Game Ten

108 1 0
                                    

                                Dean

Nagising siya sa di pamilyar na paligid. Mabango ang kama at kulay lila ang paligid. Luminga-linga siya at pilit inaalala kung nasaan siya.

Ang huli niya lang natatandaan ay pumunta siya sa bar. Uminom ng vodka.

"Gising ka na? " napalingon siya sa pinto kung saan nanggagaling ang boses ng isang babae. Naalala niya bigla ito. Ito ang babaeng may mahaba at maalong brown na buhok na may ash highlights sa dulo.

"Nasaan ako? " tanong niya.

Tumaas ang kilay nito at ngumisi.

"Dear young lady, welcome to heaven. " the woman expanded her arms as if welcoming her to the place.

Lumaki ang mga mata niya "Ano?! " lokaret ba ito o ano? Anong heaven ang pinagsasabi nito?

Tumawa ito nang malakas.

"Tanga! Syempre wala ka sa langit! Heaven doesn't exist in the first place. Nasa kwarto kita. Uminom ka pa kasi kagabi at nagkalat sa bar samantalang nilalagnat ka." sagot nito saka sumeryoso ang mukha.!". And you owe me something. " sumandal ito sa pader at tumitig sa kanya.

Tumayo siya at inayos ang sarili.

"S-Salamat sa tulong mo pero kailangan ko nang--" natigilan siya nang hawakan nito ang braso niya. Hindi niya alam kung sinasadya ba nito o hindi pero nasaktan siya sa mahahaba nitong mga kuko. Pakiramdam niya nga ay walang karapatan ang kanyang balat na madampian ng mga iyon dahil sa ganda ng kamay nito at sa bagong manicure na mga kuko nitong alam kung di biro ang halaga.

"Where do you think you're going? " tinaasan siya nito ng kilay at hinagod ng tingin ng kabuuan niya. Pakiramdam niya ay napaka mapanghusga ng mga tingin nito.

"Aalis na ako. Salamat sa--"

"At sinong nagsabi ko sayo na pwede kang umalis kaagad?! " tumaas ang boses nito at lalong humigpit ang kapit nito sa kanyang braso. Bumabaon sa kanyang balat ang mga kuko nito.

Agad niyang hinila ang sariling braso palayo rito. May mga bakas pa ng kuko nito na naiwan sa kanyang balat.

"What do you want?! " naiirita niyang hinaplos ang nakalmot niyang braso at nakipaglaban ng titigan dito.

"I just need you to do me some favors. " ngumiti ito ng pagkatamis tamis.

Pero alam niyang may di magandang plano ito sa likod ng matamis na ngiti.

*******

"Saan ka ba pupunta? " tanong niya rito. Tumigil ito sa pagkalikot ng phone at nilingon siya.

"Just shut your mouth. Don't worry, pagkatapos nito, malaya ka na ."

Hindi niya alam kung ano ang plano ng Dean na ito pero alam niyang hindi ito maganda. Hindi rin niya alam sa sarili niya kung bakit para siyang tangang nagiging sunud-sunuran sa mga mapanggamit na tao sa paligid niya.

Una ang tyaheng niya,

Tapos si Zero, nagyun naman ay si Dean.

Ito ba ang silbi ng isang Nina Mariella? Ang maging sunud-sunuran sa mga taong mapagsamantala sa kahinaan ng iba.

Huminto sila sa likod ng isang building sa tabi ng puno ng acacia.

"Here's what you're going to do. " hinawi nito ang mga hibla ng buhok niya na nakatabon sa mukha niya saka inipit ito sa likod ng kanyang tenga.

Napalunok na siya nang ngumiti ito ng malawak. Alam niyang may nakatagong masamang plano sa likod ng matamis na ngiti nito.

"You just need to find this guy. " ipinakita nito sa kanya ang screen ng cellphone, kung saan nakalagay ang picture ng isang lalaking nakasalamin at nakangiti. Clean cut din ang buhok nito. Sa tingin pa lang niya ,alam niyang matinong lalaki ang nasa litrato. Yung tipong hindi gagawa ng katarantaduhan. Di gaya ng babaeng nasa harapan niya ngayon, na sa ngisi pa lang nito at sa pagpalakpak effect na parang batang excited ito sa mga susunod na mangyayari.

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon