Problems, Problems
Maingay. Magulo. Masikip.
Ang totoo'y ayaw niya ng mga ganitong lugar. Kahit pa minsan na siyang makapagtrabaho sa bar na pinapasukan ni Dean noon.
Ayaw niya pa rin ng atmosphere rito.
"Zero,ipakilala mo naman kami sa kasama mo."may matangkad na lalaking gray ang buhok ang umupo sa pwestong katapat ng inuupuan niya at tinapik si Zero. May kayakap din itong isang babaeng halos nipple na lang ang natatabunan sa sobrang baba ng clivage ng suot na damit.
"I'm Cyrus. " nakangiti nitong nilahad ang kamay sa kanya.
She smiled back. Tatanggapin na sana niya ang kamay nito at makikipag shake hands nang tabigin iyon ni Zero.
"She's mine,Cyrus."seryoso nitong sabi at hinila pa siya lalo palapit.
"Woah! Easy lang Zero,wala kong balak agawin yang chicks mo,nakikipagkilala lang ," itinaas nito ang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis.
"Then, you need not to know her. "
Maya-maya pa'y may ilan pang kakilala si Zero na pumwesto sa table nila.
Sumama ang pakiramdam niya nang makita ang isang pamilyar na singkit na babae,scarlet ang buhok nito.
That was the girl na ka--
Nevermind. Sumasakit ang ulo niya. Lalo niya na tuloy gustong umuwi.
Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng jacket ni Zero ng tumabi ang babaeng yun kay Cyrus,sa pwestong katapat ni Zero.
Tiningnan siya sandali ni Zero saka ngumisi.
"Scarlet, nandito ka rin pala."bati nito sa bagong dating na babae.
Yumuko siya. Gusto niyang bigwasan si Zero. O kaya yung Scarlet.
"Yeah,obviously. " maarteng saad nito. Lalo siyang naiinis dito. Parang nadadagdagan ang dahilan niya para kainisan ito. Maarte,mukhang mataray. Malandi? At dahil doon sa nakita niya noon.
Not that she's jealous. Really.
"Ang taray mo. May dalaw ka?"natatawang saad ni Zero.
Woah. Close sila at nagbibiruan sila ng ganito?
As in?
"Nope,gusto mong malaman?"ngumisi ito at kinagat ang ibabang labi.
Nag-iinit ang ulo niya.
Naisip niyang ihampas sa ulo ng malanding babae ang bote ng alak sa harap niya. Para makatulog at di na makapaglandi.
Pero syempre hindi niya kaya. So she ended up,pulling the bottle from the bucket and drink all the beer in it.Natulala lahat ng kasama nila sa table,maging si Zero.
"Sabi mo hindi siya umiinom?"tanong nung Kelvin.
"Ri," tiningnan siya ni Zero, nakakunot ang noo nito. His look is like asking her what's her problem.
Malandi ka! Yun ang problema ko!
Gusto niyang isigaw yun kay Zero pero hindi niya ginawa. Inirapan niya lang ito at tumungga ulit. Nagbabakasakali,na sa pait ng beer ay natatabunan nito ang pait ng puso niya. Ng inggit niya,ng lahat.
Baka sakali lang naman.
Medyo nahihilo na siya at halos nanginginig na ang kamay nang abutin niya ang isa pang bote pero inagaw ito ni Zero.
"Ano ba?!"hindi pa siya lasing. Siguro sadyang nakalimutan niya lang na Hindi pwedeng basta-basta na lang sigawan ang isang Zero Ripper.
"You're drunk. Let's go home. " seryoso nitong sabi at dahan dahan siyang inakay patayo pero winaksi niya ang kamay nito at hinila rin paupo.
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...