CHAPTER 24- Gusto Ko Siya

535 14 0
                                    


SUMMER~

Papasok na ako sa girls cr para magbihis. Katatapos lang kasi ng shift ko sa trabaho at kakain na ako ng dinner pagkatapos kong magbihis. Pagpasok ko sa cr, nakita kong nakatayo si Bonita malapit sa salamin. Nabigla ako nung nakita siya kasi para siyang multo na nakatayo don. Sobrang puti kasi niya

"Para ka namang nakakita ng multo" sabi ni Bonita

"Ang puti kasi ng mukha mo" sabi ko

Tumingin siya sa salamin "Ay oo nga nu" naghilamos siya ulit. Papasok na sana ako sa cubicle para magbihis nang biglang nagsalita ulit si Bonita "Bes, ano na ba talaga kayo?"

Nalilito ako sa tanong ni Bonita. Hindi ko ma-gets eh "Ha?"

Humarap siya sa akin na nakangiti "Kayo ni Rocky, ano ba talaga kayo?"

"Ayan ka na naman ha, binibigyan mo naman kami ng malisya"

"Hmmm...imposible naman na hindi ka magkafeelings sa kanya eh tabi pa kayong natulog"

"Grabe ka naman, magkatabi lang kaming natulog, hindi kami nagaminan nang feelings. At tsaka, wala akong feelings sa kanya ha. Kaibigan ko lang siya"

Nakangiti pa rin si Bonita "Pero ibang level na yan ha, sabay pa kayong natulog"

"Hay nako, ewan ko sayo. Gusto mo tabi tayong matulog mamayang gabi?"

"Huwag na bes, ayaw kong malamangan si Rocky. Gusto ko kung ano yung nangyayari sa inyong dalawa ngayon" sabay ngiti niya

Ngumiti ako, grabe din itong si Bonita nu? Binibigyan ng malisya kahit magkatabi lang kaming natulog "Nakakastress ka talaga"

"Oh, pressured ka na? Sabi ko nga, magkakagusto ka rin sa kanya"

"We don't know what's ahead of us. Hindi ko hawak ang kapalaran ko kaya hindi ko masasabi sa ngayon kung magkakagusto ako sa kanya o hindi" sabi ko bago ako pumasok sa cubicle

"Magkakagusto ka rin sa kanya, Summer. Pustahan pa tayo" sabi ni Bonita

"Hay nako, ewan ko sayo!" sabay ngiti ko

Napagisipan ko ang sinabi ni Bonita. What if nga dadating yung araw na magkakagusto ako kay Rocky? Sasabihin ko ba sa kanya? O itatago yung nararamdaman ko? Napaisip ako tuloy. Ang totoo naman kasi, enjoy akong kasama si Rocky. Palagi niya akong napapasaya at sobrang caring pa kahit ang suplada ko sa kanya. Isa siya sa mga tao na kayang i-tolerate yung pagkamaldita ko at naaapreciate ko yon. Wait, bakit ba ako nagiisip ng mga ganito? Dapat hindi ko to iniisip! Nakakainis talaga to si Bonita!


AILYN~

Habang naglalakad kami ni Rita pauwi galing sa resort, bigla kong naalala yung narinig kong paguusapan kanina nila Summer at Bonita. Actually, andon naman talaga ako sa cr nung time na yon. Mas nauna pa akong pumasok sa cr kesa kay Bonita. Natagalan lang akong nagbihis kasi nagjejebs pa ako. Mabuti nalang at hindi mabaho yung pagjejebs ko para hindi nila mapansin na may ibang tao pala sa loob ng cr.

Sa totoo lang, hindi talaga ako mapakali hanggang ngayon. Hindi ko kasi maiwasan isipin na magkatabing natulog sina Summer at Rocky. Naalala ko rin kasi na tinanong ako ni Summer non kung may gusto ba ako kay Rocky. Naalala ko rin kung gaano nagaalala si Rocky nung nalaman niya na hindi pa umuuwi si Summer nung nagaway sila. Kung i-coconnect mo yung dots, posible bang may gusto si Summer kay Rocky pero itinatanggi niya lang ito?

"Hoy!" inalog ako ni Rita

Napatingin ako sa kanya

"Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka naman nakikinig"

It Starts With One Summer (JoshLia) COMPLETE #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon