Game Nineteen

73 1 0
                                    


                            Allergy

Maliwanag na nang imulat niya ang mga mata. Hindi pa lubusang lumalabas ang araw pero ang pangmadaling araw na liwanag ay sapat na para makita niya ang kabuuan ng maliit na kubo.
Huminga siya ng malalim saka sumilip sa ibaba ng papag,kung saan naglalatag ng banig at natutulog si Zero.

Wala na ito doon.

Bumangon siya at tinupi ang kumot. Nakanunot ang noo habang iniisip ang sitwasyon.

May pera si Zero.Kung tutuusin ay kaya nitong manatili sa kahit saang five star hotel kung saan malalambot ang kama at air conditioned pa. Pero nandito siya ngayon, sa gitna ng gubat, sa isang liblib na lugar at nakatira sa isang maliit na kubo. Nagtitiis na matulog sa kawayang sahig kung saan manipis na banig lamang ang sapin.

Dahil lang kailangan nilang takasan ang matandang iyon. Dahil lang sa kanya.

Naikuyom niya ang mga kamay. Ang bigat ng kanyang dibdib ay hindi nakakatulong sa kanya upang maayos na makahinga.

Naiangat niya ang paningin nang tumunog ang kahoy na pinto at marinig ang mga yabag sa kawayang sahig ng kubo.

Ngumiti si Zero at nag-angat ng isang supot na dala .

"I brought our breakfast."nakangiti itong naglakad palapit sa maliit na mesa.

She can't even smile back.

Yumuko siya at huminga ng malalim.

She's like drowning,sighing and trying to find away to breath lighter. Umaalpas sa lahat ng lumulunod sa kanya. Fear. Guilt.

"Sorry,"

Tumaas ang kilay nito at lumapit sa kanya.

"Is there any problem?"

Ang mainit na butil ng luhang kanina niya pa pinipigilan ay tuluyang nakawala.

There's really a problem. A problem named Ri.

"Sorry.." she wanted to apologise for giving him this. For having themselves isolated in the middle of the forest dahil lang sa nakita niyang kidnapping noon. Kung hindi lang kasi matigas ang ulo niya.

"Shh."hinapit nito ang kanyang likod at dinala ang kanyang mukha sa matigas nitong dibdib.
"Ano bang hinihingi mo ng tawad?"nahihimigan niya ang iritasyon sa boses nito. Kung sabagay it is only what she can bring in anybody's life. Irritation and misfortune.

"Dahil sa akin nagtitiis ka."huminga siya ng malalim. Trying to calm herself by dulging on his manly scent. "Nagtitiis ka tuloy sa ganitong klaseng bahay, ni hindi maayos ang tulugan mo."

He chuckled.

"Being in a quiet place with no one else but you? It's fine. I like it,actually."she can see his playful grin even by just hearing his voice.

Lumayo siya ng kaunti. He give her a kiss on her forehead and smiled.

"Tama na yang drama. Kain na tayo."

Napatitig siya sa pagkaing nasa mesa.

She don't eat crab pero dahil nag effort si Zero sa pagbili nito mula sa pinakamalapit na baranggay sa talon ay ayaw niyang tanggihan iyon.

She don't want to be rude. Lalo't alam niya ang tunay na ugali ni Zero.

Well,it's really confusing. Na bigla na lang paggising niya isang araw,ang mapaglaro at malupit na si Zero ay magiging maalaga at malambing. Kung nagpapanggap man ito,hindi niya alam kung para saan. Wala naman itong mapapala sa tulad niya.

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon