Nothing"Sa tingin mo ba makakatakas ka?! Buburahin ko ang alaaala mo, saka ko kukunin ang paningin mo nang sa gayon ay di ka makapagsumbong! " nawawalan na siya nang hangin pero hindi siya pwedeng huminto sa pagtakbo. Kahit saang sulok siya magtago, kahit saan siya sumuksok, naririnig niya ang boses at ang nakakatakot na tawa ng matandang humahabol sa kanya. Para itong kamatayan sa hawak nitong napakalaking kalawit.
"Ayoko na! Tigilan mo na ako!! " umiiyak niyang sigaw. Habang tumatakbo ay pilit niyang tinatakpan ang kanyang mga tainga upang di marinig ang nakakatakot na boses nito.
"Wala kang kawala Ri!! " tumawa pa ito nang malakas.
Nadapa siya, nakita niya ang kumikinang na itim na sapatos ng isang lalaking nakatayo sa harap niya kaya tumingala siya.
Si Eclipse. Sa likod nito ay kanyang tiyaheng, na nakangisi ng pagkalaki-laki.
"Kahit saan ka pumunta Ri, pinanganak ka para magdusa! " tumawa pa ito nang parang bruha." Kaya bagay yan sa iyo! Magdusa ka!! " umiiyak siyang umatras, nakaramdam din siya nang sakit sa kanyang leeg.
Lumingon siya sa kanyang likod.
Bangin. At may nakataling pulang sinulid sa kanyang leeg, pero napakatibay nito. Na para bang kaya nitong hiwain ang kanyang balat. Hinihila siya ng sinulid pababa sa bangin.
"Tulong, " halos di na marinig ang kanyang boses dahil sa pagkasakal.
Nakita niya si Zero sa kanyang harapan. Muli siyang nabuhayan ng loob at dali-daling inilahad ang kamay niya. Umaasang hihilahin siya at tutulungan ng binata.
Ngunit nanatili itong nakatayo at nakatingin lamang sa kanya. Ngumisi ito at kumaway lamang sa kanya na para bang nagpapaalam.
"Zero! "
Pawis na pawis siya nang bumangon siya. Agad siyang napahawak sa leeg niya, sinisigurong wala talagang sinulid o kahit anong nakatali doon. Hinahabol niya pa rin ang kanyang paghinga. Panaginip lamang ito ngunit pajiwari niya ay totoong totoo ito. Para ngang ramdam niyang nasakal talaga siya at nadapa.
Pinahid niya ang luha niya at humiga ng patagilid. Niyakap niya ang sarili niya at tahimik na umiyak. Mas malala pa ang nararamdaman niyang stress ngayon kesa noong nasa puder pa siya ng kanyang tya.
Bakit pakiramdam niya mas nag-iisa siya ngayon. Pakiramdam niya ay wala siyang kakampi. Ay tama, wala naman talaga siyang kakampi noong una palang.
Mag-isa lang siya.
Mababaliw na yata siya ngayon.
**************
"Urgh! " lalo siyang nafrustrate nang makita ang itsura niya sa salamin. Tatlong beses na nga yata siyang naghilamos. Syempre di naman mabubura ng kahit anong sabon ang malalaki niyang eyebags na akala mo ay sako na si Santa Claus. Mukha nga siyang stress. Hindi halata.
Anemic din siya kaya lalo siyang namumutka dahil ilang gabi na rin siyang walang maayos na tulog.
Agad siyang papaayos nang tayo nang marinig ang pagbukas ng pinto. Marahil ay dumating na si Zero. Hindi niya alam pero naexcite siya. Marahil dahil na rin sa napakaboring mapag-isa sa napakalaking condo unit nito. Naisip niya, yayain niya kaya ang binatang magmalling,oara na rin makalimutan niya ang takot at kabang nararamdaman.
"Zero,ikaw na ba yan?" pero lahat ng sayang naramdaman niya ay agad naglaho. Bumagsak ang mga balikat niya nang maabutang may babaeng kahalikan sa sofa si Zero.
Bumigat ang loob niya sa di maipaliwanag na dahilan. Nanghihina na rin yata ang mga tuhod niya.
Sinulyapan siya ng babaeng may singkit at na mga mata,matangos ang ilong nito at mahaba ang kulay scarlet nitong buhok. Slim ang pangangatawan nito.
Saglit rin siyang nilingon ni Zero,ngumisi ito at sinabihan ang kahalikan na " Just don't mind her. Don't worry, she's nothing here. " saka nito muling hinalikan ang babae. Naghalikan ang mga ito na para bang wala lang siya.
Bingi ka ba Ri, ' you are nothing here' nga kasi.
Himinga siya nang malalim bago mabilis na naglakad papasok sa kwarto. Agad niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Doon siya humagulgol. Pinipilit na di lumikha ng anumang ingay. Hindi niya rin alam kung bakit umiiyak siya. Siguro dahil ngayon, ay kailangang-kailangan niya ng makakasama para mabawasan ang stress at takot na nararamdan niya ngayon. Pero wala palang timensa kanya ang kaisa-isang taong akala niya ay malalapitan niya. Dahil busy itong makipaglampungan sa ibang babae.
Are you dumb, Ri? Umaasa ka bang sa iyo lang siya makikipaglampungan? Wag ka ngang umastang may karapatan ka, saway niya sa sarili.
Noon pa man ay alam niyang hindi matinong lalaki itong si Zero, kaya bakit pa nga ba siya aasang siya lang ang lalandiin nito.
Very pathetic!
Hindi niya namalayan na nakaidlip pla siya sa pag-iyak. Tiningala niya ang wall clock. Alas sinco na ng hapon. Bumangon siya kahit nahihilo siya. Masakit din ang mga mata niya.
Naabutan niyang naninigarilyo si Zero sa sofa. Wala na ang babae, pero makikita ang bakas na may nangyaring hocus focus sa sala kanina. Sa suot ng binatang polo na hindi nakabutones, kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito. Ang pantalon nitong ni hindi manlang niya pinagkaabalahang i-zipper.
Leche.
Bakit pag naiisip niyang may ginawang kababalaghan ang babaeng iyon at si Zero ay nag-iinit ang ulo niya?!
"Why?! " pasinghal na tanong nito. At ito pa ang may ganang mag galit ng alitan ngayon?!
"Wala. " pinilit niyang hwag tarayan ang lalaki kahit gustong-gusto niyang bigwasan ito.
Pilit niya nalang pinaalala sa sarili na, hindi siya girlfriend nito kaya wala siyang karapatan. Kung anong karapatan man iyon, ay ayaw niya nang isipin pa.
"Come here. " lalagpasan na sana niya ito at dederetso sa kusina nang sinenyasan siya nito na lumapit. Pero hindi siya sumunod, sa halip ay lumingon lamang siya.
"Nasaan na yung babae? " hindi niya gustong bigkasin ang tanong na iyon pero yun ang lumabas sa kanyang bibig. Maging ang pagtaas ng kanyang kilay ay animo'y di niya kontrolado.
"You need not to care. " tanging sagot ng binata. Na lalo niyang kinaiinis. Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo.
"I'm still talking to you. " nabigla siya nang hatakin nito ang kanyang braso. Pwersahan siya nitong hinila palapit.
"A-aray, " nasasaktan siya sa paghigpit ng hawak nito sa kanyang braso. "Bitiwan mo nga ako. "
"What is this bitch act for? " nilapit nito ang mukha sa kanya, dahilan para maamoy niya ang pinaghalo-halong amoy ng alak, sigarilyo ,ang panglalaking pabango nito na nahaluaan ng pabango ng babaeng kasama nito kanina. And she hate that he smell like that woman. Or any woman but her.
That was stupid.
"Bitiwan mo nga ako. " sa unang pagkakataon ay nilabanan niya ito ng titigan. Hindi niya alam kung saan niya nakukuha lahat ng tapang at lakas-loob ngayon para sagot-sagutin si Zero.
"Oh, look at that. You're not an angel anymore huh? Unti-unti nang tumutubo yang sungay mo, but remember you can never use that with me. It is still in my game, and nobody cheats me in the middle of the game. " hinila nito pataas ang kanyang buhok kaya't nakatingala siya.
"I'm still gonna win in this game. So better watch your every move. You still don't know who Zero Park- Ripper is. " bulong nito sa kanyang leeg bago siya nito itinulak palayo. Napaupo siya sa sahig, hawak ang kanyang brasong namula sa mahigpit na paghawak ng binata. Tumayo ito at pumasok sa kwarto.
For the ninth time, she just cried. After all, dun lang naman siya expert e. Sa pag-iyak.
Now, she want to back out. Ayaw niya na. Bahala nang walang one hundred thousand, o malaking condo unit. Ayaw niya na. Masyado na siyang pagod, dealing with monsters that she'll never know how to handle.
She regret signing up for this.
-------
Sending hearts 😘😘
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...