Game Twenty Four

79 2 0
                                    


                           Playmates

Masakit ang buong katawan niya paggising.  Lalo na ang parte na yun.  Hindi lang naman kasi isang beses nilang ginawa iyon ni Zero.  Pagkatapos ng una,  may pangalawa at pangatlo pa.  Pakiramdam niya tuloy ay nasobrahan siya sa bed exercises. 

Tanghali na yata sa labas pero inaantok pa siya.  May suot na siyang puting T-shirt na nasisiguro niyang pag-aari ni Zero at puti ring panty.  Wala siyang shorts pero mahaba naman ang t-shirt na hanggang hita niya. 

Inamoy niya ang suot na t-shirt at pumikit.  Naalala niya ai Zero dahil sa amoy noon.  Naalala niya ang mga nagbabagang eksena nng nagdaang gabi.  Ang gagad ng mga labi nito, ang nag-aalab na mga halik nito sa kabuuan niya at ang nag-aapoy nitong haplos na sumunog sa kanyang natitirang ulirat. 

Nag-init ang pisngi niya sa mga naalala.  Itinalukbong niya ang comforter at nagpagulong-gulong ng parang tanga sa kama. Nagsisisipa rin siya at impit na tumili sa kilig.  Para siyang nagdadalaga sa nararamdaman. 

Napabangon siya nang bumukas ang pinto.  Magulo ang buhok at pulang-pula ang pisngi niya nang mabilisang bumangon.  Ang neckline ng maluwang na T-shirt ay malaki kaya nailabas noon ang kanyang maputing kanang balikat.

Nagkatinginan sila ni Zero. 

Basa pa ang buhok nito at amoy na amoy niya ang body wash at musk na gamit nito.  Nakasuot ito ng itim na t-shirt at faded na maong pants. 

Bumaba ang tingin nito sa kanyang balikat.  Napatingin din siya sa nakalantad niyang balikat at lumingon muli kay Zero.  Nahihiya siya dahil iniisip niyang mukha siyang timang ngayon.  Lumunok ito at nag-iwas ng tingin. 

" Nakahanda na ang pagkain sa baba.  You better eat.  Baka gutom ka na.  Hindi ka pa nagbe-breakfast at malapit na ang tanghalian.  " sabi nito.  Nagkamot ito ng batok. "But I know you're still sore,pwede ko namang ihatid na lang dito.  " sabi nito saka tumalikod. 

"Teka! " pigil niya at madaling bumaba sa kama.  Masakit pa rin ang mga hita niya at ang kanyang pagkababae pero nakakahiya naman kung magpapahatid pa siya ng breakfast. 

"Tara sa baba. " yaya niya kay Zero. 

Tinitigan siya nitong mabuti.  Like he's not convinced na kaya niya. 

"Are you sure? " tanong nito.  Hinawakan ng lalaki ang braso niya at sinipat siya mula ulo hanggang paa.  Nagtagal ang tingin nito sa mga hita niya bago lumunok at tiningnan siya sa mukha.  "Wag mong pilitin kung hindi mo-"

"Kaya ko. " she smiled. 

Tumango lamang ito. Pinauna siya nitong bumaba at sumunod lamang ito. 

Pagdating sa kusina ay nakahain na ang pagkain.  May nilagang baka at tapa.  May pork chop din at beef stake. 

"Andami naman yata nito. Baka hindi natin maubos.  " sabi niya habang humihigop ng sabaw.  Nilagyan naman ni Zero ng kanin at tapa ang kanyang pinggan. Masarap ang mainit na sabaw. 

"For sure you are tired. At malamang gutom ka rin. Alam kong marami kang naubos na lakas kaya kailangan kang kumain ng marami.  " sabi ni Zero.  Pagkatapos nitong lagyan ng pagkain ang pinggan niya ay nangalumbaba lang ito. Para bang wala itong balak kumain, kundi panoorin lamang siya.  Nako- concious  tuloy siyang punuin ng pagkain ang bibig at ngumuya ng mabilis. 

"Kailangan kong kumain ng marami?  Bakit uubusin mo na naman ba ang lakas ko mamaya? " biro niya pero agad niyang nakagat ang labi.  Hindi niya dapat yun sinabi.  Nauna ang bibig niya kesa sa utak niya. 

A big grin appeared on Zero's lips. 

"Are you suggesting we should do it again tonight? " tanong nito na manghang-mangha siyang pinapanood.  Like she's some kind of an entertaining show. 

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon