Game Fifteen

86 3 0
                                    

Ang akala niya, nang magbalik siya sa puder ni Zero ay babalik rin sa dati ang pagtrato nito sa kanya.

Pero hindi, dahil mula nang gabing sunduin siya nito sa partment ni Dean ay napakarami nang nagbago.

First, her chores. Kung noong una ay siya ang gumagawa ng lahat, ngayon ay hindi na. Dahil twing weekend, ay may dumadating na tagalinis ng condo. Si manang Sylvia. Ito na rin ang naglalaba ng mga damit nila ng binata. Pakiramdam niya nga ay wala na siyang kwenta dahil kain tulog na lang ang ginagawa niya sa condo. Hindi rin naman kasi makalat si Zero sa mga gamit. Di na rin siya nagluluto dahil paggising niya sa umaga, handa na ang pagkain, na si Zero ang nagluto. Ganun din sa tanghalian at hapunan.
When she asked him why, he just said" You already passed the stage one. "

Sinabi niya na rito. She don't want to play anymore. She already said, she's quitting! 

But why?!

Second, was him. Zero, himself.

"Bakit nakatulala ka na naman? " tanong nito at inilapag sa kanyang mga balikat ang jacket nito.

Nakaupo siya sa terrace at pinagmamasdan ang mga ilaw ng buong syudad habang nag-iisip nang dumating itong si Zero.

Tiningnan niya ito, iniisip. Bakit biglang nagbago ang turing nito sa kanya? Naging sobrang bait?  Hindi niya lubos maisip.

How can a Zero Ripper be like this? Anong meron? At para saan ba lahat ng kabaitang ipinapakita nito ngayon?  Ano bang balak nito?

"Why are you looking at me like that? " natatawa nitong sabi.

Kung hindi niya kilala si Zero, maaaring kiligin pa siya pagiging gentleman na ipinapakita nito ngayon. But she know, he is the opposite Zero. There must be something. This isn't right!  Paulit-ulit niyang bulong sa isipan niya. There's something behind this act of him. She need to be extra careful.

Bumuntong hininga siya. Nahihilo na siya sa kakaisip. She really needs a rest.

"I wonder what's going on inside your brain. I wonder what you are thinking right now. " bulong nito, dahilan para lingunin niya ang binata nang kunot ang noo.

Nagtama ang kanilang mga mata. Sa kanilang napakaliit na distansya, amoy na amoy niya ang hininga nito. Maging ang pagdampi ng hanging nagmumula sa labi nito sa kanyang mukha ay ramdam niya.

"Zero. " humakbang siya palapit. Isang hakbang. Konting tingkayad lamang ay maaabot niya na ang mga labi nito.

Lumikot ang mga mata ni Zero, tila natataranta. Agad itong humakbang patalikod. Dalawang malalaking hakbang.

Ngayon ay nasa magkabilang parte na sila nang terrace. Nakita niya ang paggalaw ng adams apple nito. Tumikhim ito, saka nagpaalam na may gagawin pa.

This is the third one, hindi niya maintindihan. All of a sudden. The maniac Zero turned to a pabebe one? Na para bang iniiwasan nitong magkaroon sila ng physical contact. Na para bang aatakihin ito ng epilepsy once, nahawakan niya ito.

Naiinis siya. Pakiramdam niya kasi ay pinandidirihan siya nito o ano. Pero naiinis siya sa pag-iwas nito.

Gusto niyang malaman. She badly want to know what's going on.

Kaya naisipan niyang kausapin si Zero. To confront him.

Pero nang pumasok siya sa kwarto nito ay walang tao. Muli, napqbuntong hininga na lang siya. Ganun ba talaga siya kailangang iwasan, na lumabas ito sa ganitong dis-oras ng gabi?

Naupo na lang siya sa sofa. Hindi niya alam kung anong oras babalik ang binata. Naiiyak siya sa frustration. Bakit pakiramdam niya ay mas naging kumplikado ang lahat? Bakit pakiramdam niya ay mas lalong nagiging mahirap ang buhay sa kanya na kung tutuusin ay mas magaan na ang lahat ng bagay.

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon