Game Thirty

56 1 0
                                    

                           Everything

Walang lakas siyang naglalakad sa malamig at tahimik na kalsada.  Hinubad niya ang kangyang sapatos kaya ramdam ng kanyang hubad na mga paa ang lamig ng sementadong daan..

Malayang tumutulo sa kanya ang mga luha. Masakit ang kanyang buong katawan. She's exhausted all over.  Pagod siya sa lahat ng kamalasan at sakit.  Pagod siya sa lahat ng luhang tumulo sa kanyang mga mata.  Pagod siya sa pusong gusto nang mamanhid.

Pagod na pagod na siya. 

Paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang alaala ng kanyang ina.  Nang mawalan ito nang buhay sa harap niya lang mismo. At wala siyang nagawa. 

Umiyak siya nang malakas.  Paulit-ulit pero hindi na yata siya matatapos sa pag-iyak.

Ang kanyang iyak ay rinig sa buong tahimik na kalsada.  Tanging pag-iyak niya lamang ang namumutawi roon.  Humagulgol siya sa pagkawala ng lahat sa kanya. 

Pinagmasdan niya ang kanyang hita na may bahid ng dugo. Ang dugong tumutulo roon ay ang nagsasabing wala na ngang natitira sa kanya. 

She already lost everything.

Ang tahimik na buhay na agad ring natapos nang ibenta siya sa Casa ng walang pusong tyaheng.

Ang lalaking mahal niya, na itinapon lamang siya sa Casa.

Ang kanyang tunay na inang kakakilala pa lamang niya. 

Ngayon, ang magiging anak sana nila ni Zero.

Bumulahaw siya nang iyak. 

She screamed in frustrations.  Malapit na siyang takasan ng bait.  Pagod at wala nang lakas pang natitira sa kanyang buong katawan. 

Isang liwanang ang papalapit sa kanya.  Tumitig siya roon hanggang sa lumpait pa ito lalo.  Isa iyong itim na sasakyan. 

Nasisilaw siya sa headlights nito pero nanatiki siyang nakatayo sa gitna ng daan. 

Kung mamamatay siya ngayon, ayos lang.  Wala na namang mawawala pa sa kanya.  She already lost everything important in her life.  Now she has nothing left and she's alreadyntired of all of this. 

Pumikit siya at hinayaang lamunin siya ng nakabubulag na kadiliman. 

------

This is really a short update.  Mian.

-RP

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon