CHAPTER 35- Posible ba talaga?

564 15 3
                                    


SUMMER~

"Sige, magsugod na ta. Dungan tag ihap (Sige, magsisimula na tayo. Sabay tayong magbilang) 3, 2, 1, go!!!"

Agad akong tumakbo para habulin yung biik. Nung una palang nasa kamay ko na yung paa ng biik pero nakatakbo pa rin ito. Masyado siyang madulas kasi nilagyan ng oil yung biik. Kawawa naman yung biik. Nakita kong humahabol din si Rocky sa biik. Panay din ang cheer ng mga nanonood sa amin. Nasa kamay na rin sana ng kalaban yung biik pero tumakbo pa rin ito. Sobrang likot kasi ng biik. Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa at hinabol ko pa rin ito.

Malapit na akong matapilok nang biglang sinalo ako ni Rocky. Nagtinginan kami sa isa't isa at napahinto sa paghahabol. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Bakit iba tong nararamdaman ko ngayon? Bigla kong nakalimutan na may huhulihin pa kaming biik kaya biglang bumuhos yung ulan at nagsi-alisan yung mga tao. Napatayo kami nang maayos

"Rocky! Yung biik!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko kasing papunta kay Rocky yung biik kaya nung malapit na yung biik sa kanya, agad niya itong nakuha pero yung paa lang yung nahawakan niya kaya napadapa na rin ako at hinawakan yung buong katawan ng biik. Tumayo ako at sumigaw "Panalo ako!!! Panalo ako!!!"

Lumapit si Rocky sa akin "Panalo tayo!!!" habang tumatalon. Agad umalis sa arena yung kalaban namin nung nakuha na namin yung biik. Biglang kinarga ako ni Rocky at nabitawan ko yung biik. Basang basa na kami ni Rocky sa ulan at wala kaming paki-alam. Ramdam namin ang bawat patak ng ulan sa amin at hindi na namin pinansin yung biik

Umuwi kaming dalawa ni Rocky na basa galing sa ulan. Nagtawanan kami ni Rocky habang naghihintay kami sa labas na dumating sina ate Doris at ate Ligaya para ibigay yung tuwalya sa amin

"Ang galing mo don ha!" sabi ni Rocky

"Minaliit mo kasi yung kakayahan ko" sabay irap ko sa kanya

"Hindi ah. Ginawa ko lang yon para maging motivated ka. Di ba, nakuha mo rin"

Napatingin ako kay Rocky. Naalala ko kasi kanina nung malapit akong matapilok at sinalo niya ako kaagad. Iba kasi ang naramdaman ko non. Hindi ko ba alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko non. Posible bang...

"Hoy buang! Anong tinitignan mo dyan?"

"Ha? Eh...may dumi ka kasi oh" may nakita ko kasing may kulay black sa noo niya kaya nung nahawakan ko na yung noo niya ay bigla na rin siyang napahawak sa kamay ko. Eto na naman. Lumakas na ulit yung tibok ng puso ko. Ano ba to?

"Ehem"

Napatingin kami kina ate Doris at ate Ligaya. Agad ko naman inalis yung kamay ko sa noo niya. Kinuha ko yung tuwalya galing kay ate Doris "Thank you ate Doris"

Tumingin ako kay Rocky "Maliligo muna ako" at umakyat ako kaagad patungo sa kwarto ko. Pagpasok ko sa kwarto ko, di ko maintindihan kung ano yung nararamdaman ko. Posible ba talagang...gusto ko na si Rocky?


ANNIKA~

Bago ako natulog, napagisipan kong tumawag kay Rocky. Namiss ko kasi ang kapatid ko. Nalulungkot nga ako minsan kasi hindi ko siya nakikita araw araw. Namiss ko na yung mga luto ng kapatid ko. Yung pagiging makulit niya at yung palaging panonood niya ng mga videos ni Summer

"Hello, Rocky?"

"Ate!"

"Oh, kamusta ka na dyan? Wala ka bang planong magtext o tumawag sa amin dito? Miss ka na namin ni ninang" sabi ko

"Si Rocky ba yan?" tanong ni ninang

"Opo" sagot ko kay ninang

"Okay lang ako. Hindi ako makapagtext sa inyo kasi wala akong load tapos busy rin ako sa trabaho ko"

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon