Game One

424 7 1
                                    


Hell

"Tulong! " nanghihina na niyang sigaw. Nagsisimula nang maglaglagan ang mga piraso ng kisame. Patuloy pa rin sa pagkalat ang apoy.

Napakainit. Pakiramdam niya ay sinudunog na siya sa impyerno kahit buhay pa siya.

"Kuya Darwin, gumising ka. " inalog niya ang kasama sa ampunan. Kitang kita niya ang dugong dumadaloy sa noo nito. Alam niyang di maganda ang kalagayan ng kaibigan ngayon.
Biglang bumukas ang pintuan. Bahagya siya nakaramdam ng saya dahil akala niya ay maililigtas na sila. Ngunit nang makita niya ang mukha nang matandang nakaitim na amerkana at sumbrero, pati na rin ang paghithit nito ng tabakong nakaipit sa mga ngipin nito at ang nakakatakot nitong ngiti, napalitan ng kaba at takot ang nararamdaman niya.

"Kunin niyo na ang apo ko. " saad nito. Nakatingin ito sa kanilang gawi.

Agad namang tumalima ang dalawang nakaitim ring di kilalang mga lalaki. Hinatak ng mga ito ang walang malay niyang kababata. Itinulak pa siya nang isa sa mga ito, dahilan para mauntog siya sa semento at mahilo.

Bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay ay nakita niya pang lumabas ng nasusunog na kwarto ang mga lalaki, kasama ang matanda habang buhat ng isa sa mga ito ang kanyang kaibigan.

"Kuya Darwin, "

"RI!!RI!! "

"RIIIIIIIIII!! "

Napabalikwas siya nang bangon.

Napanaginipan niya na naman.

Agad niyang pinunasan ang mga luhang bumabasa sa kanyang pisngi.

"RI! Tangina, di ka pa ba gigising?! Aba e, tanghali na! " rinig niyang sigaw ng nakakarinding boses ng kanyang tyaheng na akala mo ay nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses.
Napatayo siya nang biglang bumukas ang pinto. Nakatayo habang nakapameywang ang kanyang tyaheng na may hawak na walis tingting. Kita ang galit nito sa di maplantsa plantsang kunot sa noo nito.
"Tya, " sa takot na mahampas ng dala nitong walis ay tumayo siya nang tuwid.
"Akala ko ay namatay ka na sa sarap ng tulog mo. Naku, kailan pa kaya iyon. Hala sige, kumilos ka na nga diyan. Aba e alas siyete na wala ka pang nagagawa. Bilisan mo at magsaing ka na! " malakas na sabi nito na akala mo ay nasa magkabilang parye sila nang mundo samantalang ilang metro lamang ang layo nila sa isa't isa. Hinagis pa nito ang hawak na walis sa kanya. Mabuti na lamang at nakailag siya kundi ay papasok na naman siya sa eskwelahan ng may sugat o blackeye.

Lumabas na ito ng kwarto pero nagdadakdak pa rin. Napabuntong hininga siya.

Totoong nakakainis ang mga bida sa teleserye na di kayang lumaban at nagpapaapi. At kung ano ang mas nakakainis? Ang isa siya sa mga iyon.

Isa siyang duwag. Mahina. Tanga. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya sa pang aaping ginagawa sa kanya nang kanyang tyaheng.

Siguro dahil wala rin siyang ibang choice, wala naman kasi siyang ibang pupuntahan. Ampon lang siya. Ampon siya ng yumaong asawa ng kanyang Tya Mathielda na si Tyong Isko.

Akala niya nang may umampon sa kanya matapos ng sunog ay magiging masaya na siya. Pero hindi, dahil ilang taon ang nakalipas ay namatay sa isang aksidente ang kaisa isang taong nagpapahalaga at nagmamahal sa kanya.

Siguro dahil tama ang tya Mathielda niya, malas siya.

*********

Maingay ang klase nila. Ganito araw-araw. Puro tawanan, sigawan, at kantaywan. Ito ang dahilan kung bakit mas gusto niya sa school kesa sa bahay kung saan wala naman siyang ibang narinig kundi ang maingay na bunganga ng kanyang tyahen.

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon