Game Twenty One

64 3 0
                                    


                             Jealous


"Kuya Darwin!"lumapit siya kay Eclipse at ngumiti. Kinunotan lang siya nito ng noo.

"Why you always call me with that name?"tanong nito.

"Kamukha mo kasi siya."sagot niya. Gusto niyang idagdag na dahil sa pilat nito sa noo ay may pakiramdam siyang ito talaga ang nawawalang kababata.

"Nagdala ako ng prutas at groceries. Malayo ang kubong ito sa mga tindahan kaya malayo pa lalakarin niyo bago makabili ng kakainin. Baka mamatay kayo sa gutom dito. " sabi ni Eclipse.
"I know that. Nakalimutan ko lang dahil sa pagmamadali kaya hindi ako nakapag grocery."busangot na inagaw ni Zero ang plastik kay Eclipse at padabog na nilagay sa mesa.

"Hindi ko naman pinapapagutuman si Ri,kaya hindi ko alam kung bakit  mo pa kailangang sumunod pa rito. I can provide her what she want."

"You provided her crab when she's even allergic with it."mapanuyang bwelta ni Eclipse.

"Shut up! Hindi ko alam na allergic siya dun!"

Pumagitna na siya dahil nararamdaman niyang ano mang sandali ay may kamaong lilipad.

"Hindi ko naman sinabi sa kanya."protekta niya kay Zero.  Wait,dapat nga ay nagpapakampi siya kay Eclipse dahil nakakainis ang pabiting si Zero. Pero hindi naman niya pwedeng ikwento dito ang nangyari sa kanila sa falls.

"Whatever. Just be safe."lumambot ang ekspresyon nito. Tapos biglang nagdilim." Hinahanap na kayo ng mga tauhan ni lolo. " sabi pa nito. Tapos tumingin sa kanya."Yamerah saw her."ay lungkot na dumaan sa mga mata ng binata.

"That big mouthed bitch?! Nagsumbong-"

"Don't call her that!"mariing putol ni Eclipse kay Zero. Nahintakutan siya sa himig nito. Mabagsik. Hindi ang normal na kalmado nitong aurah..

"Don't tell me you're still crazy for that witch? Alam mong magkasalungat ang desisyon mo sa kanya. Sunud-sunuran yun kay Lolo."

"That'll change eventually. " hindi niya kilala kung sino  yung Yamerah pero may pakiramdam siyang isa yun sa mga babaeng nakita niya sa mansyon.

"Bahala ka. " tumalikod na si Zero at inayos sa kahoy ng cabinet ang mga grocery.

"Zero,kukuha lang ako ng tubig sa batis."paalam niya. Hindi na siya naghinitay na sumagot ito at kinuha na ang maliit na balde sa kusina.

"Samahan na kita."sumunod sa kanya  si Eclipse.

"Tumango lang siya at ngumiti. Bago sila tuluyang  makaalis ng kubo ay narinig niyang sumigaw si Zero.

"Don't you dare touch her ,Eclipse or I'll gonna kill you!"

Nahiya siya at napayuko samantalang natawa naman si Eclipse.

"His possessive,right?"natatawa nitong tanong.

Wala sa sarili siyang tumango.

******

Siya dapat  ang magsasalok ng tubig pero dahil nagpaka gentleman naman si Eclipse at ito na ang nagsalok at nagdala ng balde. Hindi naman yun malaki at kaya niya naman dahil sanay nan siyang mag-igib noong nasa puder siya ng tyahen pero hinayaan niya na lang ito.

Nakatingin siya kay Eclipse na nauna ng konting maglakad sa kanya nang maramdaman na may nakamasid sa kanila.

Lumingon siya sa likod pero wala nan siyang nakita kundi mga puno. Napalunok siya at pilit na lang naglakad. Binilisan niya ng kaunti ang paglalakad para makasabay si Eclipse. Seryoso lamang itong naglalakad at nakatingin lang sa daan.

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon