FestivalMabilis ring humupa ang chismis. Nasabi rin sa kanya ni Denyce sa kanya ang mga narinig, natatakot man na mapagalitan niya.
Ayun rito, may nagkalat daw ng balitang galing siya sa casa at pumatol siya sa idang sugar daddy para makalabas roon at kaya siya nagkapera ng malaki ay dahil rin doon.
Tinawanan niya lamang yun.
"Hindi naman totoo yun, Denyce. Bakit ako magagalit. Let them spread that false rumor. Wala naman silang ebidensya. " sabi niya saka pinaglaruan ang bolpen.
"Opo, ma'am! " mabilis na sagot ni Denyce. "Saka po hindi naman ako naniniwala sa mga iyon. Baka sinisiraan lang po kayo kasi naiinggit sa inyo. Mayaman po kayo, maganda, makapangyarihan. Saka marami pong may crush sa inyo rito. " humagikhik ang dalaga. Napangisi na lang siya.
Ang totoo, the first part of the rumor is true. Yes, galing siya sa Casa. But it's not a sugar daddy that brought her out. Kung alam lang nila ang pinagdaanan niya makawala lang roon. At kung hindi rin dahil sa mgq pangyayaring iyon, wala siya kung nasaan siya ngayon.
Pagkatapos makita ang location ng bago nilang project sa Cagayan de Oro ay bumalik na ang buong team nila sa hotel.
Malayong byhe ang Mindanao kaya medyo napagod rin siya. Pero dahil siya ang acting CEO, dapat ay active siya sa mga transactions at projects.
"Ay alam niyo guys,malapit rito ang sa amin. Saka magpipista na. Baka kako gusto niyo. " sabi ni Ninybel ,isa sa mga engineers.
"Talaga?! Hindi pa ako nakaka-experience ng pista. " sabat ni Karen.
"We? Walang pista sa inyo? " tanong ni Max. Isang interior designer.
Umiling si Karen. "Wala naman mga ganyan sa LA e. " nagkibit balikat ito. "So, I'd like to experience one. "
"Ikaw, ma'am? Malapit lang dito ang sa amin. Iligan ma'am. May mga waterfalls din. Tutal tapos na namang ma survey ang area kaya okay na. Magtagal muna tayo ng mga three to four days. Kahit maiksing bakasyon lang? Naging hectic ang schedules natin nitong nakaraang buwan. Mag enjoy muna tayo sandali? " pangingumbinsi ni Ninybel.
Tipid siyang ngumiti. Kahit kailan hindi naman kasi siya nakapag enjoy ng fiesta. Noon sa kanila, lagi lang siyang iniiwan sa bahay samantalang mangangapitbahay ang kanyang tya at makikipag inuman.
Gaya ng sabi ni Karen, walang ganoon sa States isa pa masyado siyang occupied sa paghihiganti kaya hindi niya naisio mag enjoy.
"I'll go. " nakangiti niyang sagot.
"Salamat po! Makakasama ko na rin ang anak ko. " masayang sabi ni Ninybel. "Ikaw, Sir Zero? Sama ka? "
Lahat sila ay napatingin dito pero nng iangat nito ang tingin ay dumerekta ito sa kanya.
" If our President will go, sasama rin ako. " sagot nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Tahimik ang lahat. May isang sumipol.
Nagtaas siya ng kilay.
Nagpapaimpress?
Seven in the morning ay naghanda na sila. Dahil September na ay medyo malamig kahit maaga pa.
"Bisperas ng Diyandi bukas. Maghahanda kami kaya magiging busy. Sa araw naman ng Diyandi mismo, magkakakaroon ng parada ang bawat baranggay. Lahat may kanya kanyang representative na gaganap na Senior San Miguel at Demonyo. May performance din ng sayaw pagkatapos ng parada. " pag eexplain ni Ninybel na nagpaexcite lalo sa lahat. Maging siya ay naeexcite rin sa fiesta.
BINABASA MO ANG
Playing The Devil's Game
RomanceShe's an angel. A fallen one. An angel who received the heaven's unkindness.With her wings wounded, her faith fading, and her fear eating her up. With a step,to change everything, to walk to a path to the devil's cage. Inside the labyrinth of that...