CHAPTER 65- Afraid of the Past

353 11 1
                                    


SUMMER~

Pagdating ko sa Manila, agad akong pumunta sa ospital kasi sabi ni mama sa akin, malala na daw yung sakit ni pops. Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ni pops at nakita ko siyang natutulog. Napaiyak ako habang tinitignan si pops

"Aplastic Leukemia yung sakit ni pops. Matagal na tong itinatago niya sa atin" sabi ni kuya

Hinawakan ko yung kamay ni pops habang umiiyak "Pops, andito na ako. Please, be strong"

Dahan dahan idinilat ni pops yung mata niya "Pops"

Bigla siyang napangiti nung nakita niya ako. Halatang nanghihina na si pops "J, I...miss...you"

Mas lalo kong hinigpitan yung pagkakapit ko sa kamay ni pops "Pops, I miss you too. Please pagaling ka"

Dahan dahan siyang tumango "Oo, magpapagaling ako para sa inyo"

Pinatulog muna namin si pops kasi masyadong gabi na. Lumabas muna ako sa kwarto ni pops

"Uuwi muna tayo ngayon kasi kukunin pa namin ng kuya mo yung mga gamit namin" sabi ni mama

"I can stay here muna, ma. Ako na yung magbabantay kay pops"

Huminga ng malalim si mama "Are you sure? Galing ka pa sa byahe"

Ngumiti ako "Yes, ma. This is the least thing I can do. Matagal din kasi akong wala sa tabi ni pops"

"Okay pero kailangan mong umuwi bukas. May paguusapan tayo" sabi ni mama

Agad akong napatingin kay kuya at umiwas siya ng tingin sa akin. Tumingin ako ulit kay mama "Okay" kinabahan tuloy ako kung ano ba yung paguusapan namin bukas. Sa ngayon, hindi ko muna yan iisipin. Ang kalagayan muna ni pops yung iisipin ko

Hindi lang ako yung magisa na nagbabantay kay pops. May mga bodyguards sa labas ng kwarto niya. Isa kasing sikat na businessman si pops kaya binabantayan talaga siya ng maigi. Nasa loob ng kwarto ang isang kasambahay namin kaya pumunta muna ako sa vending machine para bumili ng kape. Pagkatapos kong makuha yung kape, pagtingin ko sa likuran ko ay may nakaabang na isang nurse. Halatang nagulat siya nung nakita niya ako

"Summer?"

Kilala niya ako? Ay oo nga pala, kilala niya ako kasi sikat ako. Nakakapanibago din pala na may kilala sa akin. Malapit kong makalimutan na nasa Manila na pala ako

"Hindi mo na ba ako naalala? Ako to, si Diane. Classmate mo nung grade six!"

Tinignan ko talaga yung mukha ng babae. Yes, she seems familiar. Hanggang sa naalala ko na seatmates pala kami nung grade six "Oh, yeah! Diane!"

Napangiti siya nung naalala ko siya "Mabuti naman at kilala mo pa ako kahit sikat ka na"

"Grabe ka naman. Hindi din kita makakalimutan" tumabi ako para makabili siya ng kape

Nung matapos na siyang makabili ng kape ay umupo kami sa mga benches na nasa hallway

"Kamusta ka na pala?" tanong niya sa akin

"Eto, okay lang. Na ospital yung pops ko"

Nagulat siya sa sinabi ko "Anong sakit niya?"

"Aplastic leukemia"

"Oh, so sorry to hear that. Sana gumaling na ang pops mo"

Ngumiti ako "Thanks. So nurse ka na pala?"

"Yeah, natupad na rin yung pangarap ko"

Mabuti pa siya, nakapagtapos na ng pagaaral, ako nga hindi pa nakapag college

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon