Game Twelve

84 1 0
                                    


                               Pasts

Naging maayos naman ang pamamalagi niya sa apartment ni Dean sa loob ng ilang linggo. Medyo mataray si Dean pero kaya pa naman niya itong pakisamahan.

There's just something bugging her.

Dean's a kind of mysterious.

Una, ang pagiging bossy nito. Okay lang kung sa kaniya lang pero hindi. Bossy rin ito sa trabaho, pareho lang silang waitress sa bar pero ramdam niya ang authority na taglay ni Dean kumapara sa ibang staffs, which is kahina-hinalang. Lalo na't maging ang mga higher position gaya ng manager ay hindi siya sinisita kahit bigla-bigla na lang siyang nawawala kahit sa oras ng trabaho.

And that's number two. Laging nagdidisappear si Dean at matagal kung bumalik. At syempre wala siyang ideya kung saan ito nagpupunta.

Third is her rule. Bawal siyang sumagot ng kahit anong phone calls, means off limit siya sa   telepono. Hindi niya alam kung bakit hindi siya pwedeng sumagot nang anumang tawag pero hindi na kang niya kinulit pa ang dalaga dahil ayaw niya  ng gulo. Nakikitira rin siya kaya nakakahiya naman kung gagawa siya ng di gusto ni Dean.

***********

"Mariella, " tawag ni Sam. Nakilala niya ito dahil kaibigan ito ni Dean. Maganda si Sam, kagaya ni Dean ay may highlights din ang dulo ng buhok nito. Kulay pula na ibinagay sa mahaba at itim nitong buhok. Friendship goals siguro nila ni Dean. But unlike Dean na mataray at maarte ang aura, Sam is a dream girl type. Yung clumsy at mahinhin. Pambabaeng-pambabae din ang boses nito.

Nginitian niya ang dalaga at sinundan ito ng tingin hanggang makaupo na ito sa silyang nakahilera sa tapat ng counter.

Her insecurities then, poked her.

Maganda si Sam. Sexy. Mahinhin. Makinis.

Ang mga tulad niya ay kahilera nung babaeng kahalikan ni Zero sa sala noon. Yung mga tipo niya ang tipo ni Zero. Which is far from her profile.

"May problema ka ba Mariella? " tanong nito na para bang takang-taka. Umiling lang siya sabay ngiti. Wala siyang karapatang mainggit.

"Wala. Hindi lang ako sanay na tinatawag na Mariella. " sagot niya. Nangalumbaba ito at tiningnan siyang mabuti.

"But why? Ang pretty kaya ng name mo. Parang ambait bait. Bagay sa mukha mo. " nakangiti nitong tugon.

Tama ito. Kapareho niya ang pangalan niya. Maganda, pero walang dating. Tipikal.

"Nasanay kasi akong tinatawag na Ri. Yun kasi ang tawag ng tyaheng ko sakin. " nagsimula na namang mamasa ang gilid ng kanyang mga mata.

"Talaga. Nasan na yung auntie mo ngayon? " akala siguro nito ay may magandang dahilan kung bakit memorable at nasanay siya sa pangalang Ri. Kung alam lang nito, na sa lahat ng memories na naalala niya ang pagtawag sa kanya ng Ri ng tyageng, walang anumang maganda. Lahat pangit na alaala. Na kung magagawa niya lang sana ay matagal niya nang binura sa kanyang memorya.

"Wala na siya. " sana, mawala na siya.

"Ah. Sorry. " nanahimik na ito hanggang sa may dumating na costumer at naging busy siya sa pag eentertain .

Naisip niya. May bago na siyang buhay. Makapagsimula na siyang bumangon, kaya lahat ng nasa nakaraan niya ay sisimulan niya na ring kalimutan. At kung itatanong sa kanya kung kasama ba si Zero na nakaraan na yun, oo. Kasama ito.

**********

Yun lang muna guys. For now, let me rest...

Rest in peace.

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon