Game Forty Four

46 1 0
                                    


                              Scars

Wala siya sa sarili habang nagmamaneho. 

Panay ang tulo ng kanyang luha .

Pwede bang ganun-ganun niya lang kalimutan ang lahat?  Ang mama niya, ang anak nila? 

Ang lahat ng pinagdaanan niya?  Ang sakit?  Ang pag-asa niyang parang buhanging unti-unting dinadala ng alon? 

Marahas niyang pinunasan ng palad ang kanyang pisngi. 

Umalis siya matapos nilang magtalo ni Lady H.  Nagagawa nitong sabihin na bumitaw na lang siya, dahil hindi naman nito alam kung anong pinagdadaanan niya. 

Si Lady H, may anak at apong babalikan.  Siya wala na.  Wala na siyang pamilya, nawala na. 

At saan niya hahanapin ang kaligayahan niya?  Kay Zero na hanggang ngayon ay niloloko pa rin siya?  Nakita niyang hinalikan ito ni Scarlet!  At hindi niya manlang iyon itinulak! 

Saan siya kakapit pa kung bibitawan niya ang lahat?  Kapag wala na siyang kakapitan, babagsak lang siya, at walang sasalo sa kanya.  Pagod na siyang lumagapak.  Pagod na siyang masaktan.

Mabilis niyang pinark ang kanyang sasakyan at pumasok sa maingay na bar. 

Nilulunod ng maingay na music ang kanyang mahihinang hikbi. 

Nagvibrate ang kanyang phone.

Si Alfons. 

Sinagot niya iyon at niloud speaker.

"Where are you? "

"Huh? " sa lakas ng music ay wala siya naiintindihan sa sinasabi nito.  Puro lamang siya Hello at Huh. 

Pinatay niya ang tawag nang marealise na walang kwentang makipag-usap dahil wala siyang maintindihan.

Maglalasing na lang siya para makalimot.

Umorder siya ng mga hard na inumin.

Nagpakalunod na siya sa alak. Wala siyang paki sa kahit ano o kahit sino ngayon.

" Mariella," may humawak sa kanyang braso.

"What are you doing here?" tanong bi Alfons na kunot ang noo at halos magsalubong ang kilay

"Uy," pinalo niya ng malakas ang braso nito at tumawa. "Nandito ka pala!" sigaw niya para magkarinigan sila sa gitna ng malakas na music.

"I told you na pupuntahan kita." lumapit ito para magkarinigan sila.

Nahihilo na siya kaya wala siyang paki kung bakit nandito si Alfons.

"Sayaw tayo!" agad siyang bumaba sa stall at hinila si Alfons patungo sa dance floor. Pagewang gewang na siya kaya nakasuporta ito sa kanyang baywang .

"Let's go home,Mariella.Lasing ka na." bulong nito.

Umiling siya at itinaas ang salawang kamay.

"No! Let's dance!" sigaw niya saka tumawa.

Hindi na nakipagtalo pa si Alfons . Sumayaw siya sa gitan ng dance floor habang nasa likod niya ito.

Itinaas niya ang mga kamay at pumikit,grinding her butt with every beat of the music.

She want to forget that she's Ri. That she is a pathetic girl . That she is a coward.

That she is herself.

Buong puso siyang nagpaubaya sa musika  lulong na sa alak kaya wala na siyang paki sa kahit sino pa sa paligid.

Napadilat sita nang may humatak sa kanya.  Then she met Zero's blazing eyes.  Anger is evident in those bloodshot eyes that it's like a diamond in the middle of the dim lights. 

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon