SUMMER~
Nagulat nalang ako sa sinabi ni Rocky "Summer, will you be my partner in crime?" totoo na ba ito? Totoo bang he's asking me to be his girlfriend?!
"Summer?"
Grabe! Speechless talaga ako ngayon! I know this is not my first time na ligawan ng isang lalake pero seriously, ibang iba talaga si Rocky. Napangiti ako thinking na umabot kami sa ganito. Alam ko naman sa sarili ko na mahal ko siya at gagawin ko lahat para sa kanya "Yes"
Napayakap ng mahigpit si Rocky sa akin "Yes! Thank you talaga, J!"
Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Masaya ako kasi masaya siya. Eto ba talaga ang totoong kahulugan ng pag-ibig? Na ang kasiyahan niya ay kasiyahan mo rin
Bumitaw kaming dalawa sa yakap at nagtinginan kami sa isa't isa "Kinabahan talaga ako kanina, akala ko mabubusted ako"
"Hindi ko kayang e-busted yung taong mahal ko"
Napangiti si Rocky sa sinabi ko. Alam kong first time niya yon marinig galing sa akin. Never ko kasing sinabi sa kanya yung salitang mahal ko
Niyakap na naman ako ni Rocky sabay sabing "Kay tagal kong hinintay na makahanap ng isang babae na mamahalin ko at mamahalin din ako. Worth the wait ka talaga, J. I love you"
"Dahil sayo, natuto akong magpatawad. Ikaw yung naging dahilan kung bakit binigyan ko pa ng chance si papa. I know na gustong gusto ka ni papa para sa akin. Thank you sa lahat, Rocky. I love you too"
Dahan dahan kaming bumitaw sa yakap at natinginan ulit kami sa isa't isa
"Pwede na ba kitang halikan?" tanong niya
Napatawa ako. Naalala ko na sinabihan ko siya na kailangan pa niyang humingi ng permission ko bago niya ako hahalikan
"Dahil boyfriend na kita, pwede mo na akong halikan kahit anong oras" sabay ngiti ko
Napangiti siya at dahan dahan niyang inilapit yung mukha niya sa akin para halikan ko. At natuloy rin yung halik namin. Everything was magical that night
ANNIKA~
Totoo ba to? Totoo bang hahalikan na ako ni Gabe kasi boyfriend ko na siya?! Ang lapit na ng mukha niya sa akin! Hahalikan na niya ako! Agad akong napadilat sa aking mga mata kasi may lamok na dumapo sa lips ko. Panira na naman tong lamok! Akala ko si Gabe yung hahalikan, yung lamok lang pala!
Buong akala ko, totoo na talaga yon. Panaginip lang pala! Sayang, akala ko talaga na totoong boyfriend ko na si Gabe. Umupo ako para aralin na yung mga linya ko. Nagulat nalang ako nang biglang pumasok si Gabe sa loob ng tent. Tumingin muna siya sa labas ng tent bago niya isinarado ito
"Gabe, ano naman---"
"Shhh" sabay upo niya sa tabi ko
"Paano kapag may makakita sayo dito?" nag aalala ako para sa kanya. Hilig niya talagang pumasok sa tent ko
Ngumiti siya at isinandal yung ulo niya sa balikat ko "A...anong...gi..ginagawa...mo"
Pinikit niya ang kanyang mga mata habang nakangiti "Two minutes"
Napangiti ako sa ginagawa niya. Hindi ko talagang mapigilan ang hindi mapakilig! Sinong hindi kikiligin? Eh, si Gabe na ito! Alam kong madaming mga babae sa Pilipinas ang pinapantasyahan siya. Tignan niyo naman ako oh, napakaswerte ko talaga!
Hinayaan ko siyang makatulog sa balikat ko. Halong kilig at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako na baka may ibang staff na makakita sa amin. Sa tingin ko nga, more than two minutes na siyang natutulog sa balikat ko. Ano bang gagawin ko? Gigisingin ko ba siya? Kinakabahan na talaga ako eh!
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...