Game Two

166 3 0
                                    

                               Zero

Alas tres na ng umaga pero di niya pa rin magawang matulog. Nananakit na ang mugto na niyang mga mata mula sa magdamag na pag-iyak. Natatakot siya, natatakot na dumating ang umaga. Natatakot siya sa mga kung anong maaaring mangyari sa kanya pagsikat ng araw.

Gusto niya mang tumakas, kinandado ng kanyang magaling na tyaheng ang pinto ng kanilang bahay at itinagi ang susi sa ilalim ng unan nito.

Hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya, nagising siya sa mga ingay na nanggagaling sa ibaba. Naririnig din niya ang malakas na tawa ng demonyitang tyaheng niya.

Pumikit siyang muli, umaasang isa lamang masamang panaginip ang lahat. Umaasang paggising niya ulit, wala na ang lahat. Balik sa dati.

Pero siyempre, wala siyang maaasahang simpatya mula kay tadhana. Dahil narinig niya ang malakas na kalampag ng kanyang tya sa pinto ng kanyang kwarto.

"Ri! Aba gumising ka na diyan at may naghihintay sayo dito sa sala. Hoy!! "

******************

"Tya, ayokong sumama. Tya, " pinagtitinginan na sila ng mga kapitbahay, nakaupo na siya sa sementadong hagdan ng kanilang bahay. Patuloy ang pag iyak at pagmamakaawa na wag nang ituloy ng gahaman niyang tyahen sa mga taong ito. "Tya, pakiusap, wag niyo akong ibibigay sa kanila. " pero ani nga bang aasahan niya sa tyaheng? Umismid lang ito at sinipa pa siya. Muntik na siyang gumulong pababa kung hindi lang siya nakakapit sa hawakan ng hagdan.

Wala pa rin ang patid ang pag iyak niya lalo na ang pabalya siyang itulak ng isa sa mga tauhan ng tinatawag nilang Madam Aura. Nauntog pa nga siya sa bintana ng van ng sinakyan nila.

"Mas makabubuti kung tumigil ka na sa pag iyak. Ayoko ring sumabak ka mamaya na ganyan kamaga ang mga mata mo. " sabi ng baaeng matangkad na nakaupo sa unahan, katabi ng driver. Kulay dilaw ang maikli nitong buhok, malaporselas klaki ang suot nitong hikaw, matingkad na pula ang lipstick nito.

"Saan niyo po ba ako dadalhin? " tanong niya. Natawa ito, hindi niya alam kung bakit gayong seryoso ang kanyang tanong. 

Bumuga ito ng usok matapos humithit sa sigarilyong hawak. "Boba ka ba? Saan sa tingin mo dinadala ang mga babaeng binubugaw? Sa  palayan? " nagtawanan din ang mga lalaking nasa tabi niya, maging ang driver sa biro nito. "Gaga! Syempre sa casa! Pokpok ka na ,kung di mo pa alam. " bingyan siya nito ng isang mataray na tingin.

Ilang oras na byahe bago sila nakarating sa isang napakalaking mansyon. Kumikinang ang mga plamuti nito na para bang isang palasyo sa isang disney movie.

"O ayan, ikaw nng bahala diyan! " pabalya siyang itinulak ng laking nagdala sa kanya sa isang kwarto. Puno ng kahina hinalang mukha ang silid. Mga babaeng makakapal ang kolorete, mga lalaking naka itim at at nakashades.

"Bago ka? " hinawakan siya sa braso ng babaeng kinausap ng lalaking nagdala sa kanya rito. "Bata ka pa ano? " tanong nito. Mukha naman itong mabait kahit makapal din ang make up nito .

Pinasadahan siya ng tingin nito. Mula ulo hanggang paa, pinaikot siya nito. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang kanyang pwitan. Napaatras siya, dahilan para matawa ito.
"Okay, di na kita pagsusuotin ng pudding, malaman naman e. " alam niyang ang kanyang mga parteng iyon ang ibig sabihin ng babae.

Pinaupo siya nito sa harap ng mahabang salamin.

Tinap nito ang kanyang balikat, " Wag kang mag alala, masasanay ka rin dito. " pero malakas ang pakiramdam niyang hindi. Hindi siya masasanay at ayaw niyang kasanayan ang ganitong klaseng gawain.

"Diyan ka! Magpakabait ka, regular costumer namin yang si Mr. San. " saka siya itinulak ng naghatid sa kanya papasok sa  kwarto.

Malamig ang kwarto na nakafull yata ang aircon. Kinulang din sa tela ang suot niyang pulang fitted dress na napakababa ng cleavage.

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon