Auction
Blessings come when you don't expect it to. May magagandang mga bagay na dumadating nang hindi inaasahan. But right now, she can't tell if this is a blessing or another problem.
Tiningnan niya ang repleksyon sa salamin. Namumutla na siya.
Ilang linggo na ba ang inilalagi niya sa Casa?
Tatlo? O apat? Ang totoo ay hindi niya na tanda. Masyado siyang problemado para matandaan pa ang petsa.
Ilang beses ba nilang ginawa ni Zero iyon? Bakit nabuo kaagad? Ihinilamos niya ang palad.
Kinuyom niya sa kanyang palad ang PT na may dalawang pulang linya.
Alas sinco pa lang nang umaga ay nagising siya sa pagduduwal. Iniisip niyang may nakain lang siyang masama. Hindi niya agad naisip na posibleng buntis siya. Isang beses lang siya naduwal. Isang beses lang. Pero nang makita siya ni Madam Aurah ay agad siya nitong pinagamit ng pregnancy test.
Her mother sent her away para hindi niya maranasan ang mga naranasan nito noon. But here she is, doing the same thing. Doing the same mistakes. Putting herself on the exact same path her mother took.
"Mariella, ayos ka lang ba diyan? " tanong ni Madam Aurah na kumatok sa pintuan ng banyo. Gusto niyang umiyak pero wala nang luhang nalabas sa kanyang mga mata.
Binuksan niya ng pinto at walang imik na tiningnan ang ina. She feel sorry for her mother. Marami itong isinakripisyo para malayo siya. Pero nandito na siya. Buntis, at walang maninindigan. At anong gagawin sa kanya ni Grimm kapag nalaman nito na buntis siya at si Zero ang ama? Paano kung patayin nito ang magiging anak nila? O patayin rin siya? At sinong kukuha sa kanya sa halagang limang milyon kung buntis na siya?
Ano kaya ang nangyari kung hindi niya ginawa ang lahat ng ginawa niya noon?
What if hindi siya noon sumama kay Zero, o kung nagpaiwan na lang siya sa simabahan?
What if hindi niya tinanggap ang laro nito?
What if hindi siya nahulog kay Zero at sa magaling nitong pag-arte?
What if hindi niya binigay kay Zero ang lahat?
But all her what ifs are useless now. Wala na siyang magagawa o mababago alinman doon.
Tiningnan siya ni Madam Aurah. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. Lalo na nang dumapo ang tingin nito sa hawak niyang PT. Inagaw iyon ni Madam Aurah.
"Oh my God! " bulalas ng kanyang ina at mahigpit siyang niyakap. "Mariella.." tawag nito. Tila ba nangangapa ng sasabihin sa kanya.
"Ma, anong gagawin ko? " nanghihina niyang tanong.
Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi. May luha ang mga pisngi ng kanyang ina.
"Gagawa tayo ng paraan, anak. Itatakas kita. Mamayang alas dies ng gabi, magsisimula ang auction. Ilalabas kita. Kailangan mong makalabas. " sunud-sunod na patak ng luha ang tumuko sa pisngi ng kanyang ina. Gusto niya mang punasan iyon ay hindi niya maigalaw ang mga kamay niya sa panghihina. "Itatakas kita, kahit anong mangyari. Lalo na't may apo na ako. " muli siyang niyakap nito ng mahigpit.
"Paano? " nalilito siya. Manganganib ang mama niya at lalo na siya kapag sinubukan nilang tumakas. Maraming tauhan si Grimm sa Casa at armado ang lahat ng mga ito. Isang putok lang maaari na silang mamatay. Wala silang laban.
"Gagawan ko ng paraan. " muli siyang niyakap ng ina at hinimas ang kanyang buhok.
Pagkatapos ng tanghalian ay bumalik siya sa quarters para kumuha ng maisusuot. Ibinilin ni Madam Aurah na bumalik agad siya sa kwarto nito para maiwasan ang ibang Casts. Dapat ay magdoble ingat, lalo na at buntis siya.
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...