StormsMabilis ang kanyang bawat hakbang palabas ng venue. Panay pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha kaya nanatili siyang nakayuko para itago ang mukha. Maraming bumati sa kanya nang dumaan siya pero hindi niya pinansin ang mga ito at binilisan na lamang ang lakad.
Mabigat ang kanyang dibdib at ang gusto niya lang ngayon ay ang makalayo sa lugar na iyon. Makalayo kay Zero, makalayo sa mas malalim pang mga sugat na dulot ng kanyang katangahan.
Nang makapasok siya sa kanyang kotse ay isinandal niya ang kanyang ulo sa manibela at doon patuloy na umiyak.
Nanghihina na siya pero nandoon pa rin ang sakit, hindi pa rin namamanhid ang kanyang puso. Maga na rin ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak pero tila walang balak ang mga mata niyang huminto sa pagbuhos ng mga luha.
Humagulgol siya hanggang sa tuluyan na siyang mapagod.
Sa knayang condo ay ganun pa rin ang ginawa niya. Ang umiyak lang.
She hate herself for being like this. Kung bakit sa dami ng kasalanan sa kanya ni Zero ay nandito pa rin siya at iniiyakan ang isang bagay na alam naman niyang hindi maiaalis sa binata. He's a playboy and she's aware of that. She know that even in the past two years.
Pero hanggang ngayon, anumang pagdedeny ang kanyang gawin sa sarili. Alam niyang umaasa pa rin siya, kagaya ng mga pangako nito, na siya lang. Na lagi siya lang.
She almost forgot she have plans for revenge . She almost forgot why she's here now.
And it's just because she hoped again. Umasa siya na mahal rin siya ni Zero.
But again, it's a fail.
Because Zero don't love her the way she loves him.
Bumangon siya kinabukasan na masakit ang ulo. Tumawag si Lady H sa kanya para mangamusta . Nangako naman siyang dadalaw sa bahay nito kapag naging maluwag ang kanyang schedule.
Nang pumasok siya sa opisina ay iba ang tingin sa kanya ng mga empleyado. Maaaring dahil sa maga niyang mga mata na hindi magawang itago ng make up.
Ngunit walang nagtangkang magtanong kung ayos lang ba siya. She felt that everyone's afraid to approach her, and that frustrates her more. Pakiramdam niya mag-isa lang siya, and that's because everyone's keeping a distance from her. Okay lang iyon, kung sana ay hindi ganun kabigat ang kanyang dibdib.
Zero's absent . We'll maybe, masyado itong napagod nang nagdaang gabi kaya hindi na nagawang pumasok pa sa trabaho. Or naaliw masyado kay Scarlet, or marami pa silang gagawin.
Her head's full of those petty thoughts.
"Ms. Martinez, are you sure about it? " tila may pag-aalinlangang tanong ng kausap. That's Mr. Piedad. Ang pinakamaaasahang galamay ni Lady H. Ngayong nagawa na niya ang lahat para tuluyang mapasakamay niya ang Marcus nang buong-buo, she'll make sure na hindi na iyon makukuha muli ng kahit sino pang Ripper.
"At bakit naman ako hindi magiging sigurado, Mr. Piedad? I 've already done enough for this company. I don't need him anymore here. " aniya.
Tumahimik ang nasa kabilang linya.
"Now send me all the documents needed. Siguro nga naging mabuting leader si Mr. Ripper noon pero wala siyang nagawa para sagipin ang palubog na niyang kompanya. Which I did. Wala naman silang magagawa kung tanggalin ko siya sa kompanya. After all, it's now mine. And I'll fire anyone I want to. "
"Won't you give him any sympathy Ms. Martinez? " tanong nang lalaki pagkatapos ng isang buntong-hininga.
Natawa siya roon. "Sympathy? Really? Why would I? Papatayin ko na 'to. Marami pa akong gagawin.
"But I heard his -" hindi niya na pinatapos pa ang sasabihin ni Mr. Piedad at pinutol niya na ang tawag.
Masakit ang ulo niya .
Tumingala siya at nakipagtitigan sa off white na ceiling ng kanyang opisina.
Tama naman ang ginawa niya. Kasi iyon naman talaga ang dahilan kung bakit siya bumalik, siguro nga medyo natapilok siya at nahulog muli kay Zero pero sa pagkakataong ito, sisiguraduhin niyang hindi siya ang maiiwang luhaan.
Nakaidlip siya habang nag-iisip ng kung anu-ano . Nagising siya sa isang tawag. Mula iyon sa kanyang sekretarya.
"Denyce? Ano 'yun? " tanong niyang sapo ang kanyang noo. Lumalala yata ang sakit ng kanyang ulo.
"Ahm. Ma'am ,nagpasa na po ng kanilang mga reports ang karamihan. Sinend ko na rin po sa inyo yung mga files ng bagong proposals at projects. Magpapaalam po sana kami kung pwede bang mas maagang mag-out ngayon? " tanong nito.
Tiningnan niya ang kanyang wrist watch. It's still five thirty.
"Okay lang. Masama rin ang pakiramdam ko kaya baka maaga rin akong umuwi. Pero bakit kayong lahat? " nagtaas siya ng kilay, as if makikita iyon ng kausap.
"Pupunta po kami kina Sir Zero."
Lalong kumunot ang noo niya.
"Anong meron? "
" Hindi niyo po alam? Kaninang madaling araw po kasi, namatay ang papa niya. Cardiac arrest po. Kaya nga po hindi siya nakapasok. "
Natigilan siya.
"Akala ko po alam niyo. " dagdag ni Denyce.
"Hindi niya sinabi. "
"Akala ko po talaga alam niyo. Kasi di ba po close kayo ni Sir Zero, tapos maga yung mata niyo kanina-"
"Pumunta na kayo roon, uuwi na rin ako maya-maya. " putol niya sa pagsasalita nito. Pinutol niya na rin ang tawag at muling tumingala.
Kaya pala wala si Zero.
Pero wala dapat siyang paki, hindi siya dapat maguilty. Kasi hindi kagay ng ginawa nila sa kanya noon, wala naman siyang kinalaman sa pagkamatay ng papa nito.
Kaya hindi siya dapat maguilty.
Pero mabigat ang dibdib niya.
Pumikit siya ng mariin. That's just right.
Tama lang na mawalan din ito, kung tutuusin mas marami ngng nawala sa kanya. Mas marami siyang naisakripisyo. Mas marami siyang dapat singilin pa.That's how life goes. It's not always a sunny day for you. She have already experienced great storms in her life.
And now, it's Zero's turn to feel how hard storms can strike and destroy you.
It's now his turn to suffer. And she should be happy for that.
----
A really short update.
Sorry.
Three chapters left. Then epilogue at tapos na tayo. Kapit lang.
-R. P
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...