasi, sineselosan mo si Gabe"
"Nagsorry na nga ako di ba?"
Nagcross ako ng arms ulit "Wala kang magagawa kung ayaw ko"
Hinalikan na naman niya ako! Inaabuso na talaga niya ako ha!
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...