Game Thirty Four

43 2 0
                                    


Rumor

Hindi maganda ang timpla ng mukha ni Alfons nang pumasok ito sa kanyang opisina. Nakatanggal ang unang dalawang butones ng suot nitong long sleeve polo shirt na nakatupi ang cuffs hanggang sa siko.

She apologetically smiled at him dahil alam na niya ang dahilan nang pagbubusangot nito.

"Alfons, maaga ka sa usapan. " panimula niya at isinarado ang folder na hawak. Ipinatong niya iyon sa ilang papeles na naka file at tumayo para lapitan ang binata.

Umupo ito sa couch at humalukipkip. Tinabihan niya ito. Pulang-pula ito sa namumuyos na galit at tila sasabig anumang oras.

" I don't like how your employees treat you, Mariella. You are a good leader to them. Kahit kakaupo mo palang sa pwesto mo ngayon ay marami ka nng nagawa sa kumpanya. To have closed many deals at napagtagumpayan ang ilang projects. Wala ba silang utang na loob at may pinagkakalat pang chismis tungkol sayo? " pagalit nitong sabi saka mahigpit nahinawakan ang kanyang mga kamay. "They know nothing, Mariella, so you don't deserve to be treated like this. " puno ng pag-aalala ang mga mata ng binata kaya nalulungkot siya. Nalulungkot siya dahil nag-aalala ito ng lubos sa kanya. Mula pa noong nagpakalayu-layo siya at nagsimulang buuing muli ang sarili ay naroon na ito para suportahan at mahalin siya. Nakakalungkot na hindi niya magagawang suklian ang pagmamahal na iyon.

"Don't worry. Rumors will go, kung ano man yun. Lalo na't hindi naman totoo. " pinisil niya ang kamay nito. Tumitig si Alfons sa kanya. Ngumiti lamang siya. "And like what you've said, wala silang alam sa lahat ng pinagdaanan ko. Kaya bakit ko sila iintindihin. Ang importante ay hindi totoo. " nakangiti niyang sabi. Umaasang sana ay mapawi na ang galit nito.

Lalong humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay. Umangat ang kamay nito sa kanyang mukha at marahang hinaplos ng hinlalaki nito ang kanyang pisngi.

" I've never been wrong with you, Mariella. You're beautiful inside and out. " he said and moved closer. Nataranta ang sistema niya. Hangga't maaaari sana ay iniiwasan niya ang ganitong mga pagkakataon. Dahil ayaw niya nang dagdagan ang sakit na ibinibigay niya kay Alfons. Gusto noyang tanggihan ito pero ayaw niyang mabastos ito. Kadalasan, humahanap siya ng excuse para iwasan ito. Maybe, a file to review, a call on her phone? But her fucking phone just won't ring by itself.

Bago pa man lumapat ang labi ng binata sa labi niya ay may tumikhim ng malakas.

Palihim siyang nagbuga ng hangin. It's a relief. Kahit pa mukha ng taong kinababanasan niya ang nasa pintuan. Nakasandala sa hamba nito at may dalang mga papeles.

"Miss Martinez, dala ko na yung mga report sa project natin. " taas kilay na sabi ni Zero.

Tumayo siya at tinanggap ang mga papel at kunwari ay binasa. Tila ayaw pa ngang pakawalan ni Alfons ang kanyang mga kamay nng tymayo siya.

Masama naman ang tingin ni Zero sa mga kamay nila . Nakakunot ang noo nito at nakatikom ang bibig. Ilang beses niyang nakiya ang paggalaw ng panga nito.

"Bakit? Nakakaistorbo ba ako? " nakakunot na ang noo nito at halos magdugtong ang mga kilay.

" I'm just telling you. You can just give it to my secretary para iabot sakin. " iritado niyang sagot.

Pumalatak ito. Lumingon ito kay Alfons na lumapit naman sa kanya. Alfons hand snaked on her waist. Matalim rin ang tingin nito kay Zero.

"Matagal ka pa ba, Mariella? I'm hungry. " bulong ni Alfons sa kanya. " hindi niya matanggal ang tingin kay Zero na nakatutok ang tingin sa kamay ni Alfons sa kanyang baywang. He fliched like he's being hurt. Irritation is also evident on his face.

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon