Game Thirty Two

46 1 0
                                    

                             Re-play

"At may mga bagong projects na kailangang pagtuunan ng pansin. Those projects really have potentials pero kailangan ng malaking badget. " paliwanang ni Mr.  Dionson.

Tumango siya at ngumiti. 

"It's okay. We kust have to make sure na maganda ang klase ng gagamiting materyales. Since maganda rin ang location na paglalagyan I'm sure mababawi rin natin ang pinuhunang pera. Don't worry. " ngumiti siya sa mga tao roon at sumandal sa backrest. 

"And about Mr.  Ignatio, we have to make a deal with him in investing in our company.  " sabat naman ng isang babaeng makapal ang salamin. 

"Ako'ng bahala.  I'll schedule a meeting with him. " nilaruan niya ang kanyang ballpen at napangisi nang maramdaman ang pares ng mga matang nakatitig ng mataman sa kanya.  Iniangat niya ang mukha at sinalubong ang mga mata nito. 

Bahagya iting nagulat. Napalunok rin ito kaya napangisi siya. 

"I just need all your help and trust. " sabi niya at nilingon ang mga kasama sa board.  "I can fix everything. " ngayon ay itinuon niya ang buong atensyon sa lalaking nasa dulo ng mahabang mesa.  Umiwas ng tingin si Zero nang magtagpo ang mga mata nila pero nanatili siyang nakatitig dito.  Ngumisi siya.  " I promise to save this company. Maraming taong nakasalalay ang hanapbuhay rito so I have to make it survive. Bagay na hindi ginawa ng former President niyo.  "

Nakita niyang kumunot ang noo ni Zero.  Yumuko ito at nagkunwaring busy sa isang folder na nasa harap.  Ngumisi siya lalo.

Ramdam niyang awkward sa ibang kasama nila sa silid ang naging atmosphere.  Pinaparinigan niya si Zero dahil ito ang former CEO ng kumpanya.  Alam niyang alam ng lahat na si Zero ang tinutukoy niya.  And Zero's inside that room, hearing whatever she is saying.

May tumikhim.

"So, Miss Martinez.  Since everything's already settled? " pasaring nang isa.  Alam niyang malapit ang loob ng mga ito kay Zero at maaaring hindi nila nagustuhan ang kanyang mga sinabi. 

Bakit nila kakampihan ang isang walang kwentang leader na hinahayaang bumagsak ang kumpanya niya? 

Well, everything's going to change eventually.  Babaguhin niya ang lahat ng pananaw nila.  Sa huli, magiging kakampi niya ang lahat laban kay Zero. 

"Yes, Mr.  Dizon.  " ngumiti siya sa matanda.  " Okay,  meeting adjourned . " sabi niya at nagsitayuan na ang lahat.  " Denyce,  I want to see my new offce.  Can you accompany me? " sabi niya sa kanyang bagong sekretarya. 

Tumango ito at ngumiti bago binitbit ang ilang folders sa harap niya. 

"My pleasure, Ma'am. " buong sigla nitong sabi. 

Tumayo siya nang tuwid at sumunod sa kanyang sekretarya.  Pero bago pa man siya makahakbang palabas nang silid at may humawak sa kanyang kamay para pigilan siya sa pag-alis. 

"Wait, Ri. " tawag ni Zero na ngayon ay hawak ang kamay niya. 

Nilingon niya ito at nagtaas ng kilay.  Huminto rin ang sekretarya niya at napatingin sa mga kamay nila. 

" Can we talk? " malambing na sabi ng binata.  May bahid ng pagsusumamo ang tinig nito. 

He acts really well.  Naisip niya.  Mabilis niyang hinila ang kamay sa pagkakahawak nito.  She's not going to fall on that same trap.  Natuto na siya. 

Nakita niya ang malungkot nitong mga mata at ang paggalaw ng panga nito.  Yumuko ito.

"Sorry Mr. Ripper pero kung gusto mo akong kausapin pumunta ka na lang sa office ko mamaya.  May mga kailangan  pa akong gawin. " saka niya ito tinalikuran.  "Tara na, Denyce.  " sabi niya saka naunang lumabas sa silid. 

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon