Game Twenty Six

46 1 0
                                    


   Call

The next morning ay hindi siya lumabas ng kwarto. Sinabi niyang masama ang pakiramdam niya bilang excuse.

Tumango lang si Zero. He even told her not to worry about the old man. Na hindi sila nito mahahanap dahil malayo sila at si Dark lang ang nakakaalam kung nasaan sila.

Pero wala namang espasyo sa utak niya ang lahat ng yun.

Her mind is occupied by her endless insecurities and doubts.

"Masama pa rin ba ang pakiramdam mo? " tanong ni Zero nang sumilip ito sa pinto. May dala itong trey na may lamang pagkain.

"Pasensya na. " yumuko siya dahil nahihiya siya sa sarili niya. Wala naman siya sa lugar na mag-inarte. May kasalanan naman din siya. Pero heto siya at nagkukulong sa kwarto at inaabala pa itong maghatid ng pagkain.

"What are you sorry for? " tanong ni Zero bago inilapag sa side table ang trey ng pagkain.

"Alagain pa ako. " sagot niya. At pabebe rin.

" No. Hindi ka naman alagain. Also, it's my fault. Hindi ko naman sinasadya. Baka nabigla lang ang katawan mo. Dapat ay mas nagdahan-dahan ako. " kinuha nito ang mga hibla ng buhok niyang nakaharang sa kanyang pisngi at inipit iyon sa likod ng kanyang tainga.

Umiling siya. This has nothing to do with that. Hindi iyon sa pagiging 'malakas' at 'matikas' nito. Sadyang pabebe lang siya. Yun ang problema.

"Kumain ka na at magpahinga. " nakangiting sabi ni Zero. "Pupunta ako sa bayan mamaya. May ipapabili ka? " tanong nito.

"Wala naman. Okay lang ako. " ngumiti siya. "Anong oras kang babalik? " tanong niya.

Wala silang kasambahay o kahit kapitbahay . Kapag siya lang mag-isa sa bahay ay sigurado siyang magiging boring. Wala siyang ibang makakausap. Wala naman siyang cellphone na pwedeng pagkalibangan. Hindi rin siya mahilig manood ng tv.

"I'll be back before dinner. " nakangisi nitong sagot. "Bakit? Mamimiss mo ba agad ako? " malaki ang ngisi nito. Proud na proud sa sarili.

"Syempre. " sagot niya. Lalong lumaki ang ngiti nito. Kinagat pa nito ang lower lip na para bang tuwang-tuwa sa naririnig. "Wala namang ibang tao sa lugar na ito. Wala akong pwedeng kausapin bukod sayo. " dugtong niya. Sumimangot ito at ngumuso.

"By the way. I'll miss you too. Don't worry, I'll ve home before seven. " hinalikan siya nito sa noo. Pumikit siya at ngumiti. Wishing these love he's showing her isn't just a part of an act.

Sana totoo na lang ang lahat.

Pagkatapos kumain, napagdesisyunan niyang maligo. Nakaidlip siya pagkatapos.

Nanaginip siya. Naglalakad siya sa isang madilim na pasilyo. Walang ni isang pinto sa mahaba at tahimik na pasilyong iyon. Tanging mga yabag ng kanyang paa ang kanyang naririnig.

Niyakap niya ang sarili.

"Zero! " tawag niya. Pero nag echo lamang ang kanyang tinig. May humalakhak. Kasunod niya sa paglalakad ang matandang Ripper! Tumawa ito ng malakas. Dumagundong sa buong pasilyo ang malakas nitong tawa. May hawak iting kalawit na gaya ng kay kamatayan. Bumilis ang mga hakbang nito kaya tumakbo siya. Umiiyak siya. Tumakbo siya nang mabilis.

"Ahhhhh! " umiiyak na siya nang magising siya. Hinihingal rin siya. Bumangon siya at pinalis ang kanyang mga luha.

Bumaba siya para kumuha ng tubig. May narinig siyang mga kaluskos sa baba. Naisip niyang inagahan ni Zero ang pag-uwi dahil totoo ang sinabi nito. Na namimiss siya nito.
Napangiti siya nang maisip yun.

"Zero? " tawag niya habang pababa ng hagdan. Natugil siya nang di inaasahan ang makitang naghihintay sa kanya sa sala.

Nakaipit ang tabako sa ngipin ng matandang malaki ang ngisi sa kanya. May kasama itong ilang tauhang puro nakaitim rin.

Nanghina ang mha tuhod niya at malakas ang bundol ng kanyang puso sa kanyang dibdib.

Dreams don't come to reality so why do nightmares have to?

Tumakbo siya paakyat muli pero mabilis siyang nahawakan sa buhok ng isa sa mga tauhan nito. Masakit ang kanyang anit sa biglaang paghila nito sa bihok niya at pagkaladkad sa kanya pababa ng hagdan. Wala siyang laban sa lakas nito. Nasugatan pa ang kanyang binti sa pagkaskas nito sa isa sa mga baitang ng hagdan.

"Wag niyong masyadong sugatan. " utos ng matanda sa tauhan. "She'll be a high priced Cast in the Casa. " seryosong sabi ng matanda. Pareho ng kay Zero ang singkit nitong mga mata na matatalim kung tymingin kaya si mapagkakailang lolo niya nga ito.

Sinubukan niyang manlaban pero sinuntok siya sa tiyan ng tauhang may hawak sa kanya kaya tuluyan siyang naubusan siya ng lakas.

"Zero. " she called his name as a tear flowed down her face. "Zero. " paulit-ulit niyang inusal ang pangalan nito. Umaasang darating ito para iligtas siya pero wala.

"Stop calling him. Hindi siya darating " humalukipkip ang matanda. "Bakit sa tungin mo ay nandito ako? " mapanuya nitong tanong.

May naiisip siyang sagot pero umiling siya para iwaksi iyon. Hindi pwede.

"Zero's done with you. Kaya isinasauli ka na niya sa dapat mo talagang kalagyan. " sabi nito saka tumawa ng malakas.

Umiiyak siyang umiling. "Hindi totoo 'yan. " kumbinsi niya sa sarili.

"Really? Then where do you think he is now? He's finding another girl to play with. " sabi nito. "He's my grandson, so I know him better than you do. He play with girls and leave them when he gets bored. Tapos na siyang magparaos sa'yo kaya binabalik ka na niya." nakangising pakiwanag ng matanda.

Bobo na kung bobo pero hindi niya maintindihan. Alam niyang pwedeng totoo ang mga sinasabi nito pero ayaw niyang maniwala.

"If you lose the game. Ibabalik kita sa Casa. "

Naalala niya ang usapan nila sa laro ni Zero. Right, ibinigay niya na kay Zero ang huling bagay na magpapatalo sa kanya kaya ibinabalik na siya nito sa Casa. Parte iyon ng laro mula pa noong una. Dahil lahat ng pinapakita nito ay stratehiya lamang para manalo sa laro.

The care, the love, everything. It's just a game strategy. And she fell for it.

"Zero! " malakas niyang sigaw. Sa galit, sa sakit, sa katangahan, sa kabiguan. Halo-halo ang mga emosyon sa pagtawag niya rito.

Pero walang Zero na sumagot sa kanyang tawag. Walang Zeri na dumating para iligtas siya at sabihing hindi totoo ang lahat ng paratang.

No Zero came to answer all her calls. 

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon