Angel and DevilKasalukuyan siyang naglilinis sa kusina nang pumasok rito si Zero. Gaya noon, naka all black na naman ito.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Bigla siyang nahiya, kahapon pa siya hindi nakakapagpalit ng damit. Nahihiya kasi siyang manghiram pa ng damit sa lalaki. Masyado na siyang pabigat. Wala na rin siyang ibang susuotin dahil naiwan niya ang mga gamit niya sa casa.
"Hindi ka manlang ba naligo? " nagulat siya nang hapitin siya nito sa baywang at amuyin ang leeg niya. Nakikiliti siya sa ilong nitong hahagod sa balat niya. "Amoy paksiw ka na. " nahiya naman siya sa sinabi ng binata kaya marahan niya itong itinulak palayo.
"Pasensya na-Ah!" pero hindi siya hinayaan nito. Bagkus ay hinila siya nito pabalik at mabilis na sinibsib ang isang parte ng kanyang leeg. Napasinghap siya sa ginawa nito. Nawawalan siya ng lakas para itulak ang lalaki. Patuloy ito sa kanyang ginagawa nito hanggang sa maramdaman niya ang iniwang marka ng pagsipsip nito sa kanyang balat. "Ang sarap mong papakin. " bulong nito sa tenga niya bago siya nito bitawan.
Sumandal siya sa counter ng kusina para hindi tuluyang matumba sa panghihina. Nanginginig ang kanyang mga tuhod.
"Mag-ayos ka. May pupuntahan tayo. " sabi nito bago tumalikod at lumabas.
***********
"Kailangan ko ba talagang sumama. Dito nalang ako maghihintay. " hindi sa gusto niyang magpabebe sa binata o anupaman.
Dahil sa suot niyang malaking t shirt at boxer shorts na pag-aari rin ni Zero, idagdag pa na nakatsinelas lang siya. Mukha siyang bagong ginahasa. Naka messy bun din ang buhok niya. Alam niyang hindi katanggap tanggap ang itsura niya para pumasok sa mall."Kailangan mong sumama. How can I get your body measures right?!" hinatak siya nito palabas sa kotse. Hinatak niya ang kamay niya mula rito, napalakas yata kaya nabitawan siya nito at napasalampak siya sa sementasong sahig ng parking area.
"Dito lang sabi ako. " para siyang tanga na nakanguso at nakasalampak sa sahig. Alam niyang mukha na siyang katawa-tawa ngayon.
Nagulat siya nang hubarin ni Zero ang leather jacket nito at itabon sa ulo niya. Saka siya nito Binuhat nang paharap. Para siyang baby. Baby damulag.
"T-Teka! Ibaba mo ko! " pinilit niyang bumaba kaya iniangat lalo siya nito at isinampay siya sa balikat nito na parang wala siyang bigat.
"Kapag nagpasaway ka pa, di ako magdadalawang hambalusin ka! " natakot siya sa banta ng binata kaya tumigil siya.
Nakayuko man siya at may nakatalukbong na jacket sa ulo, ramdam niya ang mga matang nakatitig sa kanila. Pumikit siya nang mariin. Mas nakakahiya pa kasi ito kesa sa paglalakad sa loob ng mall na may bagong-rape look.
"Sir, ano po 'yan? " rinig niyang sabi ng isang lalaki. Tiningnan niya ang sapatos nito. Di man siya tumingala, alam niyang guard yun.
Mukha nga naman kasi talaga silang kahina-hinala dahil bitbit siya ni Zero na parang bag lang na nakasukbit sa balikat nito.
"Look, may social disorder ang asawa ko. Hindi siya sanay sa lugar na maraming tao. " pagdadahilan ni Zero sa guard.Dapat ba siyang kiligin dahil tinawag siya nitong "asawa" o dapat siyang mainis dahil sa dahilan nitong may "social disorder" siya?
Nakita niyang naglakad ito palapit sa kanila.
"Ganun po ba? Sir, wag niyo sanang mamasamain pero pwede po ba naming macheck kung buhay --""Manong guard, buhay pa po ako. " agad niyang inangat ang ulo at bahagyang hinawi ang jacket na nakatabon sa kanyang mukha.
"Okay, " saad ng guard at saka sila hinayaang makapasok.
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...