Casa
Tahimik siya habang naglalakad sa mahabang pasilyo. Nakaposas ang kapuwang mga kamay niya sa kanyang likuran at kasunod niyang naglalakad ang mga lalaking nakaitim. Ang naaa unahan niya ay si Yamerah.
Ngumisi sa kanya ang babaeng may mas maitim at mahabang buhok. Maalon ang buhok nitong nakalugay ngayon. Yumuko lamang siya. Ubos na ang mga luha niya para umiyak pa.
Nagpatuloy sila sa paglalakad at nadaanan sa pasilyo ang isang malaking portrait painting. Si Grimm yun. Nakangisi ito ng nakakainis sa painting. Gusto niya iyong duraan.
May ilan pang kasunod na portait paintings sa kahabaan ng pasilyo. Isang magandang babaeng base sa hula niya ay thirty o mababa pa ang edad. Sunod ay portrait ng dalawang lalaking hindi naman mukhang nalalayo ang edad sa naunang dalawa.
Natigilan siya nang makita ang portrait ni Eclipse. Naikuyom niya ang kamao habang nakatingin roon.
May kinalaman rin ba si Eclipse rito?
"Bilisan mong maglakad! " hinaklit siya ni Yamerah nng ilang segundo siyang huminto sa tapat ng painting.
Paglagpas nila sa portrait ni Eclipse ay sa iaang lalaki namang hindi niya kilala. Kahawig ito ni Eclipse. Matangos ang ilong nito at matapang at nakakatakot ang mga matang akala moy nakatitig sa iyo.
Pagkatapos ay portrait ni Zero. Nakagat niya ang kanyang labi at nag-init ang kanyang mata. Sumisikip ang kanyang dibdib habang nakatitig sa painting. Pinili niyang lagpasan na lamang iyon bago pa siya umiyak muli.
Portrait ni Dark at Dean ang sumunod.
Sa dulo ay may pinto kung saan nakapameywang si Madam Aurah. Nakaipit abg sigarilyo sa mga labi nitong napipintahan ng matingkad na pula. Maiksi pa rin ang kulay dilaw nitong buhok na lagpas pa ang malaki nitong hikaw na ginto. Bumuga ito ng usok bago siya tiningnan.
"Ang sabi ni Lord Grimm, make her the Ace of The Auction. " panimula ni Yamerah at hinila siya papunta kay Madam Aurah.
"Are you sure about that? " tiningnan siya ni Madam Aurah mula ulo hanggang paa. "Hindi pa hubog ng huato ang katawan ng isang ito? Maraming mas maganda at sexy sa Casa na magrereklamo kapag siya ang ginawang Ace. " nagtaas si Madam Aurah ng kilay.
" Yun ang utos ni Lord Grimm. The starting price will be Five million. " dugtong pa ni Yamerah. Halos malaglag ang panga niya. Sino ang kukuha sa kanya ng five million?!
"Are you kidding me? Five million as the starting price?! Para kang nagpain ng chocolate sa aquariun ng mga pating. And you're expecting that you'll catch the biggest one in the aquarium?They want fresh meat! Who'll take her for that price?! " humalakhak si Madam Aurah habang nakatingin sa kanta na para siyang katawa-tawang nilalang.
"I'll kill her if no one takes her for the price or higher. " seryosong sabi ni Yamerah. Kumalampag ang dibdib niya.
"Why not kill her already?! Hindi ying ginugulo niyo pa yung auction. Alam mo ring walang kukuha sa kanya sa binibigay niyong presyo. "
"Wag ka nang magreklamo kung ayaw mong makarating ito kay Lord. " matigas ang pagkakabigkas ni Yamerah noon.
Tumaas ang kilay ni Madam Aurah pero sa huli ay nagkibit balikat.
"Bahala kayo. "
Sa loob ng quarters ay puno ng mga babae. Lahat ay magaganda at magaganda ang hubog ng katawan.
Ang iba ay nagtaas ng kilay sa kanya.
"Siya ang magiging Ace? Joke ba yun? " rinig niyang sabi ng isa.
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...