Game Forty One

50 3 0
                                    


                              Numb

Ngumiti siya sa Ginang at naglahad ng kamay. 

"We're thankful for your donation in this charity program, Ms. Martinez. " aning Ginang na may malawak na ngiti. 

Hindi halata sa hitsura nito ang edad.  Maganda pa rin ang hugis ng katawan nito at bagay na bagay ang suot na gold gown na off shoulders at may slit sa gilid. 

"Gusto ko lang pong makatulong sa mga bata, Mrs.  Talancio. " sagot niya. 

Galing din siya sa ampunan, at alam niya kung gaano nahihirapan ang mga asusayon sa pagbibigay sa kanila ng mga gamit sa pag-aaral gayong napakarami nila. 

She want every orphan to have the right education.  Ayaw niyang kagaya ng mama niya, o siya na sinumang walang tamang edukasyon ay kumapit sa patalim para lang makasurvive sa buhay. 

"I just hope na sa mga bata mapupunta ang nalikom na salapi. " makahulugan niyang sabi. 

Puno ng buwaya ang industriya, at ayaw niyang maging biktima ng mga sakim na buwaya ang mga batang walang kamuwang-muwang. 

Ngumiwi ang matanda. Tumaas ang kilay nitong perpektong nakaguhit.

"What are trying to say, Ms.  Martinez? " humalukipkip ito at mataray siyang tiningnan. 

Tumawa siya.  She love to see that expression.  Para bang tinatamaan ito sa pasaring niya. 

"I'm not saying anything, Ms.  Talancio. Iyon ay kung sa tingin mo ay may masama akong ibig sabihin. " sumimsim siya ng wine.  "Kailan ba ang event? " tanong niya pagkadaka.

"Next Thursday.  By the way, Maldevera Group of Companies just confirmed na may ihahanda silang intermission number para sa event.  Just for fun.  Ikaw, baka may talent ka Ms. Martinez?  Maybe pole dancing or anything? " tumawa pa ito na para bang inaasar siya. 

Maaaring narinig nito ang chismis na dumaan.  Pero wala siyang paki, dahil una sa lahat. She's not a pole dancer!

"I'm not --"

"I can volunteer for that, Mrs.  Talancio. " naramdaman niya ang kamay ni Zero na pumulupot sa kanyang baywang. 

Sumimsim ito mula sa wine glass.

"Oh, Mr.  Ripper! " kulang nalang ay mabinat ang mukha ng ginang sa pagngiti ng makita si Zero agad itong naglahad ng kamay at parang highschooler na kinikilig. 

Umirap siya.  Nakakadiri. 

"So, anong performance naman ang aasahan namin mula sayo Mr. Ripper? May talent ka ba bukod sa negosyo?  Are you going to sing or dance? " parang batang excited sa pasko ang tono ng ginang. 

Zero chuckled.

"I can actually do both but I think I'll prepare a dance number.  Can I invite my cousin, you know Attorney Dark right? "

Magiliw na tumawa ang ginang. She rolled her eyes again. 

"Of course!  I'm really looking up for that, Mr.  Ripper. I'm kinda excited. "

Halata naman e. Bulong niya sa isip. 

"Hindi ko kayo bibiguin.  May I excuse Ms.  Martinez?  May pag-uusapan lang kami? " tanong nito. 

"Oo naman. "

Tumalikod sila at naglakad palayo sa ginang. 

"I can't believe you are flirting with that old lady, Zero! " mahina niyang sabi. 

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon