Game Twenty Eight

47 1 0
                                    


       Mother

Naging ganoon ang trato sa kanya ng lahat sa loob ng ilang linggo. Madalas ay nagtatago na lang siya sa kwarto ni Madam Aurah para makaiwas sa ibang Casts.

Madalas na ang pambubully ng mga ito. Walang pinipiling lugar. May mamamatid sa kanya. Bubuhusan siya ng tubig, kape i kung anu-ano. Babangga sa kanya, may naglalagay ng thumbtacks sa ilalim ng bedsheet niya at kung anu-ano pa.

Pinakamalala ang huli.

Inabangan siya nina Nadine at iba nitong kasamahan. May dala silang gunting at cutter.
Sinubukan niyang umatras pero may tumulak sa kanya mula sa likuran. Sinarado nito ang pinto ng cubicle kaya hindi siya makalabas.

"Saan ka pupunta sa tingin mo? " tanong ni Nadine. Manlaban man siya ay talo siya. Tatlo sila at isa lang siya. Wala siyang laban.

"Ano na naman ang kailangan niyo? " tanong niya. Hinawakan ng dalawa pa ang magkabila niyang palapulsuhan.
"Bukas na ang auction. Kailangang maganda ang Ace! " malaki ang ngisi ni Nadine ang haqak na gunting. Ginupit nito ang ilang hibla ng mahaba niyang buhok. Ang isang nasa gilid niya ay pinutol naman ang strap ng suot niyang bestida.

Nagpumiglas siya pero hinila ni Nadine ang kanyang buhok. Sinubsob nito ang kanyang ulo sa saradong toilet bowl. Nakaramdam siya ng hapdi sa kanyang likod, braso at siko. Nanlaban siya pero hawak ng dalawa pa ang kanyang kamay mula sa likuran. May sumuntok sa kanyang likod, may sumipa sa kanyang binti kaya napaluhod siya.

Humalakhak si Nadine.

"Mayabang ka! Bakit dahil kinakampihan ka ni Madam Aurah?! " sigaw nito sabay sipa sa kanyang tiyan.

Dumaing siya sa sakit pero wala nng luhang tumulo. Pagod na siya. Pagod na pagod.

Kumalabog ang pintuan. Naroon si Madam Aurah at dalawang lalaking tauhan sa Casa.

Agad siyang binitawan nina Nadine.

"Nadine! Ano na namang-" hindi na natapos ni Madam Aurah ang sasabihin nang makita siyang nakaluhod, ang kanyang pisngi ay nakapatong sa saradong bowl. Pumikit siya ng mariin. Mahapdi ang ilang parte ng kanyang katawan at halos hubad na siya.

"Mariella? " tanong ni Madam Aurah. Mabilis siya nitong dinaluhan. Inalalayan siya nito sa pagtayo habang nakatingin lang sila Nadine.

"Ayos ka lang? " tanong nito.

Pagod siyang umiling. Nasasanay na siguro siya sa lahat ng uri ng sakit.

"Makakarating ito sa Master Grimm Nadine. Alam niyo ang batas ng Casa.

Hindi umimik si Nadine, tahimik din ang dalawa sa likod nito.

Inakay siya ni Madam Aurah papunta sa kwarto nito.

Wala siyang imik kahit panay abg tanong nito kung anong ginawa ng tatlo sa kanya.

Habang ginagamot ni Madam Aurah ang kanyang braso ay tamihik lang siya. Tinitingnan ang bawat dahan-dahang pagdampi ng bulak sa mga maliliit na hiwa sa kanyang balat.

"Hindi ka dapat lumapit pa kina Nadine. Bukas na ang auction at lalo tayong mahihirapan na makahanap ng kukuha sayo ng five million kung puno ka na ng sugat. " nakakunot ang noo ni Madam Aurahng pinapagalitan siya.

"Papatayin lang din nila ako, Madam. Dinadahilan lang nila ang auction. " sagot niya. Alam nilang lahat na masyadong malaki ang limang milyon para sa starting price.

Hindi na umimik pa si Madam Aurah. Pumunta ito sa likuran niya para ang mga sugat naman doon ang gamutin.

Tumigil ito at matagal na di nagsalita.

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon