Falls
Alas sais pa lang ng umaga ay puno na ng mga tao ang kalsada. May ilang rutang isinara at iyon ay ang mga rutang dadaanan ng parada.
Maaga silang gumising dahil dumaan pa silang lahat sa simbahan. Ang Cathedral ay puno rin ng mga tao, alas sinco pa lamang.
"Viva Senior! Viva Senior! " nakikisabay ang kanyang mga kasama sa sigawan ng mga nagpaparada. Sa tantya niya ay mahigit labing lima ang mga Baranggay na dumalo sa naturang parada. May makukulay na mga props at costumes ang bawat baranggay. Pero pinaka highlight ng mga ito ay ang mga gumaganap na Senior San Miguel, ang arkanghel na tumalo sa demonyo.
Nang tumigil ang isang grupo sa tapat nila ay nagsigawan ang ilang dalaga. Gwapo rin kasi ang gumanap na Senior San Miguel ng baranggay na iyon. May isa sa mga iyon na hula niya ay estudyante pa ang nakasiko sa kanya. Umatras siya para hindi matamaan ng kalikutan ng mga nasa harap pero dahil masikip ay naiipit lang siya.
Naramdaman niyang may sumiksik sa likuran niya. Humawak ito sa kanyang maglabilang balikat kaya't nilingon niya ito.
Nakatingin ng deretso sa parada pero nakapirmi ito sa likod niya, hawak ang kanyang mga balikat.
Nagtatawanan ang dalawang babaeng estudyante sa kanyang harapan at bahagyang nagtulakan. Bago pa siya matamaang muli ng siko noong isa ay mabilis na tinapik iyon ni Zero. Nagulat siya, ganoon din ang babae na nakaismid siyang nilingon. Yumakap si Zero mula sa likuran niya at ipinatong ang baba sa kanyang ulo.
She stiffened at that. Tiningnan naman ito ng dalawang babae at nahihiyang tumalikod.
"Sayang, taken. " narinig niyang sabi nung isa.
Nagpatuloy ang parada at ang panonood ng mga tao. Pero hindi siya makapag focus sa magaganda at makukulay na props at costume sa parade dahil lumilipad ang isip niya. Hindi siya komportable sa mabilis at malakas na kalampag ng kanyang puso habang yakap-yakap siya ni Zero mula sa likuran.
Nakita niyang nakatingin sa kanila si Ninybel nang lumingon siya rito. Nakangisi itong sumenyas sa kanya na sumunod. Tapos na rin kasi ang parada at kailangan nilang pumunta sa City Hall kung saan gaganapin ang paligsahan ng mga baranggay sa pagrerepresent ng mga sayaw para ipakita ang nga eksena ng Diyandi. Para iyong drama, pero in a dance. Ipapakita nila ang pagliligtas ng Senior San Miguel sa kanilang mga tribo.
Bago nila marating ang city hall, dumaan sila sa napakahabang hagdan paakyat. Noong una ay kumakanta pa si Karen pero nang mangalahati sila ay nanahimik ito. Na umani naman ng pang-aasar kay Ivo.
"Oh, Karen. Buhay ka pa ba diyan? Andami. Mo kasing kinaing lechon kagabi. Ayan tuloy, di mo na kaya yang katawan mo. " tumawa pa ito pero natigilan nang matamaan ng binatong pamaypay ni Karen.
"Will you shut that talkative mouth?! " sigaw ni Karen sabay bato naman nang kung anong madampot.
Nagtawanan sila. Siya naman ay huminto sandali at sumandal sa pader at nameywang para magpahinga.
Nakita niyang bumaba si Zero na nauuna sa kanilang maglakad. Para bang hindi ito napapagod. Nakatingin sa kanila ang ilang kasama.
Yumuko ito at dinungaw siya nang isang hakbang na lang ang pagitan nila.
Tiningala niya naman ito at nagtaas ng kilay.
"Pagod ka na? " tanong nito at inabutan siya ng bottled water.
Lalong tumaas ang kilay niya at nagpatuloy sa paglalakad para lagpasan ang binata.
"I'm fine. " tumakbo siya paakyat para maabutan ang ilang kasamahan.
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...