ROCKY~
Simula nung nalaman ko na anak pala ni tito Donny si Summer, palagi na akong nanonood ng news. Narealize ko kasi na wala akong pakialam sa mga balita. Si Annika yung palaging nangingialam ng mga balita tungkol sa mga artista. Hindi alam ni Annika na nagbabasa din ako ng mga articles tungkol sa mga artista pero kay Summer lang yung balita ang binabasa ko.
Habang kumakain kami ng hapunan, naka-on yung tv sa sala. Mula sa dining table namin, makikita pa rin namin yung tv kasi nakaharap ito sa amin. Concentrate na ako sa pagkain ko na biglang may narinig ako "Summer Tanquiamco at Gabe Costancia, nakitang magkasama na lumabas kagabi sa isang club. Eto na ba ang simula ng pagbabalikan ng magka ex lovers? Noong pasko, pinalabas yung pelikula ng dalawa. Naging top 1 ito at hindi akalain ng dalawa na magiging top 1 yung pelikula nila dahil first time nilang magsama sa isang pelikula. Kahapon yung birthday ni Vera, isa sa kaibigan nila at kasama nila sa kanilang pelikula. Hindi akalain ng mga tao na sabay lumabas galing sa loob ng club ang dalawa. May mga pictures na nakunan yung mga tao na nakakita sa kanila. May nagsasabi na baka nagkabalikan na sila. May sumang-ayon sa pagbabalikan nila, meron naman hindi pero sa ngayon, wala pa rin sa kanila ang nagsalita tungkol sa issue"
"Sabi ko na nga, magkakabalikan talaga yan silang dalawa. Obvious naman sa mga captions ni Gabe sa mga pictures niya ni Summer na pinopost niya sa instagram" sabi ni Annika
"Ano naman yung mga caption ni Gabe?" tanong ko sa kanya
"May caption na, you light up my world tapos meron pang, you turn my world upside down"
Napatawa ako sa mga captions ni Gabe. Seryoso ba to?
Napatingin si Annika sa akin "Bakit ka tumatawa?"
"Ang baduy naman ng mga captions niya!" tumawa ulit ako
"Balibhasa, hindi ka pa kasi na inlove. Try mo rin kaya ma-inlove para malaman mo kung ano yung feeling"
"Huwag na, puros sakit sa ulo at puso lang ang dinadala niyan. Maapektuhan pa yung tiyan dahil sa hindi na makakain at yung atay dahil sa kakainom ng alak. Mas mabuti pang walang lovelife para malusog araw araw"
"Sigurado ka bang yan talaga ang rason mo? O baka bitter ka lang" sabay smirk ni Annika
"Kung makasalita ka ha akala mo may boyfriend ka"
May boyfriend na noon yung ate ko pero dahil tanga siya, ayon saklap yung love story nila nung lalake na yon. Ipinalit siya sa isang pokpok
"Tumigil na kayo baka magkapersonalan pa kayong dalawa" sabi ni ninang Sally
"Teka, bakit naging interesado ka kay Gabe?" tanong ni Annika
"Kasi nga, nakita ko siya nung pumunta kami ng Manila. Gusto rin kasi malaman ni tito kung sino si Gabe. Nalaman kasi niya na ex yon ni Summer"
Biglang nagsmirk si Annika "Sigurado ka ba? O baka nagseselos ka kasi crush mo si Summer?"
"Ha? Hindi ko yon crush nu! Tinutulungan ko lang si tito na mapalapit kay Summer. Hindi ka ba naawa kay tito?"
"Syempre, naawa naman"
"Ang magandang ideya diyan ay tutulungan mo rin ako" sana ma-divert ko yung attention niya dahil sa totoo lang talaga, nagagandahan ako kay Summer. Bukod sa gusto kong mapalapit si tito kay Summer, gusto ko rin mapalapit sa kanya. May something kasi sa kanya na napabihag sa akin
"Ang busy ko kaya" tangi ni Annika
"Eh di, shut up ka nalang"
Pinanood ko kasi yung mga interviews ni Summer at binasa yung ibang facts niya sa internet. Mabait pala talaga siya at mapagmahal sa pamilya niya. Close na close siya sa mama at kuya niya. Akala ng mga tao ay suplada at maarte siya dahil sa mga kilos niya pero jologs pala siya paminsan minsan. Sinasabayan niya yung mga trip ng ibang tao kaya interesado akong makilala pa siyang mabuti. Lahat ng mga interviews niya, inilahad na niya kung ano yung tingin niya sa mga magulang niya at kaibigan niya pero maliban sa isa, kahit kailan ay hindi niya na-ilahad sa publiko yung tungkol sa totoo niyang ama at yon yung gusto kong malaman.
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...