WeaknessesHindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. Ang kanyang mga luha ay gaya ng ulan sa madilim na langit na nagbabadya nang pumatak.
Huminga siya ng malalim at isinukbit nang maayos ang malaking bag na dala niya.
Ang kapal ng mukha niya ano? Dinala niya ang mga gamit na nanggaling kay Zero samantalang di pa naman niya ito nababayaran.
Pero ayaw niya nang magtagal sa bahay ng binata.Napapatanong tuloy siya sa sarili niya, si Zero ba ang tunay na masama sa kanilang dalawa o siya?
It's already eleven, fifteen minutes before midnight.
Napalingon siya sa mga malalaking gusali. Isang bar na may nakakabulag na mga ilaw ang wala sa sarili niyang pinasok.
Maingay at paiba-iba ang kulay ng mga ilaw.
Lumapit siya sa couter at umupo sa isa sa mga siyang nakahilera sa tapat nito.
"Kuya, kahit ano pong maiinom. " sabi niya sa bar tender. Ngumisi ito sa kanya. Di maikakailang maganda ang mga ngiti nito, gwapo rin ito at malakas ang dating.
"Yohan lang, miss. Nice meeting you. " inilahad nito ang kamay sa kanya.
"Ri, " nakipag shake hands siya rito. And gahd! Ang lambot ng kamay nito.
"Ri? " ngumisi ito, revealing his fangs. Nahihiya siya dahil pakiramdam niya ay lumalandi na naman sa sistema.
"Mariella, Ri ang nickname. " nahihiya siya ngumiti. Hindi pa nito binibitawan ang kanyang kamay.
"Taga dito ka lang? " tanong nito sa kanya at saka nilingon ang malaking bagpack na sukbit niya.
Alangan siyang ngumiti sa kausap. Umiling siya at yumuko. "M-May binisita lang akong kaibigan dito. " kaibigan. Kalandian siguro, pwede pa.
"Isang vodka na lang. " napailing siya sa nabanggit niyang inumin. Dapat juice lang e, bakit vodka ang nabigkas ng bibig niya?
"Vodka? Really? " para bang hindi ito makapaniwala sa order niya.
"Bakit? " sinubukan niyang kumalma kahit na sa loob niya alam niyang halata talaga ang pagkakamali niya.
This world is full of evils, you need not to show them you are weak, or else they'll use your weakness to make you suffer.
Ngumiti siya dito.
Napailing ito saka ihinanda ang order niya.
"I just can't imagine an angel like you drink alcohol. Akala ko gatas ang hihingiin mo. " saka ito natawa sa sariling joke.
"You think so? " hindi niya alam kung dapat ba siyang mainsulto o matawa rin sa sinabi nito.
"Don't get me wrong. Mukha ka kasing mabait. Yung parang anghel. Di nga ako makapaniwala na makakakita ng katulad mo sa lugar na gaya nito. This place isn't fit for someone like you. "
"Hindi lahat ng nakikita ng mata ay ang totoo. Devils can always wear fake wings, you know. " kasunod noon ay ang pagkabasag ng kanyang tinig kaya't agad niyang ininom ang vodka na ipinatong ng lalaki sa counter katapat niya.
Naramdaman niya kaagad ng init sa kanyang lalamunan at ang di kaaya-ayang lasa ng inumin sa kanyang dila. Naduduwal siya rito
Umiling ang lalaki at naglapag ng isa pang baso ng vodka sa tapat niya.
"My treat, " sabi nito saka umalis. Nabusy ito sa iba pang costumers kaya naisipan niya na lamang aliwin ang sarili.
Lumingon siya sa paligid.
Tama ito. Hindi siya para sa lugar na ito.
O maging sa condo unit ni Zero.
O sa bahay ng kaniyang malupit na tyaheng,
O sa casa kung saan ibinebenta ang mga babae ng sapilitan.
Hindi isa sa mga iyon.
Pero saan ba siya dapat na lumugar? Saan ba siya nararapat?
Hinilot niya ang sentido. Sumasakitbang ulo niya. Isang baso pa lang ang naiinom niya pero pakiramdam niya ay nawawala na agad siya sa sariling wisyo.
"Miss okay ka lang? " may tumabi sa kanya. Pero wala siyang balak lingunin ang lalaking tumabi sa kanya. Wala din siyang lakas na manlaban nang gumapang ang kamay nito sa kanyang baywang at hapitin siya nito palapit. Natawa ito nang bumagsak siya sa dibdib nito.
"Urgh. " lalong sumakit ang ulo niya.
"Gahd. Don't moan. You're turning me on. " inamoy nito ang buhok niya.
May narinig siyang malakas na tunog kaya napatingala siya. Kasunod ang malakas na "Aray! " ng lalaking nakahawak sa baywang niya. "Dean! Ano bang problema mo?! "Dahan-dahan itong tumayo at pinasandal siya sa counter.
"Umayos ka Nigel. Lumalandi ka talaga kapag wala si Sam! " sigaw ng isang babaeng nakasuot ng uniform ng mga waiter. Mahaba ang kulay brown nitong buhok na naka highlights ng ash sa dulo.
"Ikaw talaga Dean, panira ka ng diskarte. " sabi ng lalaki saka umalis.
"At ikaw? " binalingan siya ng babae at namewang. Pero nahihilo talaga siya para pansinin ang kahit sino sa ngayon.
Yumuko siya sa counter at ipunahinga ang ulo doon habang nakapatong ang kanyang noo.
"Hey, bitch! Kinakausap kita! " hinila nito ang braso niya kaya nahatak ang katawan siya.
Ang naalala niya lamang ay bumagsak siya sa malamig na sahig. Napakasakit ng ulo niya at wala siyang lakas. Pagkatapos noon, kadiliman.
------
Short update lang sa ngayun. You will meet Dean. Gagawan ko rin siya ng kwento.
Huhuhu.
For those na nagbabasa ng The Rippers, you already know her right?
Annyeong!!
Lovelots.
R.P
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...