Surrenders"Ma'am, natanggap niyo na po ba ang mga files? In-email ko na po sa inyo. " sabi ni Danyce nang pumasok ito sa kanyang opisina.
Tumango siya at chineck ang mga sinasabi nitong files.
"Yes, Denyce. I'll review this later. " sabi niya bago i save ang ilang files na kakatapos niya pa lang.
"Uhm, may pupuntahan po ba kayo ma'am? Wala naman kayong scheduled meeting ngayon. " tanong ng kanyang sekretarya at chineck ang kanyang schedule.
"Yup. I'm meeting someone. Bakit may problema ba? " tanong niya. Sinukbit niya ang bag pagkatapos patayin ang computer.
Ngumiti ang sekretarya at umiling.
"Wala naman po. Have a nice day, ma'am. "
Nginitian niya ito.
"Thank you. "
Her day started right. Natapos niya na ang ilang tambak ng gawain. May mga bagong closed deals at ilang matagumpay na proyekto.
Just last week, she was featured in a magazine as one of the top females in business industry.
At ang balitang dumating sa kanya tungkol sa pangingibang bansa ni Dean. Malamang ay dahil sa hiwalayan nito at ni Apollo.
Wala pa siyang balita tungkol kay Dark pero ayun sa private imbestigator niya. Wala na sa puder nito si Ayu. Bumalik na ito sa pamilya niya.
Bago pa siya makalabas ng building ay nakita niyang naglalakad palapit sa kanya ang isang pamilyar na babae.
Balingkinitan at chinita ang mga mata. Makinis ang maputing balat nito ay hapit ang kulay maroon na tube dress nitong suot.
Scarlet.
Kumunot ang noo niya ng ngumiti ito sa kanya.
"It's nice seeing you again, Mariella? " bati nito sabay ngisi sa kanya.
Plastik siyang ngumiti. Imitating what tge bitch infrint of her is doing.
"Yeah. Thought I'm already dead? " inilahad niya ang kamay rito.
Nakita nita ang galit sa mapupungay nitong mga mata. Tumaas ang kilay nito.
"Bakit nga ba hindi pa? " now. The bitch removed her mask. Mas gusto niya ng ganito.
Tumawa siya.
"I'm gone from it. And I have risen from hell to meet you all again. " binawi niya ang kamay ng marealise na wala itong balak na tanggapin iyon. Kung sabagay, baka payin niya ang mga buto nito sa daliri kung sakali. "Wag kang mag-alala, may pasalubong ako galing impyerno. " sabi niya.
Nawala na ng tuluyan ang ngiti nito.
"So you're back para habul-habulin ulit si Zero? " humalukipkip ito. "Naikwento niya sa akin na bumalik ka na raw. "
"Really? " may panunuya niyang sabi pero ang totoo parang kinukurot ang puso niya. So nagkikita pa rin ito at ang binata. At anong ginagawa nila tuwing magkasama?
"So, marami ngang nagbago sayo. You look like a classy lady. Hindi halatang galing ka sa Casa. "
Nagtangis ang kanyang mga bagang.
"But I bet inside that new image, you are still the same pathetic girl na naghahabol kay Zero. Wala pa ring nagbago ano, tanga ka pa rin? "
Pinipigilan niya lang ang sarili na sampalin ito. Kung may makakakita sa kanyang nananakit at naunang manampal, mapapasama siya.
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...