Game Three

144 5 0
                                    

                             Play

Namangha siya sa mga nakikita. Ang malaking chandelier, ang mga mamahaling furniture, ang mga kurtina na para bang nasa loob siya ng isang fairytale.

"Pwede bang tigilan mo ang pagnganga. You look like a fool. " nahiya siya sa pagputol ng lalaki sa pagmasid niya sa kwarto na parang ignorante.

Naupo siya sa malaking sofa sa gitna ng sala ng condo unit nito. Namamangha pa rin siya sa laki at ganda ng lugar na iyon.

Nakapagbihis na siya, nakakahiya man ay nanghiram siya ng t shirt at malaking at pajama rito. Ayaw niya kasi sa suot niyang dress at sa pakiramdam kapag tinititigan siya nito habang suot niya iyon. Pakiramdam niya ay nahuhubaran siya.

"Now let me tell you my consitions, " sumandal ito sa gilid ng sofa kung saan siya nakaupo. Tiningala niya ito at hinintay ang susunod nitong sasabihin. "I'll let you stay in my condo. But you need to play the game. " seryoso nitong sabi. "But I doubt you will win. " ngumisi ito. "Zero Park-Ripper never lost in this game. "
Hindi niya alam kung anong klaseng laro ba ang tinutukoy nito. Hindi siya magaling sa kahit ano, sa PE nga ay laging mababa ang grado niya dahil mahina talaga ang pisikal niya. In short, isa siyang lampa.

"Anong laro ba iyan? " hinihiling niya na sana at di kinakailangan ng pisikal na lakas sa larong sinasabi nito.

"My game. " nagpanic siya ng tumabi ito sa kanya. "There will be three stages, " hinawi nito ang buhok palikod at pinaglaruan ang dila. Hindi niya alam kung mannerism ba ito ng lalaki pero namamanyakan siya sa ginawang yun ng lalaki.
"Stage one, Impress me stage- kailangan mo akong paglingkuran. Ikaw ang magluluto, maglalaba, maglilinis at kung anu-ano pa. Kapag naimpress ako sa trabaho mo,yu win the stage." akala niya iba ito. Pero dun niya napagtanto na kagaya rin ito ng kanyang tya.
Nainis siya bigla, sanay siyang inaalipin pero bakit naiinis siya?
"Gagawin mo kong katulong? " nakataas ang isa niyang kilay. Hindi niya alam pero nagawa niya itong tanungin ng ganun. Gayung nasa puder siya nito.
"Whoah~  Di ko alam may tinatagong maliit na sungay ang maamong anghel sa harap ko. " natigilan siya doon. Namula siya kahit di nman compliment na may maliit siyang sungay ang sinabi nito.
"But I think it's going to be more fun that way. " ngumisi ito. Saka nagpatuloy"Stage two is really a hard task. The Don't let me own you stage" lalo siyang kinabahan sa mga pangungusap na iyon. Alam niyang di maganda ang ibig sabihin nito. "Alam mo lagi akong nananalo sa stage na ito. " nilapit pa nito ang mukha sa kanya kaya napasandal siya sa sofa. "Ganun ako kahirap i resist. " bulong nito. Napakalapit lamang nila kaya rinig niya ito at kasabay ay amoy niya ang mabangi nitong hininga.

"A-Ano bang ibig sabihin nun? " hindi sa hindi niya gets. Di naman siya ganun kabobo. Nagbabakasakali lang naman kasi siya na iba ang sinasabi nito sa iniisip niya. Baka mapahiya lang siya kung sakali.

Tumawa ito. Hindi niya alam kung nagjoke ba siya o dahil ang panget niya kapag kinakabahan.

Matagal ito bago natapos sa pagtawa.

"Jinjja? Hindi mo nakuha? Ganyan ka ba talaga ka inosente? " inilapit nito ang labi sa kanyang tenga, dahilan para mapasinghap siya. Napakainit kasi ng hininga nito sa balat ng tenga niya. ". In this stage, di mo dapat ako hayaang makuha ka. I mean, dapat walang sex. Ganun yun, "

Nangingig siya nang lumayo ito ng bahagya sa kanya. Inaabangan ang magiging ekspresyon ng kanyang mukha. Syempre halata nitong kabado siya, at siguro nga natutuwa ito kapag halos mamatay na siya sa kaba kaya nilapit ulit nito ang mukha sa kanya at hinawakan ang baba niya. "Dapat machallenge ako ha. "

". And the last stage- The Hold On Stage. Hinding-hindi ka dapat bumigay. Once you fall for me, game over. Kailangan manalo ka ng atleast two stages, kapag hindi talo ka. "

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon