Game Twenty

68 3 0
                                    

                           Frustration

Dahan-dahan niyang inilubog ang mga paa sa tubig. Napasinghap siya sa lamig noon pero hindi siya umahon.

Nagpaalam siya kay Zero na maliligo siya rito sa talon dahil ilang araw na siyang hindi nakaligo dahil sa lagnat. Nanlalagkit na rin siya.

Alas sais pa lang ng umaga, inilubog niya ang kalahating katawan sa tubig. Basa na ang suot niyang manipis na spaghetti strap dress. Kulay puti ito at may laces sa dulo na ang haba ay sa ibabaw lang ng kanyang tuhod. Nanunuot sa balat niya ang lamig ng malinaw na tubig.

Tiningala nya ang magandang talon. Ang malamig na tubig ay magandang bumabagsak sa malalapad na bato bago umagos sa malaya at malalim na tubig.
Umapak siya sa isa sa mga nakaangat na bato at umahon. Tinahak niya ang mga hilera ng malalapad na bato at tinungo ang tubig na bumabagsak.

Napapikit siya habang dinadama ang tubig na bumabagsak sa katawan niya. The cold and relaxing water makes her forget that she's in the middle of a fucking situation kung saan hindi niya alam kung paano nila matatakasan. Para silang maliliit na daga na nagtatago at hinahanting ng isang malaking leon.

Napalunok siya nang naramdamang may mga matang nakamasid. Alam niya hindi man dumilat lung sino iyon.
Huminga siya ng malalim.

Kanina lang ay relax na relax siya sa bumabagsak na tubig sa katawan niya pero dahil sa pares ng mga matang nakamasid ay nate-tense siya ng sobra.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at sinalubong ang nakakaparalisa nitong titig.
Nakatayo ito sa isang malaking bato ,isa sa mga hilerang dinaanan niya kanina. Nakasuot ito ng manipis na puting tshirt na sakto lamang ang yakap sa katawan nito at itim na walking shorts.

Nilunok niya ang bara sa kanyang lalamunan. Hindi niya na mabawi ang mga mata sa titigan nila. Nanghihina ang mga tuhod niya pero ni hindi siya makagalaw.

Hindi rin  nito inaalis ang tingin sa kanya. Kung nakatitig ito ay para siyang isang napakagandang obra. That she's worth staring for.

Bumilis ang tibok ng puso niya at umakyat ang kaba niya sa kaniyang lalamunan nang maglakad ito palapit, nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Ilang beses lang siyang lumunok habang palapit ito para pahupain ang kabang nararamdaman pero sa bawat hakbang ng lalaki ay lalo siyang natataranta.

"Are you sure you're fine now?"tanong nito nang makalapit. He's already in front of him, towering her with his height. The shimmer in his eyes sends shiver down her spines,yet his voice although low,ignites a wildfire in her whole system. Contradicting, but it both tensed her.
Tumango siya rito. Kagat ang dila sa kaba na di niya maipaliwanag.

Ngumisi ito.

"Come here," utos nito. Humakbang siya palapit. Ang unfair dahil kanina niya pa inuutusan ang sariling tumakbo palayo o umatras manlang pero hindi sumusunod sa kaniya ang sariling mga paa. Ngayon,isang utos lamang nang lalaki ay madali nitong nagawa. Like he's on control of her body and not her.

Tinitigan siya nito. Malamig pero masuyo. Mabangis,pero maalaga. Mapanganib pero malambing. Magkabaliktaran at magulo. Wala nang nagsi sink in sa utak niya ngayon.

Sinapo nito ang kanyang noo.

"You're not cold?"tanong nito. Sabay masuyong hinaplos ang kanyang pisngi,sa ngayon ay kapwa na silang basang-basa sa pagbagsak ng tubig sa kanila pero hindi siya nakakaramdam ng lamig,bagkus ay para siyang tuyong dahon na sinisilaban.
"H-Hindi,"
'at dahil yun sayo' gusto niyang idagdag pero nilunok niya na lamang ang mga salita.
"Good," mahina nitong sabi ,pinaglalandas ang mga daliri sa kanyang pisngi, sa kanyang ilong,sa kanyang labi.
Napapikit siya. Naramdaman niyang gumapang ang kamay nito sa kanyang beywang saka siya hinapit palapit,tuluyang sinarado ang napakaliit na diatansya sa pagitan nila.
Napasinghap siya nang magdikit ang kanilang katawan,malamig ang tubig pero bakit para siyang napapaso?!
Tumingala siya nang magtigil ang kamay nito sa kanyang baba at gamit ang hinlalaki ay pinindot nito ang pang ibabang labi niya.

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon