Second Escapade
Mabilis ang mga kilos ni Zero habang inilalagay nito ang mga gamit nila sa isang malaking travel bag.
Nakamatyag lang siya rito habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Don't just look at me,Ri. Magbihis ka na, aalis na tayo rito. " saka nito hinila ang jacket mula sa pako sa dingding.
"Bakit tayo aalis? Susunduin rin ba tayo ni Eclipse? " sunud-sunod niyang tanong.
Zero just throw her dagger looks.
"Bakit ba puro ka tanong?Kumilos ka na nga lang at magbihis ka na! " pasinghal na utos nito. Kumunot ang noo niya. Ang pagkakatanda niya ay nagsorry na siya kagabi. Sinabi niya na ring kahawig ni Eclipse ang kababata niya sa ampunan kaya malapit ang loob niya rito. Bakit sinusungitan pa rin siya nito?
Nakasimangot naman siyang nagpalit ng damit at nagligpit ng iba pang gamit.
Hindi naman ito ganito kagabi pero nang may tumawag dito kaninang umaga ay biglang sumama na naman ang timpla nito.Tahimik silang pareho habang nasa byahe. Nakikita niyang Panay ang sulyap ni Dark gamit ang rearview mirror. Ilang beses din itong tumikhim. Si Zero rin at nahuhuli niyang sumusulyap gamit ang side mirror mula sa passenger's seat at iniirapan niya lang. Kung bakit kasi siya sinusungitan nito kahit Hindi niya alam ang dahilan.
"May LQ ba rito?"tanong ni Dark kagit deretso lang ang tingin sa daan. " Mas malamig pa ang hangin niyo kesa sa air con ng kotse ko e. Nahihiya tuloy ako niyan. "saka ito mahinang tumawa. Alam niyang sinusubukan niyang pagaanin lang ang hangin sa pagitan nila ni Zero pero umirap lang siya. Nakita niya namang siniko ito ni Zero.
"Magdrive ka nalang diyan. Gago."saka ito tumuwid muli ng pagkakaupo.
" Aray,ha. " natatawa pa ring sabi ni Dark pero wala namang idinugtong.
"Saan ba tayo pupunta? " tanong niya. More on Dark than Zero dahil ni hindi niya manlang ito kayang lingunin.
"Driver lang ako, tanungin natin si Boss. " nakangisi namang sagot ni Dark.
Sa gilid ng mga mata niya, nakikita niyang nakatitig sa kanya si Zero mula sa side mirror. Tumikhim siya at dumungaw sa bintana ng kotse.
"Para kayong sementeryong dalawa. " komento ni Dark na nakatingin ng deretso sa daan.
Ang totoo ay ayaw niyang makipaglaban ng sungitan dito. Dati kapag sinusungitan naman siya ng tiyaheng niya ay okay lang sa kanya. Kahit nga sinasaktan na siya nito, ni hindi manlang siya gumaganti o nagrereklamo.
But Zero treating her coldy, naiinis siya. Hindi rin naman sweet si Zero sa kanya kahit pa noon pero basta naiinis din siya.
"Sa resort ko. Hindi alam ni lolo roon kaya mukhang magtatagal kayo doon. " paliwanag ni Dark. Medyo malayu-layo pero hindi ka naman mabobored doon Ri. May beach naman, so it's more like a vacation than an escapade. " dugtong pa nito. Napangiti naman siya. Hindi pa siya nakakapunta sa kahit saang beach, hindi naman kasi siya dinadala doon ng tyaheng at lalong hindi pinapayagan tuwing may outing ang mga kaklase niya.
"That's Zero's idea. Ang sweet ano? " malaki ang ngising sabi nito. Nang-aasar na naman.
"Just take a nap there. " sabi ni Zero. Nilingon siya nito. "Malayo pa ang byahe kaya umidlip ka muna. " sweet sana kung hindi nakakunot ang noo nito at nakasimangot sa kanya.
Umirap lang siya.
Pumalatak ito.
" I wonder where she learned that. " sabi nito kay Dark. Baka tinutukoy yung pag-irap niya.
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...