Throw Away
"Thank you, Mr. Sandoval. I assure you will not regret this. " ngumiti siya at kinayan ang matandang businessman.
Malaki rin ang ngiti nito nng tanggqpin ang kanyang kamay.
"Ms. Martines. Alam kong hindi ko ito pagsisisihan. Alam ko namang hindi masasayang ang mga investments ko sa inyo. "
In a week tatlong businessman na ang nagawa niyang kumbinsihin na mag-invest sa kanilang kompanya.
She thought everything will be going smoothly.
But,
"Ma'am, naapula na raw po ang apoy sa site pero may ilang materyales na nasunog at di na talaga magagamit.
Tanging mga bakal at semento lang ang hindi nasunog . Lahat po ng materyales na gaya ng kahoy at iba pang gawa sa plastik ay nasunog. " balita ni Denyce.Hinilot niya ang kanyang sentido at bumuntong hininga.
Alas nuebe ng umaga ng magsimula raw ang sunog sa construction site. Di pa alam ang pinagmulan pero hinala nila ay may nagtapon ng sigarilyo sa site. Kung saan nakatambak ang mga kahoy at plastik na materyales.
"Ligtas ba lahat ng trabahante. Kunin niyo na lang ang mga damaged na materyales at itapon niyo. Ipagpaliban muna ang construction. Pauuwiin mo muna ang mga trabahante at umorder ka ng bagong mga kahoy sa supplier natin. " utos niya.
"Are you sure you're gonna throw those away? Baka magamit pa ang ilang may maliit lang nasunog. Sayang ang mga iyon dahil malaking halaga ang nagastos rin sa mga iyon. " sabat ni Zero.
Lumingon siya rito at nagtaas ng kilay. I hate hearing his voice lalong sumasakit ang ulo niya.
"I'm sure of that Mr. Ripper. Everything useless should be thrown away. That's how the world goes, Zero. I'm sure alam mo iyon. " ngumisi siya kay Zero. "Ano pang silbi ng mga bagay na hindi na magagamit.
His jaw clenched.
"It's not about the use Ms. Martines. It's about the its value. " matamang sabi nito.
Natawa siya roon. Value?
"Walang halaga ang mga bagay na walang gamit, Mr. Ripper. Wag mo akong biruin. " sumandal siya sa swivel chair.
"Isa pa, maaaring maging marupok ang gagawing gusali kung mga damaged at may sunog ang gagamitin nating materyales. After all, kailangan nating isecure ang seguridad ng ating mga kliyente. Hindi rin maganda kung magkakaroon ng aberya dahil lang may sunog na ang mga ginamit na materyales. Mas maganda kung papalitan ang mga iyon ng bago. And if you worried about the money, don't worry. If I have to use my own money para hindi masyadong malaki ang budget na mawala sa dati mong kumpanya. Gagawin ko. Hindi ako kurakot, Zero. "
His jaw clenched. Natatawa siya sa isip dahil napapadalas iyon.
Hindi na ito sumagot pagkatapos noon.
Gaya ng utos niya, kumuha sila ng bagong mga kahoy na gagamitin. Nagpatuloy ang construction .
Everything continued, everything goes with her plans.
Everything.
"What do you mean by this? " taas kilay na tanong ng lalaking kaharap.
She smiled genuinely at him.
"Look, Apollo Mikael Montero. Arthur Miguel Montero, which happened to be your brother died eight years ago. " sabi niya. Nakita niya ang gulat at pagtataka sa mga mata nito.
"How the hell did you know about that? " nakuyom ng lalaki ang kamao at gumalaw ang panga nito.
"Nasa loob ng envelope ang lahat ng sagot sa tanong mo. Walong taon, Apollo. For eight years, you've seek for these answers. Ngayon, nasa harap mo na ang lahat."
Nakita ko ang pagdaan ng takot sakit at iba't ibang emosyon sa kanyang mata nang makita ang mga larawan ni Dean kasama ang namatay na niyang kuya.
Ngumiti siya at sumandal sa upuan. She sip on her juice saka nya ito tiningnang muli.
"You think ,why all those cases you filed years ago got trashed? And they just closed the case saying it's just a gang fight? Really? " dagdag pa niya.
Nakita niya ang paglalukot ng picture na hawak nito.
"There must be a mistake. Walang kinalaman si Aphrodite dito, hindi ba? " he said in a frustrated tone.
"The Master mind is his grandfather. Abogado ang kapatid niyang si Dark. Marami silang pera at malakas ang kapit nila sa mga matataas na tao. Hindi ko masisigurong walang kinalaman si Dean sa lahat. " she tried to make her tone disappointed, but she's liking how everything goes.
It's her weapon. Her only weapon against liars were the truth. Kung hindi nila malalaman,siya ang magsasabi sa kanila. She's taking off their masks and revealed what is needed to be revealed. In that way,nakakatulong na siya sa mga biktima na gaya niya, nakakaganti pa siya sa lahat ng may utang sa kanya.
May sakit at poot na pinaghalo sa mga mata ng binata. Those were that same emotions she saw yesterday when she talked to Ayu.
She's pretty sure na isa ito sa mga nakita niyang babaeng kinidnap noon ng matanda. Hindi man nakuha ng binayaran niyang imbestigador kung anong nangyari sa loob ng mansyon na pinagdalhan umano sa mga ito. Alam niyang may masasakit itong karanasan. Funny thing is, she didn't remember anything. Even her name is different. Pinacheck niya rin ito sa kanyang private investigator at napag alaman niyang hindi nag eexist sa mga data ng gobyerno ang pangalang pinakilala ng dalaga sa kanya. He made her a fake identity. That's a pity, na nabubuhay sa kasinungalingan ang dalaga. Hinanap niya ang lahat ng impormasyon tungkol sa pagkatao nito. Lahat ng totoo. Humanap siya ng sapat na ebidensya para ipakitang nagsisinungaling ang batang Ripper sa babae. He even hired her as his personal maid? For what? For fucking purposes? Hindi na siya magtataka. Maamo man ang mukha ng binata, nasa dugo na nito ang kademonyohan.
"I'm not taking these. " binagsak ni Apollo ang mga litrato sa harap niya at marahas na tumayo. Namumula ang mga mata nito ngunit matigas ang ekspresyon.
He's maintaining a hard wall against her? That wall's gonna fall eventually. And it'd fall together with his faith on her.
"I need to talk to her first. " lumunok ito at mabilis na naglakad paalis ng cafe.
Sumandal siya sa upuan at pinaglaruan ang straw ng kanyang juice.
Anong pakiramdam ng ikaw naman ang itatapon? We'll see that, Dean and Dark Ripper. Nakangiti niyang bulong sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...