Doubts
Mabilis siyang bumagsak sa malamig na tubig. Hinayaan niya ang sariling lumubog habang mariing nakapikit.
These past few days, may mga nakakalimutan siya. Nadadala siya sa mga pangyayari kaya hindi niya mapanindigan ang dahilan kung bakit siya bumalik.
Maghihiganti siya. Pagbabayarin niya ang lahat ng dapat magbayad.
Ang kaniyang inipong hangin ay malapit nang maubos pero ayaw pa niyang lumutang mula sa pagkakalubog.
She needs to fulfill her revenge. She reminded herself.
Pilit niyang pinigil ang paghinga. Kailangan niyang magising sa kahibangan because after two years, she's starting to doubt herself again.
But all her self convincing got drowned when someone pulled her arms. Napadilat siya nang maramdaman ang mga labi ni Zero sa kanyang mga labi, binibigyan siya ng hangin upang huminga sa ilalim ng tubig.
She hate how it feels.
That again, she's being dependent to Zero. Breathing his breath to gasp for air.
Mariin siyang kumapit sa matikas nitong balikat at idiniin ang sarili sa binata. Like he's what she always needed to survive.
Sabay silang umangat sa tubig, parehong hinahabol ang kanilang mga hininga. Nakayakap ang mga kamay ni Zero sa kanyang baywang samantalang siya naman ay nakakapit pa rin sa balikat nito.
"Miss President! " rinig niyang sigaw ni Ivo pero hindi niya iyon pinakinggan. Ang mga mata nita ay nakatuon lamang kay Zero habang pareho silang mabibigat ang paghinga.
Taimtim ring nakatingin sa kanya ang binata. Naramdaman niya ang paghigpit ng kapit nito sa kanyang baywang pagkatapos ng ilang magkasunod na paglunok.
"Are you alright? " namamaos nitong tanong.
Umiling siya na dahilan ng pagkunot ng noo nito.
"May masakit ba sayo? " tanong ulit nito habang sinisipat ang kanyang kabuuan kung may sugat ba siya o ano.
"Miss President, ayos lang ba kayo? " tanong ni Ivo. Kasunod nito si Max at Karen. Nakasunod rin si Ninybel pero hindi niya binigyang pansin ang mga ito.
"I'm..still drowning. " sabi niya pagkatapos ay lumunok. She wasn't sure.
But if she needs Zero, if she still can't help herself from falling, she will make him fall along with her.
Sabay silang mahuhulog. Hindi pwedeng siya lang.
"What are you-" natigilan ito nang halikan niya ito. Maging sila Max at Ivo, si Ninybel at Karen ay natigilan sa ginawa niya.
Wala siyang paki sa nakakakita, o sa iisipin nila.
"Payag na ako. " humihingal niyang sabi ng maghiwalay ang mga labi nila. Nakatingin lamang ito sa kanya gamit ang magagandang singkit nitong mga mata.
"What? " huminga ito at lumunok. Nakatitig ito sa mga labi niya. Maaaring pulang pula na iyon gaya ng mga labi nito.
"You'll get what you want if you win my game. " bulong niya rito. "If you win, I'll be yours. All yours. " ramdam niya ang mabigat na mga paghinga nito.
"Ri, " he called her huskily. Ang kapit nito sa baywang niya ay humigpit pa na halos yakapin na siya nito.
"You're hearing me right, Zero. Pero kapag natalo ka. Kukunin ko lahat ng mayroon ka. " dagdag niya.
She know him well. He wasn't fair. Or maybe she's just to easy to be fooled.
But not now.
"Naku! Hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko! " pahisterang sigaw ni Karen at lumangoy palayo.
Tumawa si Ivo at Max saka sumunod kay Karen.
"Hoy biik! Wag mong sabihing naiinggit ka? Hindi pa ako ready! " sigaw ni Ivo sabay tawa at yumakap sa sarili.
"Shut up punk! Hindi ako interesado sayo! Kadiri ka! " sigaw ni Karen sabay tulak kay Ivo.
Nginitian lang siya ni Ninybel.
Nawiwili na siya sa panonood sa mga kasamahang lumayo sa kanila pero iginaya ni Zero ang kanyang mukha para maharap ito.
"I doubt you can do that. You are already my everything. " he said and stroke her hair.
Hindi siya sumagot.
'I doubt that's true. ' bulong niya sa isipan niya pero hindi niya iyon isinatinig.
Bumitaw siya mula sa pagkakayakap kay Zero . Nakatingin lamang ito at sumunod sa kanya nng lumangoy siya pabalik sa kanilang cottage.
"Kumain na kayo. " sabi ni Ninybel habang hinahanda ang mga pinggan.
Matapos kumain ay nagpahinga muna sila bago bumalik sa paglangoy. Nag unahan ulit si Max at Ivo sa pag-akyat sa matataas na mga bato at pagdive mula roon. Gusto niya mang sumali ay hindi na pumayag si Zero.
"Stay here, please. " bulong ni Zero habang yakap siya mula sa likuran. Ang mga kamay nito ay nakapirmi sa kanyang tiyan.
"Gusto kong maligo. " sabi niya . Pinaglandas niya ang mga daliri sa brasong nakayakap sa kanya.
"Naliligo ka naman e. " pagdadahilan nito at ibinaon ang mukha sa kanyang batok. Nakikiliti siya sa mainit nitong hininga.
He's being clingy. That'll make her win this time. Being sweet is his trap, but she'll use this agaist him. Sisiguraduhin niyang masasanay ito sa kanya, so she could crush him into pieces.
Inabot sila ng dilim sa talon kaya napagdesisyunan nilang umuwi na. Ang mga lalaki ang nagbitbit ng kanilang mga dala dahil mas nakakapagod ang daan pauwi. Ang mahigit apat na raang hakbang ng batong hagdan ay mas nakakapagod kapag paakyat.
Ilang reklamo na naman myla kay Karen ang umalingawngaw sa tahimik na paligid. At ilang pang-aasar rito mula kay Ivo ang naging ingay nila hanggang sa marating nila ang mga sasakyan.
Pagod siya kaya hinayaan niyang si Zero ang magmaneho ng kaniyang fortuner. Nakaidlip siya sa byahe dahil sa pagod.
Iyon ang huling araw nila roon. Kinabukasan ay uuwi na sila sa Manila. Marami pang trabahong kailangan tapusin matapos ng apat na araw na pahinga.
Tulog na si Karen sa kanyang tabi pero siya ay mulat na mulat pa rin.
She can't sleep. Not when everytime she close her eyes, she remember Zero's soft lips against hers. His body heat against her back.
Hinilamos niya ang palad at sinapo ang kanyang noo. Tumitig siya sa kisame. Trying to collect all her rational reasons.
Doubts are running in her mind.
Is she still doing it right?
---
I'm sorry about the very short update. Hope you'll keep holding on. Huhuhhu. Malapit na tayo sa ending . Base sa final plotting ko, hanggang Chapter 45 lang tayo. Huhuhu. Malapit na kong mag move on, Jimin-ssi!
Hey, ongoing nga rin pala ang next installment. Dark Night Angel ,na pinagbibidahan ng aking Baby Dark. Hahaha.
Love lots.
--
RP
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...