CHAPTER 45- Umasa kasi ako

521 12 0
                                    


AILYN~

Tapos na kaming kumain ng hapunan kasama yung pamilya ko. Pasalamat ako sa mga kapatid ko kasi hindi talaga nila sinabi sa mga magulang namin tungkol sa pagiyak at pagkawala ko kanina. Siguro naramdaman nila yung sakit na ipinagdaraanan ko ngayon. Nung inililigpit ko na yung mga pinagkainan namin, biglang hinawakan ni Sandro yung kamay ko

"Ate, kami nalang ani (Ate, kami nalang nito)" sabi ni Sandro

Tumingin ako kay Ivan at ningitian niya ako. Huminga ako ng malalim at ginulo yung mga buhok nila "Salamat"

"Ailyn!" biglang dumating si Rita. Napatingin si Rita sa aking mga magulang "Maayong gabii diay tito, tita (Magandang gabi pala tito, tita)" sabay ngiti ni Rita

Lumapit din si Rita sa akin pagkatapos niyang batiin yung mga magulang ko "Bakit absent ka kanina? May sakit ka ba?"

Hinawakan ko ang kamay ni Rita at kinaladkad ko siya sa labas ng bahay. Ayaw ko kasing marinig ng mga magulang ko ang paguusapan namin ni Rita. Binitawan ko rin yung kamay niya nung nakalabas na kami ng bahay at tumingin sa kanya

"Ano? May sakit ka ba?"

Huminga ako ng malalim "Wala akong sakit"

"Bakit ba absent ka kanina? Alalang alala si Rocky sayo kasi tinanong talaga niya sa akin kung may sakit ka ba"

Nung narinig ko yon, di ko mapigilan ang umiyak. Bakit ba siya nagaaalala pa sa akin? Masaya na siya sa buhay niya ngayon di ba?

Nagulat si Rita sa bigla kong pagiyak. Agad niya akong niyakap "Ano? May problema ba? Nagaway ba kayong dalawa?"

Tumingin ako kay Rita at bumitaw siya sa yakap "Rita..." hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya yung tungkol kay Summer at Rocky. Nasasaktan kasi ako sa tuwing naririnig ko o binabanggit ko yung pangalan nila "Gusto ni Summer si Rocky" lalo pa akong umiyak at napayuko nalang ako "Nakita ko silang naguusap kagabi sa rooftop. Sinabi ni Summer yung nararamdaman niya para kay Rocky" tumingin ako sa kanya "Sana nakinig nalang ako sayo noon pa. Umasa kasi ako na baka balang araw, magugustuhan din ako ni Rocky. Sana nga hindi pa ako umasa. Bakit ba kasi sumugal pa ako kung hindi naman pala ako sigurado sa nararamdaman niya para sa akin"

Walang ibang ginawa si Rita sa akin kundi, yakapin ako. Eto rin kasi yung kailangan ko ngayon, ang isang comfort at yakap ng isang kaibigan. Bumitaw sa yakap si Rita pero hawak pa rin niya yung mga kamay ko "Ayaw kong sermonan ka. Ayaw kong ipamukha sayo na tama ako sa mga sinabi ko noon. Ilabas mo lahat yan Ailyn, makikinig ako"

"Bakit ba kasi ang tanga tanga ko?! Bakit ba umibig ako sa isang tao na may mahal nang iba?! Bakit ba kasi umasa ako sa mga kilos niya nitong araw?! Bakit ba kasi umasa pa ako?!"

"Sa love, nagpapakatanga talaga lahat ng tao. Alam kong, hindi mo maiwasan ang hindi mahulog sa kanya kasi nga, palagi kayong magkasama at palagi kayong naguusap. Isipin nalang natin na isa tong lesson sa buhay mo, na hindi ka dapat sumugal sa taong may mahal ng iba kasi mahirap. Mahirap ipaglaban yung nararamdaman mo kung siya mismo, hindi niya to napapansin kasi hindi para sayo yung pagmamahal na ibinibigay niya"

Ngayon, makikinig na talaga ako kay Rita. Ayaw ko na rin kasi maulit pa tong nangyari sa akin ngayon. Siguro matatagalan pang mawala tong sakit na nararamdaman ko. Kahit matagal man, kakayanin ko pa rin


Nakita kong nagaayos na sina mama at papa patungo sa trabaho nila. Napapansin ni mama na tinitignan ko sila ng mabuti

"Hindi ka pa rin papasok?" tanong ni mama

"Hindi na po"

Napatingin si papa sa akin "May sakit ka ba?" tanong niya

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon