Game Thirteen

84 1 0
                                    


                             No Rights


Maayos ang paninirahan niya sa apartment ni Dean, liban lang sa ilang bagay.

Dahil day off niya sa trabaho, naisipan niyang maglinis sa apartment. Dahil tutal siya lang naman ang pwedeng gumawa nun, hindi naman kasi naglilinis si Dean.

Sa isang malaking wardrobe, na tingin niya ay kay Dean siya huling nagligpit. Makalat kasi ang mga damit na laman nito.

Sa kalagitnaan ng paglilugpit niya, nakita niya ang isang lilang kahon.

Dahil sa kuryusidad, binuksan niya ito. May ilang bagay na laman ang kahon. Una ay isang maliit na boteng may mga tuyong rosas, isang pares ng hairpins na may disenyong lavander, at isang kwintas.

"Ri! " nagulat siya nang may humablot sa kahon. Tiningala niya ito. Si Dean, na mukhang galit na galit. "What do you think you are doing huh?!" agad nitong sinara ang kahon, na akala mo isa itong pandora na maglalabas ng mga kasalanan sa oras na mabuksan.

"Naglili--"

"You shouldn't touch anything from my wardrobe! " sigaw nito. "Please Ri, lumabas ka nang kwarto at baka kung ano pang magawa ko sayo. And next time, never ever touch this thing again, kung hindi papalayasin kita! "

Lumabas siya sa kwarto ni Dean nang walang salitang lumabas sa bibig niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagagalit. She should've tell her in a nicer way. Hindi niya alam kung saang parte sa ginawa niya ang masama. May bomba ba roon na kapag nahawakan niya ay sasabog? Or memorable things ba yun kay Dean. Maiintindihan niya sana, kung sinabi nito sa kanya ng maayos. Pero hindi e.

Mabigat ang loob niyang lumabas ng apartment. Hindi niya alam kung saan niya papalipasin ang sama ng loob niya. Kung pupunta naman siya kina Yohan, na isa sa mga close niya sa bar, pero paano niya malalaman ang bahay nito. Di rin niya ito makokontak dahil wala naman siyang cellphone.

Nag muni-muni na lang siya sa isang park. Nagpalipas na lang siya ng maghapon doon at gabi na nang umuwi siya.

"Saan ka ba nanggaling?! " mataas ang tono ni Dean pero kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.

"Sa labas. " simple niyang sagot. Kanina ay pinaalis siya nito, ngayon magtatanong kung saan siya nanggaling? Magulo talaga ang babaeng kaharap niya.

"Gahd! Ba't di ka nagpaalam? I've been searching for you, akala ko nagtampo ka at--"

"I did. Nagtampo ako. " humugot siya ng ilang malalim na bu tong hininga  dahil ayaw niyang umiyak sa harap nito. She's not gonna show howweak creature she is.

"Nasaktan ako, pero okay lang. After all, nakikitira lang naman ako rito. Ikaw naman yung tama e. Wala akong karapatang magtampo o masaktan sa mga sinabi mo, kasi tama ka naman. " she can taste her bitterness as those words came out of her lips.

After all. She's nothing but the weak Nina Mariella.

Nothing's changed.

"Look, pasensya ka na at nasigawan kita kanina. Personal belongings ko kasi yung pinakealaman mo kaya.. "

"Hindi. Okay lang talaga. Pramis. "

------------------

Playing The Devil's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon