Game Forty Three

38 1 0
                                    


                          Let Go

Tumawag sa kanya si Lady H at nang malaman nitong masama ang pakiramdam niya ay pinasundo kaagad siya nito kay Alfons. 

Nakatulog siya sa byahe kaya hindi na ito nakapagtanong ng kung anu-ano sa kanya. 

Tinanong siya ni Lady H kung anong nagyari pero sinabi niyang masama lang talaga ang pakiramdam niya.  Hindi na naman ito nangulit pa.

Alas diyes na siya nagising kinabukasan.  Naligo siya at nagbihis.  Wala siyang ganang pumasok sa opisina kaya tumawag na lang siya kay Denyce para sabibing may sakit siya. 

Maingay ang sala nang bumaba siya. 

"O, Mariella.  Mabuti at gising ka na. " salubong ni Lady H sa kanya na may kargang bata. 

Tinitigan niya lamang ang batang karga ng babae.  Tinitigan din siya ng bata at ngumiti ito.  Sa hula niya'y mahigit isang taong gulang na ito. 

Sa tuwing nakakakita siya ng batang hindi nalalayo sa dalawang taong gilang, naaalala niya ang nawalang anak.  Iniisip niya laging maaring malaki na ito kung hindi ito nawala noon.  Sumisikip ang dibdib niya dahil sa sakit at panghihinayang. 

"Ay, Baby Sabel, say hi to Tita Mariella! " ginalaw nito ang maliit na kamay ng bata at winagayway. Ngumiti ng mas malawak ang bata.

"Kanino pong anak? " tanong niya at kinalabit ng kanyang daliri ang matamab nitong pisngi. 

"Ako na po kay Sabel, ma. "
Napalingon siya sa babaeng lumapit kay Lady H. 

Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. 

Nagkatitigan sila.

She's sure, she was the girl in the Ripper's mansion.  The one who saw her bukod kay Yamerah.  Mas maikli lamang ngayon ang hanggang balikat na nitong buhok pero sigurado siya ito iyon. 

Alangan itong ngumiti sa kanya.  Hindi naman siya makangiti pabalik. 

"Ang cute ng apo ko ano? " tanong ni Lady H nng mapansin ang awkwardness ng kanilang tinginan. 

Nilingin niya ang ginang. 

"Apo? "

Ngumiti lamang sa kanya ang babae.

"Ma, amin na si Sabel at baka pinapagod ka.  " lumabas mula sa kusina ang isang pamilyar na lalaki.

Lumapit ito sa babaeng may karga na ngayon sa bata. 

"Mariella. " ngumiti ito sa kanya. 

Yeah. 

"Soul, " aniya.

Dalawang taong nang nakalipas, noong bago pa lamang siyang kupkop ni Lady H mula sa trahedya.

Isang lalaking basang -basa ang bitbit ng isang body guard nito.  Halos wala na itong buhay kaya iniisip niyang bakit hindi na lang nila ito dinala sa ospital. 

Nakita niya noon, kung paanong umiyak si Lady H habang tinitingnan ng kanilang personal na doktor ang lalaki. Kung paano ito nag-aalala rito.

"Bakit hindi niyo nalang po siya dalhin sa ospital? " wala sa sarili niyang tanong.  Takot pa rin siya noon sa ginang dahil hindi naman niya ito lubos pang kilala. 

Mapait na ngumiti ang ginang habang masuyo pa ring nakatingin sa lalaki. 

"Kagaya mo, mas ligtas siya kung narito siya. " sabi nito.

"Madam, maayos na po siya.  Normal na po ang mga vital signs niya.  Kailangan niya lamang ng pahinga. " sabi ng doktor at tumayo na. 

"Thank you, " ani Lady H. 

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon