SUMMER~
Halos tatlong oras na ako nakatulala sa harapan ng tv. Akala ng mga kasambahay na nanonood ako ng tv pero wala talaga. Nakatulala lang ako isang corner ng tv. Ang dami ko kasing iniisip ngayon. Paano na yung career ko? Nasa tuktok na nga ako ng kasikatan tapos dyan pa ako magbabakasyon. Hay! Ewan ko ba.
Hindi ko nga alam kung bakit pinoproblema ko yung career ko. Noon, wala naman talaga akong paki-alam sa career ko pero ngayon, nagaalala na ako. Siguro dahil napamahal na sa akin yung trabaho ko. Tinanggap ko na ng buong buo yung trabaho ko. Biglang umupo si Bonita sa isang couch kasama yung lalake na nakita ko kanina
"Anong title nito?" tanong ni Bonita sa akin
Hindi ako sumagot kasi hindi ako nakikinig sa kanya. Nakatulala pa rin ako hanggang ngayon
"Sabi ko sayo, hindi ka papansinin niyan" bulong ng lalake kay Bonita
Napatingin ako sa kanilang dalawa "Your boyfriend?" tanong ko kay Bonita
Napangiti si Bonita "Ah---"
"Alam mo, lahat ng mga lalake sa mundo, manloloko yan. Iiwan ka rin yan. Wala nang faithful na lalake sa mundo, lahat sila iniiwan ang mga babae. Lahat sila, walang paki-alam sa mga babae. Kapag nakuha na nila ang gusto nila, iiwan ka din niyan. Kaya kung ako sayo----" hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi biglang tumawag si Gabe
Napatingin sila sa phone ko at agad ko itong kinuha. Tumayo ako at nagpakalayo sa kanila
"Gabe"
"Andyan ka na ba sa Cebu?"
"Oo, andito na ako"
"Kamusta ka dyan? Okay ka lang ba?"
"Oo, okay lang ako. Ba't napatawag ka pala?"
"Wala lang, hindi ka na kasi nagoonline...miss na kita"
"Wala kasing wifi dito. Actually, nasa isla ako kung saan ang alam ko lang ang parte pa rin siya ng Cebu"
"Ha? Sinong kasama mo dyan?"
Napatingin ako ulit kina Bonita at nung boyfriend niya. Naguusap silang dalawa "Si Bonita at yung boyfriend niya"
"Bonita?"
"Kaibigan siya ng papa ko"
"Nagkakasundo ba kayo?"
"A bit"
"Mag-ingat ka dyan ha lalong lalo na nasa isla ka"
"Kaya ko naman sarili ko" tumingin ako ulit sa napakagandang dagat
"Alam ko pero nagaalala pa rin ako sayo"
"Huwag ka nang magalala, okay lang ako. Ang aaalahanin mo ay yung trabaho mo. Sige, bye na. Baka ako na pang isipin nila Bonita sa ating dalawa" binaba ko kaagad yung phone ko
Nakatingin pa rin yung dalawa sa akin "Anong tinitignan nyo?"
"Kaya pala ang sungit mo kasi nag-away kayo ng boyfriend mo"
I crossed my arms at tumingin ulit sa tv "He's not my boyfriend"
"Bakit ang laki ng galit mo sa mga lalake ha?" sabay ngiti nung lalake
Sino ba talaga tong lalake na to? Hindi ko pa rin siya kilala hanggang ngayon "It's none of your business"
"Ay oo nga pala. Hindi mo pa ako kilala kaya ayaw mo sagutin yung tanong ko" he offered his hand "Rocky"
Inirapan ko siya "Not interested"
Biglang napatawa si Bonita "Boom! Ano na? 1-0 na ako sayo, Kie"
BINABASA MO ANG
It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017
FanfictionSi Summer ay isang sikat na artista. Nasa kanya na lahat, maganda, sexy, mayaman, mabait pero madami siyang bashers dahil naiingit sa kanyang kasikatan at kagandahan. Maraming mga lalake sa showbiz ang nagkakagusto sa kanya. Eto na rin ang ginamit n...