Burn
Kinusot niya ang mga mata at bumangon. Dinungaw niya ang bintana. Gabi na!
Nakatulog siya dahil sa pagod sa byahe kaya hindi niya na namalayan ang oras.
Ang malamig na hangin mula sa dagat at dumadampi sa mukha niya. Sinalikop niya ang sumabog na buhok dulot ng hangin at inilagay sa kanyang balikat.
Gusto pa naman niyang maligo ng dagat. Pumayag naman si Zero kanina nang magpaalam siya. Problema nga ay nakatulog siya. Pero pwede naman siyang maligo kahit gabi! Tama, pwede naman siyang mag night swimming.
Bumaba siya at wala siyang nakitang Zero sa sala. Hindi na siya nag-abalang magbihis dahil wala naman siyang dalang panligo.
Umalis si Zero kanina nang may tumawag. Hindi niya sigurado kung si Dark ba yun. Nawala rin kasi si Dark pagkatapos silang ihatid doon. Napasimangot siya nang may maalala pang maaaring tumawag kay Zero.
Ano naman kung tumawag yung Scarlet na 'yon kay Zero?
Inilubog niya ang mga paa sa tubig. Kailangan niyang ilihis ang pag-iisip para hindi maalala yung Scarlet na yun. Dapat ay ineenjoy niya na lang ang dagat. Ang katahimikan nito.
Dahil malamig ang dalampasigan, kabaliktaran noon ang tubig. Maligamgam iyon.
Naglakad siya at lumubog pa hanggang sa hanggang dibdib niya na ang tubig. Pumikit siya at pinayapa ang paghinga para lumutang siya. Nagpaubaya siya sa tubig at hinayaan lamang ang mga alon na tangayin siya.
Narerelax siya sa ganitong maligamgam na tubig at tahimik na kapaligiran. Kulang na lang ay maidlip siya sa katahimikan ng paligid at sa ginhawang dala ng tubig.
Nagulat siya nang may kung anong bumagsak sa tubig. May kung anong kumapit sa kanya at nawalan siya ng balanse. Lumubog siya kasama ng kung sino o anuman yong kumapit sa kanya.
Umangat siya para makahagilap ng hangin. Ganun din si Zero na yakap siya ngayon. Umubo pa siya dahil nakainom yata siya ng tubig.
"Are you crazy?! " sigaw sa kanya ni Zero. Hindi niya alam kung ano na namang nagawa niyang mali at sumisigaw na naman ito.
"Naliligo lang naman ako! " ganting sigaw niya. Paanong kinabaliw niya ang paliligo lang?!
" This late, Ri?Pinagpabukas mo na lang sana. Ni hindi ka nakapangligo! You are wearing a nightgown and floating here! Ano sa tingin mo ang iisipin ko?! I'm damn worried! " niyakap siya nito. Mahigpit ang pagkakayakap nito kaya hindi na siya sumagot. " Alam mo ba kung gaano akong natakot? " mahinang tanong nito.
Magkadikit ang mga katawan nila sa ilalim na tubig. Sa ganoong kalapit ay ramdam niya ang mabilis na kalampag ng puso nito.
"I'm sorry. Magpapaalam naman sana ako sa'yo ang kaso hinsi kita nakita at di ko alam kung saan ka hahanapin kaya dumeretso na ako. Hinsi ko naman alam-"
Zero hushed her. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi at tiningnan ng mabuti.
"It's okay. Basta magpaalam ka na lang ulit sa susunod. At wag kang maligo ng gabi. Delikado. You should tell me if you want to swin that bad, pwede naman kitang samahan. " hinaplos nito ang kanyang piangi gamit ang mga hinlalaki. "I'm sorry for shouting at you. "
Tumango siya. Nagkatinginan sila ng mas matagal. Bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi. Umawang ang labi ng binata at dahan-dahang yumuko.
Pumikit siya at sinalubong ang halik nito. Mapupusok ang mga iyon at malalim. Diniin nito ang batok niya at tinagilid ang ulo para mas mahalikan aiya ng mabuti.
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
Storie d'amoreShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...