Hidden ParadiseTumulong ang lahat sa paglalagay ng mga pagkaing dala sa maliit na mesa sa gitna ng cottage nila.
"Maliligo na kami! " excited na paalam ni Ivo at mabilis na tumakbo para makapagdive. Nagtawanan sila sa malakas na pagbagsak nito sa tubig.
The krystal clear water excites her to swim. Sumunod naman si Karen at Max sa pagdive. Ganoon din si Zero. Lahat ng lalaki ay naka board shorts lamang atnsi Karen ay naka pulang string bikini pero hindi nito hinubad ang suot na puting shorts.
Nakangiti siya habang tinitingnan ang mga itong parang bumalik sa pagkabata habang naglalaro sa malinaw na tubig.
"Alam mo ba kung bakit Tinago ang tawag dito? " tanong sa kanya ni Ninybel. Napalingon siya rito na may kung anong tinitingnan sa hawak na cellphone.
"Bakit nga ba? " tanong niya.
"It is also called as hidden paradise. Hindi lang dahil sa malayo pa ang lalakbayin mo para marating ito. May alamat din tungkol dito. " sabinpa ni Ninybel.
Umupo siya sa tabi nito at ngumiti.
"Gusto kong marinig. " interesado noyang sabi.
She really like Legends back then.
Ngumiti si Ninybel at itinabi ang hawak na cellphone. Direkta ang tingin nito sa talon.
"Noon, ay may isang kaharian na nasa pinalatago-tagong parte ng lugar. Pinoprotektahan ito ng magandang kalikasan ngunit pinamumunuan ito ng isang malupit na hari. "
"May mga taong nag aklas dahil sa kalupitan nito pero sa twing haharap ang hari sa kanila, matatahimik sila at natatakot na magsabinng kanilang hinaing.
Hanggang isang matandang lalaki ang naglakas ng loob na sigawan ang hari. Pinaratangan niya ito ng pahiging sakim dahil sa pagkuha ng kanilang kita at pagiging makasarili.
Nagalit ang hari at tinawag ang mga kawal. Ang sunod na lamang nilang nakita ay nakahandisay na ang matanda, pugot ang ulo. "
Kinuyom niya ang kamao. Hindi siya dapat apektado dahil alamat lamang iyon pero sa kaloob looban niya'y kinamumuhian niya ang mga taong sakim sa kayamanan at tanging kalupitan lamang ang ipinamamahagi.
"May babaeng umiyak, anak ng matanda at isinumpang magdurusa ang hari kasabay ng kaniyang kaharian. Pagkatapos ay naglaho ang babae kasama ng bangkay ng kanyang ama.
"Kinabukasan, dumanas ng pinakamababagsik na bagyon ang kaharian. Walang araw na suminag at tanging malulupit na hangin at walang humpay na ulan ang hatid ng langit sa kaharian. Maraming namatay sa gutom dahil sa kakulangan ng pagkain. Sinubukang tumakas ng ilan pero walang sinuman ang buhay na nakalabas ng kaharian. Na tila ba may harang na nakapalibot sa kaharian.
Hindi malaman ng hari ang gagawin. Hindi niya magagawang pahupain ang bagyo. Nagsimula siyang manalangin pero naisip niya. Paano siya pakikinggan kung naging malupit siya sa mga nagdaan na panahon?
Sa pag-iisip niya ,isang batang babae ang lumitaw. Ngumiti ito sa hari at humingi ng makakain.
Nagulat ang hari, dahil sa unang pagkakataon. Isang nilalang ang tiningnan siya ng walang halong galitno takot sa mga mata. Gayong isa siyang malupit na halimaw sa lahat. Tinanong niya ang bata kung bakit hindi ito natatakot. At ang sagot nito, bakit siya matatakot e mukha namang mabait ang hari. Natuwa ang hari sa bata kaya binigyan niya ito ng pagkain.
Bago umalis ang bata ay may sinabi ito:Ang paghingi ng tawad ang makakaresolba ng lahat ng problema.
Kinabukasan, sa unang pagkakataon matapos ng mahabang panahon. Ang araw ay sumikat sa kaharian. Dqhil sa galak ay nagkaroon ng isang handaan. Ang salu-salo ay hinanda para sa muling pagsikat ng araw, umanoy pagpapatawad ng langit.
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...