ConnectionIlang beses na siyang nag-iba at nag palipat-lipat ng pwesto sa higaan pero di pa rin siya makatulog.
Nasasakal siya sa kanyang sariling konsensya.
Alam niyang dapat siyang tumulong dahil siya ang nakasaksi ng kidnapping na naganap, pero natatakot siya. Natatakot siya sa maaring gawin ng mga lalaking nakaitim, lalo na sa matandang kung ngumiti ay alam niyang isa talagang delikadong nilalang.
Bumangon siya at tumungo sa kusina. Uminom muna siya ng isang basong tubig saa lumipat sa sala. Inopen niya ang bintana. Malamig ang hanging sumalubong sa kanyang mukha nang dumungaw siya rito. Kailangan niya talaga ng sariwang hangin sa ngayon. Nananakit na rin kasi ang ulo niya, ilang gabi na siyang walang maayos na tulog. Hindi niya alam kung bakit, pero sa twing ipipikit niya ang kanyang mga mata, o sa twing makakaidlip siya, nakikita niya ang mukha ng matandang nakaitim, at ang pagngiti nito. Maging ang dalawang babaeng walang malay.
Hindi niya alam kung ani nang nangyari sa mga ito ngayon, pero nasisiguro niyang kung siya ang nasa kalagayan ng dalawa, gugustuhin at hihilingin niyang may sinumang tumulong sa kanya. Babae rin siya, kaya nakakaramdam siya ng simpatya at awa sa mga ito. Pero ang takot niya ay isang halimaw ng kanyang pagkatao. Nakakadena ang takot na iyon sa kanya at kailan man ay di niya ito magagawang takasan.
"Bakit gising ka pa? " napalingon siya nang marinig ang boses ni Zero. Hinubad nito ang leather jacket at hinagis sa malapit na sofa.
Umiling lang siya, pinilit niyang ngumiti kahit ang totoo ay gustong-gusto niya nang yakapin ito at umiyak na lang. Kung pwede lamang niyang sabihin dito ang tungkol sa kidnapping na asaksihan niya. Kung pwede niya lang sana itong pagsabihan ng takot na nararamdaman niya ngayon, maaari sigurong gumaan ng kaunti ang loob niya.
Pero hindi.
Isang napakalaking hakbang iyon, na di niya kailan man gagawin. Mapapahamak lang siya, at si Zero.
Umiling lamang ito at dumeretso sa banyo.
Laking pasasalamat niya na hindi siya kinukulit pa nito. Alam niyang pansin nito ang pagiging matamlay at wala sa sarili niya. Anumang tago ang gawin niya, alam niyang masyado pa rin siyang obvious.
***********
Alas tres ng madaling araw ang huling tingin niya sa orasan. Ganoon katagal na siyang gising. Masakit na rin ang ulo niya. Nakapikit nga siya pero gising na gising pa rin ang diwa niya.
Naramdaman niya ang paggalaw ng kama pero di pa rin siya dumilat o gumalaw man lang. Nanatili rin siyang nakapikit at nakikiramdam. Naramadaman niya na lang na tumabi ito sa kanya at yumakap sa kanya mula sa likod. Sininghot pa nito ang batok niya at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
Parang may mga paru-paro na namang lumilipad sa sikmura niya habang nasa tyan niya ang mga palad nito.
"You're still awake? " mahinang tanong nito. Hindi siya sumagot. "Tangina, alam ko gising ka. Wag ka ngang magtulog tulugan. " mahina ang boses nito pero dahil nagmura ito ay alam niyang naasar na ito sa kanya.
"H-Hindi ako makatulog. " mahina niyang sagot.
"Really? Why? " nakikiliti siya na parang ewan sa boses nito.
"W-Wala. " then, again. That hit her. Muli siyang nilamon ng kanyang takot. Natigilan siya, kating-kati na siyang magsumbong kay Zero tungkol sa nakita pero pinipigilan niya lang.
"Paanong wala? " akala niya ay di na siya kukulitin ni Zero pero mali siya. Dahil alam niyang di ito titigil ng kakatanong kapag di niya sinabi ang nakita.
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...